Kabanata 2: Bullied

1.4K 30 4
                                    

"Hoo! Go David!" napatakip ako sa tenga sa lakas ng sigaw ni Antonette. God! Pumutok na yata ang ugat sa lalamunan niya sa lakas ng sigaw niya. Isama pa ang ilang studyante dito sa gym na tulad nitong babaeng ito ay sumisigaw rin.

"Lower your voice Antonette!" bulalas ko ngunit inikutan niya lang ako ng mata.

"Sabayan mo na lang ako Trixie! Ikaw diyan ang nagpupush saaking suportahan si David. Labo mo Trix!" sagot naman niya at sumigaw nanaman.

Inirapan ko na lang siya at ibinaling ang tingin sa stage kung saan doon nagpapractice sila Carlos. Ewan ko ba sakanila at simula noong nag high school sila ay nakahiligan na nila ang pagsali sa mga dancing contest. Pinangalanan pa nila ang grupo nila ng Affectionate. Ani nila'y, para daw tumatak sa fans nila ang pangalan nila; to show love or affection. Sa ganitong paraan daw ay naipapakita nila ang pagmamahal nila sa fans nila through dancing. Noong sinabi nila 'yon ay halos mawalan ako ng hangin sa katawan kakatawa.

Ang dami nilang alam eh, halos computer game lang ang pinagkakabalahan nila noon. Kaya naman kukuha sila ng course na IT, para mag develop daw sila ng sarili nilang game. Well, knowing boys, at dahil nasa 21st century na tayo ay talaga namang uuso at uuso ang mga bago pang technology.

"Carlos! Ahhh!" nabingi nanaman ako sa lagas ng sigaw mula sa likuran. Tumingin ako sa gawi nila at umikot nanaman ang mata ko ng makita ang mga babaeng college students.

These is crazy. Affectionate is crazy. Pati mga college student ay nagkakagusto narin sa kanila kahit highschool palamang ang Affectionate. Lakas nilang makahatak ng mga fans, na pati senior students na ay nahuhumaling na sa charms nila. Magaling rin naman kasi sila, to the point na pati mga boys na nasa higher years na ay naiinis sa kanila. Padiba daw kasi sila at maangas. Akalain mo bang papatulan nila sila Carlos. These is really crazy.

Kahit paano ay kaibigan ko rin naman sila George, and of course pinsan ko si Carlos. Hindi naman nila kasalan na magagaling silang sumayaw at marami ang nagkakandarapang mga babae sa kanila. Natural lang ang humanga, ngunit ang sinasabi nilang pasikat lang ang Affectionate? Sige, sabihin nanating 50% lang, lumaki narin kasi ang ulo ni Joaquin at David. Pero andoon parin 'yong passion nila sa tuwing sumasayaw.
"Joaquin! Ang galing galing mo!" Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang boses ni Angela. Tumingin ako sa gawi nila at nakitang halos abutin na nila ang Affectionate kahit malayo sa kanila sila Carlos kasama ang mga kaibigan niya. Tumaas ang kilay ko ng makita si Heidi at malagkit ang tingin kay Carlos.

Tss. Ang sarap sampalin ng babaeng ito para matauhan. Akala ko ba patay na patay parin siya kay Greg? Bakit ngayon, kung makatingin siya sa pinsan ko ay halos tumulo na ang laway niya.

"Huwag mo ng pansinin iyang si Heidi, mag kakapimples ka lang diyan" humgalpak ng tawa si Antonette at napailing iling. Nagkibit balikat ako at kinuha na lang ang cellphone ko sa bag.

Nakakbwisit naman kasi ang kalandian niya! Ang bait bait ni Greg tapos, iniwanan niya ang ganoon klase ng lalaki para lamang landiin noon si Joaquin? Naiinis rin ako sa sarili ko dahil, isinuka niya si Greg, pero heto ako at tuluyan ng nahulog sa kanya. Nagtataka tuloy ako kung bakit nainlove si Greg kay Heidi. Ngunit, wala na akong magagawa pa dahil ngayon, konti na lang at sasagutin ko na si Greg. Ang lalaking kagaya niya ay hindi dapat binabalewala. Greg is a kind of dream guy.

"David! Ang galing galing naman ng mahal ko" nabalik ako sa ulirat ng halos bangain na ako ni Antonette at mabilis na yumakap kay David. Tumawa si George at inalalayan akong umupo ng maayos.

"Antonette!" sigaw ko, ngunit hayun at busy na siya sa paglalandi kay David. Napaka PDA! Hindi ko naman sinabing maglandian sila ng harap harapan, ipakita lang niya na kanya lang si David. Hindi 'yong parang dikya na sila kung maglampungan!

MercilessWhere stories live. Discover now