LMLY-27

123 3 1
                                    

LMLY-27
(AN: hindi naman pagiging makasarili kong ililihim mo ang isang bagay na bubuo sa buhay mo, kahit na kapalit nito ay sugat sa puso mo)

LMLY-TWENTYSEVEN

Masaya akong naglalakad sa may park na malapit sa bahay namin nila dada, halata na din ang tyan ko dahil anim na buwan na ito ngayon, bukas nga ay naka schedule ang pag papa ultrasound ko para malaman ang kasarian ng baby ko...

"you are more beautiful when you smile like that" komento ng kapatid ko na ikina lapad ng ngiti ko..
"kanino pa ba ako mag mamana sayo lang din naman kuya" nakangiting sabi ko na ikinatigil niya,
"kuya... tinawag mo akong kuya?" hindi makapaniwalang tanung nito na ikinatawa ko.
"wag kang feeling bata dyan ah, baka nakakalimutan mong limang taon ang agwat ng edad mo sakin KUYA" at pinag diinan ko pa ang kuya para asarin ito...at tama ako, asar talo nga ito akaya nanahimik na lang...
Kumapit ako sa braso nito at inihilig ko ang aking ulo "wag ka ng mainis, loving brother" paglalambing ko dito, hindi pa din ito kumibo, maya maya ay sinundot ko ito sa tagiliran dahil alam kong malakas ang kiliti niya doon..
"hey, wag ka ng mainis" ulit ko sa sinasabi ko habang kinikiliti ito, nakikita kong uma-arko ang labi niya kaya mas diniinan ko pa ang pag kiliti sa kaniya..
"okay, okay, just stop it Chevrolet!" pagpipigil nito sa tawa na sabi, napatawa ako dahil pulang pula na ang mukha nito..
Sa lahat ng oras ay palaging nasa tabi ko ang aking kapatid atsi dada, mula ng lumabas ako ng hospital, at ito nga hindi na ako bumalik pa sa lugar kong saan maaari ko ulit maranasan ang lahat ng sakit. Masaya ako ngayon kahit pa pakiramdam ko ay may kulang.. pero Masaya ako.. siguro baling araw babalik ako dun at magpapakita sa kanila, pero hindi pa ngayon ang tamang panahon...

"Phoenix?" Tawag ng isang lalaking nag jojogging at biglang napatigil ng Makita ang kapatid kong tumatawa..
"Aero?" tawag din ng kapatid ko dito at ng masiguro na magkakilala nga ang dalawa ay nag hand to hand fist ang mga ito..
"i didn't know that you get married" masayang puna nung Aero samin ng kapatid ko na ikinasimangot ko..
"oh, nah, she's my sister" hinila ako ng kapatid ko saka ako pinaharap sa lalaking nag ngangalang Aero
"Chevrolet Cadillac Camaro Allante this is my best of friend Stylus Aero Costin Stradale, and bro this is my beautiful pregnant sister, Chevrolet" pag papakilala niya samin nitong Aero, inilahad nito ang kaniyang kamay at agad ko naman iyong tinaggap..
"hindi kayo magkamukha" natatawang sabi nito na ikinagulat ko, nagtatagalog kasi ito kahit ang physical features nito ay purong amerikano..
"nagtatagalog ka, mabuti yan para hindi ako mahirapan" pagbibiro ko na ikinatawa ng dalawa...
"so uhm,, let's take a break, mag merienda muna tayo don sa cafe na yun" at itinuro pa ngkapatid ko ang nasa kabilang kalsada na cafe, agad naman nagpaunlak si Aero...

Masayang nag kwentuhan ang dalawa, halatang sobrang close sila dati dahil alam na alam nila ang ugali ng bawat isa, nakakatuwa silang panuorin at pakinggan, namimiss ko tuloy sina Scion, si Rain na last kong balita ay nililigawan ni Renault, si Sky at Dodge na hindi mapag hiwalay, sila pa kaya?,, si Ford? Kumusta na kaya ito?....naka move on na kaya it okay Infiniti??...

----

Nakatingin lang ako sa labas ng bahay, tinitingnan ko ang mga dahon ng puno na sumasabay sa pag ihip ng hangin... ilang buwan nab a ang lumipas na palaging ganito ako? Na palagi akong nandito? Tatlong buwan na din pala.. at anim na buwan na siyang nawawala...

"oh heto iho, magkape ka na muna, naku pasensya ka na at ito lang ang kaya kong ihanda saiyo" hinging paumanhin sakin ni tatay Roger, siya ang matandang nakatira sa isang maliit na barong barong sa ilalim ng malaking puno malapit dito sa bangin kung saan naaksidente si Cadillac..
"okay na ho ito tang, salamat po dito"pasasalamat ko, siya ang kasa kasama ko sa pagiikot ng mga hospital at clinic na malapit dito sa lugar, siya kasi ang nakapagsabi saking may lalaking tumulong kay Cadillac...
"iho, wag kang mawalan ng pag-asa, pasasaan ba at makikita natin ang iyong kasintahan"nakangiting sabi ni tatang sakin, mapait akong ngumiti sa kaniya..
"ang totoo tang, hindi ko ho siya kasintahan, ako po ang dahilan kung bakit sya naaksidente, ang tanga ko ho kasi, ang tanga ko dahil ipinagtatabuyan ko palayo ang babaeng mahal na mahal ko sa pag aakalang iyon ang tama, at ang makabubuti, akala ko ho kasi ay ang matalik kong kaibigan ang gusto niya.. pero"
"pero ikaw pala?" pagtatapos ni tatang sa sasabihin ko, mapait akong tumango dito..
"alam mo iho, ganyan talaga ang pag ibig, mapaglaro..hindi mo alam kung kailan mo dapat isusuko at kung kalian mo ito ipaglalaban, pero ito lang ang wag na wag mong kakalimutan, ang taong nagmamahal kahit kalian hindi sumusuko yan, dahil hindi pagsuko ang sagot sa problema kundi pahinga... dahil kung pagsuko ang sulosyon sa lahat ng problema eh di wala ng taong magiging Masaya"
Mahabang paliwanag sakin ni Tatang, napangiti ako... sae dad niyang 82 ay matandain pa din ito at mabilis pang magi sip, malakas pa ang pangangatawan.. minsan ko na itong inalok na umalis sa bahay niyang ito, pero ang sabi niya, dito niya napiling tumanda...
"salamat Tang sa pagpapalakas ng loob ko" magalang na pagpapasalamat ko dito..
"naku wala iyon iho... magkikita din kayo balang araw, wag ka lang mapagod" muling sabi nito saakin..
Wag mapagod...
Tama.. hindi dapat ako mapagod..
Hindi dapat ako sumuko katulad ng ginawa niyang hindi pagsuko saakin...
Ang mahalaga ay buhay siya... at maniniwala akong balang araw ay babalik din siya...
Ang aking si Cadillac....

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

God Speed everyone!!

Let me Love youOnde as histórias ganham vida. Descobre agora