Kabanata 32: Hinihintay

648 14 0
                                    

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakaawang ang aking labi at habol habol ko ang paghinga habang gulat na nakatitig kay Greg. Ano'ng ginagawa niya dito? At bakit niya ginagatungan ang sinabi ni Carlos? Napapikit ako ng mariin ng hawakan ni Jackson ang balikat ko. Pinisil niya 'yon pahiwatig na wala dapat akong ikatakot dahil nasa tabi ko siya. Pero shit lang at naghaharumentado na ang sistema ko sa nangyayari ngayon.

"Hell. Kayo na pala, Trixie? Ni hindi mo man lang sinabi saakin? Wow, just wow!" may pagkadisgusto ang tono ng kanyang boses at ginulo ang sariling buhok.

Hindi ako nakasagot at ganoon parin ang reaksyon ko. Wala ako sa sarili. Hindi ko makuha ang tamang salita, hindi ko mahanap ang boses ko at nawawalan ako ng sasabihin. Napalunok ako at binalik sa normal ang paghinga ko. Damn, Trixie! Ginusto ko ito at papanindigan ko ang pagmamahal ko kay Jackson.

"Greg" anas ko.

"Ano? Hanggang Greg ka na lang ngayon, huh, sweety?" napaatras ako at napatigil ng banggitin niya ang dati naming tawagan. Napahawak siya sa ulo niya at tumingala. Hirap na hirap siyang harapin kami ni Jackson.

"Tumigil ka, Gregorio! Wala kang karapatang tawagin siyang sweety! Wala na kayo, pwede ba itatak mo 'yan sa kokote mo!" sigaw ni Jackson. Tiim ang bagang ni Greg at nag-igting ang kanyang panga.

"Dahil kayo na? Tangina, Jackson, sulutero ka! Alam mong girlfriend ko si Trixie ngunit nilapitan mo pa rin siya! Ano'ng gusto mong palabasin, huh!" akmang susugurin na ni Jackson si Greg ngunit mabilis siyang napigilan ni Carlos. Linapitan naman ni George si Greg na ngayon ay handa na ring labanan si Jackson.

"Oh my God! This is bullshit! Umalis na tayo, Greg" hysterical na anang ng babaeng kasama ni Greg na ngayon ko lang napansin. "Tutunga ka na lang ba! Kasalanan mo lahat ng ito, e! Malandi kang babae!" patuloy pa niya at hinila si Greg palayo kay George.

Sa sinabi niyang 'yon ay nag pantig ang tenga ko at rumagasa ang galit sa katawan ko. Sino ba ang babaeng ito at ang kapal ng mukha niyang pagsalitaan ako ng maanghang na salita! Sinalubong ko ang titig niya. I know her! Siya 'yong babaeng nakita ko rin noon sa building nila Greg. Ah, oo, iyong nakakuha ng titulong Ms. Engineering last year.

"Tignan mo kung ano'ng ginawa mo?" sambit ni Carlos at pinukol saakin ang malamig niyang titig. "Fuck! Pwede ba, layuan muna ninyo ang pinsan ko. Hindi kayo magandang impluwensya sa kanya"

"Hindi ako papayag! Bakit kailangang humantong sa ganito? Tangina naman, pare. Mahal ko si Trixie. Kung ano man ang alam mo tungkol saakin, handa akong panindigan 'yon. Nagmamakaawa ako, huwag mo lang ilayo si Trixie" hirap ang boses ni Jackson at tinago ako sa likuran niya. Nalaglag ang panga ni Greg ganoon rin si George. Napapikit ng mariin si Carlos at nasapo ang kanyang noo.

"Dude, let's give him a chance. Mukhang baliw ang isang 'to kay Trix" ani George makalipas ang ilang sandali at tumawa ng mahina.

"What? George, siya 'yong lalaki sa bar! At," sandali siyang tumigil at napahawak sa batok niya. "Damn it! Bakit siya pa, Trixie! I remember him, siya 'yong kaibigan mong nahimatay. Fuck! Doon pa lang alam ko ng may nararamdaman kana sa kanya"

Pilit kong pinasok sa utak ko ang sinabi niya ngunit hindi ko magawa. Ano ang alam nila kay Jackson at ganito na lang sila makareak ni George? Tungkol ba ito sa pinag gagagawa ni Jackson? Ang estado niya sa buhay? Nakikita ba nila ito sa bar at doon siya kumukuha ng mga babaeng maikakama? God! Kung 'yon man ang ini-issue nila ay wala na 'yon saakin! Tanggap ko si Jackson at hindi 'yon ang magiging dahilan ng pagkakasira ng relasyon namin.

"Is it about the girls? The money he stole? Carlos, wala kang alam sa buhay ni Jackson. Ano ba'ng pinagpuputok ng butsi mo!" sigaw ko ng sa wakas ay makuha ko ang lakas ng loob kong sumagot.

MercilessWhere stories live. Discover now