Bakit niya ako sinipa? Napansin kaya niyang nakatitig ako sa Prof? Nagseselos ba siya? Napangiti tuloy ako, mukhang selos ang babe ko.

Pagkatapos ng morning class niyaya ko siya na kumain sa canteen.

"Babe, bakit tahimik ka?" tanong ko sa kanya habang sumusubo siya ng potato chips. Wala kaming ganang kumain ng rice kaya chichiria lang at softdrinks ang lunch namin.

Umiling siya, napansin ko rin na malayo ang tingin niya. Bakit parang ayaw niya akong tingnan?

Kumuha ako ng dalawang stick ng oishi na kinakain ko saka ko inipit sa magkabilang dulo ng bibig ko. Seryoso ako habang hinihintay ko siyang tumingin. Pagkaharap niya sa akin napangiti siya saka nagtakip ng mukha. Halatang nagpipigigil siya ng tawa.

"Jillian, para kang tanga. Alisin mo nga yan!"

Napapailing siya na natatawa. Namumula pa ang mukha.

"Ayaw mo kasi akong kausapin, eh."

Kinain ko rin itong oishi na inipit ko sa bibig ko.

"Wala ka talaga magawa 'no?"

Ngumiti ako saka uminom ng softdrinks.

Maalala ko yong birthday party ni Jean.

"Babe sa birthday ni Jean punta tayo, ha?"

Halatang nag-isip siya.

"Please, babe?"

Tumingin siya sa akin saka siya tumango.

Yes! Pumayag siya. After ng mga klase namin ay sinabayan ko na siyang maglakad pauwi sa apartment niya.

"Jillian?"

"Hmm?"

"Saan ang lakad mo ngayon?"

"Pupunta ako kina Jean tulungan ko raw siya magplan para sa birthday niya.''

"Ganon ba."

"Babe, bakit parang ang lungkot mo?"

"Hmm? Hindi naman."

"Ang seryoso mo kaya, miss mo ba ako?"

"Miss ka diyan."

"Miss mo si Rhen?" subukan lang niyang sumagot ng Oo.

"Hindi 'no."

Napangiti ako, buti naman hindi.

"Eh, ano pala?"

Hinila ko siya palapit sa akin tapos hinalikan ko yong noo niya. Hindi siya umimik pero tumitig siya sa akin. Naghihinatay naman ako nang sasabihin niya.

"Jillian, 'wag ka munang umuwi."

Natigilan ako sa sinabi niya. Se-seryoso ba siya?

"Sige babe samahan muna kita."

Akalain mo 'yon ayaw niya akong pauwiin.
Hinawakan ko yong kamay niya hanggang makapasok kami ng apartment niya.

Nagbihis na siya ng pambahay, at nandito naman ako sa sofa nakaupo. Nakangiti siya paglapit niya sa akin. Ang cute talaga ng mga dimples niya.

"Babe, ang sexy ng ngiti mo."

"Paano naman naging sexy yong ngiti ko?"

"Di ko alam basta ang sexy tingnan."

Nakakatunaw! Ngumiti ulit siya. Ay syete! nahihirapan talaga akong huminga kapag ganyan. Ang ganda talaga niya.

"Anong gusto mong kainin, Jillian?"

Ikaw sana...

"Uhm kahit ano, babe."

"Okay wait lang, ha."

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang