Kabanata 10: Texts

850 15 0
                                    

Hindi ko na alam ang nangyayari saakin at kung bakit ganito na lang ako kaapektado sa text at ngiti ni Jackson. What is wrong with me? Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko kahit nakauwi na ako dito sa bahay? Na weiweirduhan narin saakin si Greg dahil biglaan na lang ang pagiging tahimik ko. That idiot! Ang kapal kapal ng mukha! Bakit niya ako aagawin kay Greg? And as if naman papayag akong makapasama pa siyang muli!

Bukas na bukas din ay magpapalit na ako ng number ng matigil na ang kahibangan niya! Laking gulat ko na lang nang maituwid ko ang aking isipan kaninang umalis si Jackson, at bago pa man siya makita ni Greg ay nawala na siya sa paningin ko. Dapat ko na siyang makausap ng masinsinan ng tigil tigilan na niya ako. Malakas na ang saltik sa kokote ng Jackson na iyon.

Huminga ako ng malalim at napapikit. Alas siyete pa lang pero inaantok na ako, ramdam ko rin ang pagod sa katawan ko kahit wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw na ito. Napabalikwas lang ako ng mag vibrate ang cellphone ko sa ulonan. Tinatamad man ay umupo ako at sumandal sa headboard ng kama at kinuha ang cellphone ko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang unknown number nanaman ang nag text at kapareha nito ang number ni Jackson. Sumilay ang kaba sa dibdib ko at linapag sa lamesa ang phone ko. Goodness! Bakit nanaman nag tetext ang lalaking iyon! Napakagat ako sa kuko ng mag vibrate nanaman iyon. What the?! Ano ba'ng problema ng lalaking 'to at ginugulo niya ako! Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko at binuksan ang text niya.

Mabuti naman at nakauwi ka ng maayos, ayos ah. Ang laki ng bahay ninyo.

Napakagat ako sa labi ko at binasa pa ang isang text niya.

Pinupuri ko lang ang bahay mo. Nakakalula kasi. Baka isipin mong pagpeperahan nanaman kita. Weirdo mo talaga.

Aba at! Lumaki ang mata ko at nagpipigil ang galit kung linapag ang phone ko sa kama at nanlilisik ang matang tumitig doon. Ipinapamukha nanaman ba niya saakin na mapanghusga akong tao?! Ni hindi ko nga siya rinereplyn tapos iyon ang sasabihin niya?! At paano niya nalaman na malaki ang bahay namin? Huwag niyang sabihing hanggang dito ay sinusundan parin niya ako! Nakakabwisit ang lalaking ito! Nag vibrate nanaman ang phone ko at text nanaman galing kay Jackson.

Trixie, wala ka bang load? Arte nito! Nagpaload na nga ako para lang sa'yo, tapos ayaw mo pang mag reply? Loadan kita gusto mo?

Nalaglag na lang ang panga ko at tulalang napatitig sa screen ng cellphone ko. Bwisit! Sinabi ko bang mag paload siya at itext ako? At hindi ko kailangan ang load niya dahil marami ako non. Ngumisi ako at nag reply ng blangko. Tignan natin kung hindi siya maiinis.

Ilang segundo pa at nag vibrate nanaman ang phone ko.

Tss. Bakit blangko? Wala ka man lang bang sasabihin saakin Trixie? Kamusta naman iyong date ninyo ni Greg?

Tumaas ang kilay ko kahit hindi niya kita. At ano namang pakialam niya saamin ni Greg?

Problema mo? Will you please delete my number? Istorbo ka! At, sinundan mo ba ako kanina!

Jackson:
Ba't ko naman idedelete? Ayoko nga, kahit ilang ulit mo pa 'yang sabihin, hindi ko idedelete. At hindi kita sinundan Trixie. Nagkataon lang na nakatira rin dito iyong kaibigan ko.

Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko sa text niya. Konti na lang talaga at sasabog na ako sa inis sa lalaking ito! Malay ko ba na may kaibigan pala siya dito at hindi pala niya ako sinundan dito sa subdivision!

Kaibigan? Baka naman nakikikabit ka nanaman at may baka babae ka dito? Delete my number please! At huwag mo na akong itetext! Peste ka! Wala kang pakialam saamin ni Greg!

MercilessWhere stories live. Discover now