Kabanata 47: Nababalisa

729 18 1
                                    

Hindi kaagad ako nakasagot at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Did I just heard what he says? Ihahatid niya ako? Ano 'yon, parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin noon? Gusto kong tumawa ng may halong pagkadisgusto ngunit hindi ko magawa. Hindi ko mahanap ang boses ko ng bumalik sa aking alala 'yong panahong pinagtanggol niya ang sugar mommy niya kaysa saakin. Oh yes, Trixie. He chose that woman over me. At isa pa, wala akong oras sa kanya. Wala na kaming dapat pag usapan pa dahil tapos na ang kung ano mang meron saamin noon.

Nakaawang ang labi niya at hinihintay ang sagot ko ngunit nanatili akong tahimik. Matapos niya akong durugin ay ganito ang ibubungad niya saakin? Na para bang ayos na ang lahat? Napailing ako at linagpasan siya. Nakakadalawang hakbang palang ako ng hawakan niya ang braso ko at pinihit paharap sa kanya.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang elektrisidad sa katawan ko ng muling maglapat ang balat namin. God!

"Don't touch me!" singhal ko dahilan upang mapatingin sila saamin ni Jackson. Fuck! Napamura ako ng hindi man lang niya alintana ang tumitingin saamin. Imbes ay binigyan niya ako ng malungkot na tingin.

"T-Trixie," halos bulong na niyang sabi at pansin kong nahihirapan siyang magsalita. Nagpumiglas ako at umiwas ng tingin. My body is betraying me. Halos kilabutan ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Punong puno ng kalungkutan ang boses niya. But I don't care! God, I don't care! Hinila ko ang kamay ko at inayos ang tayo ko. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

Parang umatras ang dila ko ng makita ko ang malulungkot niyang mata. It reflects his action. Kitang kita ko ang takot niya.

"Ano ba'ng kailangan mo, mister? Hindi kita kilala." mula sa pagkakayuko ay mabilis niyang inangat ang ulo niya. Umawang ang labi niya sa sinabi ko. Pansin ko ang mabibigat niyang paghinga at gulat na gulat siya.

"W-what? Trixie," natigilan siya at naihilamos ang palad niya sa mukha. He look frustrated and wasted. "Don't treat me like these, Trixie. It's me, Jackson." tumawa ako ng may halong pagkadisgusto sa pagpapakilala niya.

"Sorry, I don't know you." sambit ko at iniwan siyang tulala. Paano ko nga ba siya makakalimutan? Si Jackson na minahal ko noon ngunit pinagtabuyan niya rin. How damn he is. Tatawid na sana ako sa pedestrian lane ng may humawak nanaman sa braso ko. Halos magalburuto ako sa galit ng makitang si Jackson nanaman iyon.

Kung kanina ay wala siya sa sarili niya, ngayon ay seryoso na siya at nagiigting ang panga niya. Salubong ang kilay at mabibigat ang kanyang paghinga. Nagtaas baba rin ang adams apple niya pahiwatig na naiirita siya sa tinuran ko. But who cares? Hindi na ako iyong dating Trixie na natatakot at mabilis niyang nakuha noon kay Greg. Kung nagbago siya, pwes ganoon din ako.

"Will you please stop acting like you don't know me!" pigil pigil niya ang pagtaas ng boses at akmang hihilain ako papunta sa sasakyan niya ngunit inilisi ko ang kamay niya. Fuck! Ano'ng gusto niya, na bukal sa loob ko siyang tanggapin!

"Hindi kita kilala! Kaya pwede ba, huwag kang paharang harang sa daanan. Sinasayang mo ang oras ko."
"Trixie ako 'to," hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinantay ang ulo niya saakin. "You already forgot me? For fuck's sake! Trixie si Jackson 'to!"

Kinagat ko ang ibabang labi at winaksi ang kamay niya sa balikat ko. Umiwas ako ng tingin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa pisngi ko.

"Hindi kita kilala, wala akong kilalang Jackson. So please," hindi ko na siya tinapunan ng tingin at sumakay sa humintong jeep pagkatawid ko.

Gusto ko siyang lingunin upang makita kung ano'ng reaksyon niya sa sinabi ko ngunit pinigilan ko ang aking sarili. What does he want? After two fucking years, magpapakita siya saakin at ganoon niya ako itrato. Na para bang kahapon lang ay hawak hawak pa niya ako. He really do change. Kung noon ay hindi siya nage-english, ngayon, halos 'yon na ang gamitin niyang lengwahe. Napailing ako at napapikit ng mariin. Bakit kailangan pa niyang bumalik ngayong nasanay na akong wala siya sa tabi ko.

MercilessWhere stories live. Discover now