LMLY-33

106 3 0
                                    

LMLY-33
(AN: kapag talaga nasaktan ka ng sobra normal na may masasabi kang hindi mga kaaya ayang salita, pero nasa sayo pa din yan kung babawiin mo o hahayaan mo na lang na dalahin niya ito)

LMLY-THIRTYTHREE

Narinig ko ang pag bukas at pagsara ng pinto, sya na kaya iyon?.
"Cadillac" narinig kong pagtawag niya sakin, ang puso ko ay biglang nanlamig at tila nahihirapan itong pumintig... marahil sa sobrang galit na aking nararamdaman ngayon..
Dahan dahan akong humarap sa kaniya at naupo.
"lalabas muna kami ni Aero" paalam ng kapatid ko na tinanguan ko lang naman.. mas mabuti na din na wala sila para naman masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa taong ito...
Tumingin ako sa kaniya ng makalabas na ang dalawa. At mas lalong nag igting ang galit ko sa kaniya dahil kitang kita ko sa mukha niya ang saya... Masaya siya sa buhay niya ngayon...
"paanu ka nakakangiti ng ganyan habang ako ay nagluluksa ngayon?" tanung ko sa kaniya, seryoso itong tumingin sakin at lumapit.. hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan pero agad ko din iyong hinila pabalik...
"Cad-Cadillac, i'm sorry , kanina nagulat lang ako, hindi ko sinasadya, masyado lang akong nagulat sa nakita ko, Masaya ako ngayon dahil nakita na kita, finally..." maluha luhang sabi nito na nakapag pangiti sakin ng mapait..
"sorry?" tanung ko dito, agad naman itong tumango at lumapit sakin,kasabay ng paglapit niya ay ang pag sampal ko ng malakas sa kaniya..
Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata at sakit..
"maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko ha Ford?, maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng anak ko!! Ng anak natin! Ha?" sigaw ko dito habang nag pipigil ng iyak...
"a-anak natin?" gulat na gulat na tanung nito..
"oo Ford, ang anak natin na iningatan ko!, iningatan ko ng sobra pero sa isang sulyap ko lang sayo ay biglang nawala ito!, kasalanan mo to! Kung hindi kana lang sana lumapit samin ni Aero noon sana hanggang ngayon ay buhay pa ang anak ko!," malakas na sigaw ko dito habang sinusuntok ko siya sa dibdib, tulala lang naman itong nakatitig sa may sahig..
"Kahit kailan Ford!, kahit kailan hindi mo ako binigyan ng pagkakataon!, bakit ka ganyan!? Ha? Anu bang kasalanan ko sayo at lagi mo akong sinasaktan ng ganito?" tanung ko sa kaniya habang patuloy sa pagsuntok sa dibdib nito at ang luha na kanina ay pinipigilan ko ngayon ay hindi na maampat sa pag agos...
"bakit ikaw na lang ang palaging Masaya habang ako ay parating nagdurusa?, bakit Ford? Bakit?" tanung kong muli dito,naramdaman ko na lang na niyakap niya ako, yakap na mahigpit..
"i'm -i'm sorry, hindi ko alam Cadillac, please patawarin mo ako.. hindi ko alam"
Umiiyak din na sabi nito, habang patuloy akong niyayakap...
"mahal na mahal kita, hindi ko ito nasabi sayo noon dahil natatakot ako.. but now ito na sasabihin ko na.. mahal na mahal kita... wag ka na muling lalayo, at patawarin mo ako kung ako ang pumatay sa anak natin... but i promise, babawi ako sayo.. babawi ako, tanggapin mo lang akong muli..." umiiyak na sabi nito habang hawak niya ang mukha ko at pinupunas ang mga luha kong patuloy sa pag agos..
Nakikita ko ang pagsisisi, pagmamahal at takot sa kaniyang mga mata.. pero hindi ko makuhang maging Masaya.. kahit na narinig ko na ngayon ang pinaka hihintay kong sabihin niya...
Pero bakit hindi ako Masaya?, mas lalo lang nadadagdagan ang aking galit, ang sakit...
"mahal Ford? Seryoso!? Ngayon mo sakin sinasabi lahat ng yan?" patuyang tanung ko dito habang inaalis ang kamay niya sa mukha ko...
"alam mo kung anu ang nararamdaman ko sayo ngayon?, galit Ford! Galit.. wala na ang pagmamahal na sinabi ko sayo noon.. kasabay ng anak kong naibaon.." pigil ang emosyong sabi ko sa kaniya... this way gumagaan ang loob ko.. alam kong mali na siya ang sisihin ko sa pagkawala ng anak ko, ng anak namin, pero hindi ko mapigilan...
"Cadillac" tawag niya sakin habang patuloy lang din sa pag iyak..
"umalis ka na Ford, ayoko na, pagod na pagod na ako sayo, sa lahat ng mga ginawa mo.. umalis ka na bago pa tuluyang mawala ang respeto ko sayo, at pakiusap wag na wag ka ng magpapakita sakin, dahil kapag nagkita ulit tayo, hindi ko maipapa-nga-ko na-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagdilim ang buong paligid.. hindi ko Makita si Ford pero naririnig kong tinatawag niya ako... anu ang nangyayari?..
Wala akong Makita...
Madilim....
At masakit ang bawat paghinga ko.... patuloy kong naririnig ang pagtawag ni Ford sa pangalan ko.... natatakot ako... pilit kong iniangat ang kamay ko at nagbabakasakaling Makita ko ito pero wala... wala akong Makita...
Anu ba ang nagyayari?, masakit ang nasa ibabang parte ng tyan ko...
Masakit ang bawat paghingang ginagawa ko...
Gusto kong sumigaw ng tulong... pero hindi ko magawa...
Anu ba ang nangyayari?...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Let me Love youWhere stories live. Discover now