LMLY-21

117 3 0
                                    

LMLY-21

(AN: wag sasayangin ang bawat pagkakataon na ibinibigay saiyo, para sa huli wala kang pagsisihan)

And another chapter.. battle of tears na ba?
Enjoy reading!!

LMLY-TWENTYONE

Mabilis lang ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan, namalayan ko na lang na tinatahak ko ang daan kong saan siya naaksidente...

Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon lalo pa at alam ko sa sarili ko ako ang dahilan kung bakit sya naaksidente ngayon..
I remember that time na kinausap ako ni Shelby, nung bigla niya na lang akong sinuntok sa tapat ng CR ng mga lalaki, he told me that he will be the one to take over my place in her life. Na siya na ang tutupad sa mga pangako kong tinalikuran sa kaniya. and one of those broken promises ay ang bugbugin ang taong magpapaiyak sa kaniya.

Natawa ako, ngayon ko lang kasi narealize na kaya niya ako sinuntok noon ay dahil pinaiyak ko na naman si Cadillac. I remember her painful look nung sabihin kong hindi siya invited sa engagement party, para akong pinipilipit noon. Nasasaktan din ako sa tuwing makikita kong nasasaktan siya, but i thought it was nothing..

That time na kinausap niya ako sa paborito kong tambayan, before she did, Infiniti came rushing to me that afternoon at sinabing may sasabihin na naman daw malaking kasinunngalingan ito saakin, na iiwan niya ako at hindi sisiputin sa party

Nang hapon na yun na sinundan niya ako at kinausap, nakita ko ding nakasunod samin si Shelby, gusto ko sanang maniwala noon, that is our perfect chance para sana masabi ko sa kaniya ang lahat, ang totoo, kung bakit ganun ang trato ko sa kaniya, pero napaisip ako.

Ramdam ko kasing may nararamdaman na si Shelby para sa kaniya, and sa nakikita ko ay ganun din siya, the way she smile, the way she laugh and her sweet gesture towards him.. akala ko kaya niya lang ginagawa iyon ay dahil sa kabila ng lahat tinuturing niya pa din akong kaibigan, ..

But i am fucking wrong!, she loves me!, she fucking loves me and i'm stupid enough na hindi ko man lang yun narealize!

Nagagalit ako noon, nagagalit ako sa sarili ko, and that is why pinili ko na masaktan siya, para layuan na niya ako, para huwag na siyang masaktan pa.. gusto ko pa ngang matawa ng maulit na naman ang pag arte ni Infiniti sa harap ko... same action, same lies...
But that time, nakita ko ang kakaibang emosyon na bumalatay sa kaniyang mga mata when i shouted at her and she just smirk..

" Ford Jester Aventador Fuego, ang tanga mo, ang tanga tanga mo", yan ang sinabi niya sakin ng mga panahong yun, ng lumakad siya palayo, saka lang lumabas sa pinagtataguan niya si Shelby, at agad na umiling iling sakin saying "i warned you" tama si Cadillac ang tanga ko, ang laki kong tanga...

Nakita ko ang maraming tao sa paligid ng pinangyarihan ng aksidente, umaapoy pa ang sasakyan mismo ni Cadillac, agad akong tumakbo pababa ng bangin, hinabol ako ng mga pulis pero hindi ako nag papigil, kailangan kong mahanap si Cadillac, she's still alive i know it...

Hindi siya maaaring mamatay, magtatapat pa ako sa kaniya, sasabihin ko pang mahal ko siya,, i will tell her that i will let her love me, and i will let myself love her more than i love her now..

"CADILLAC!!!! It's me Fordy!! Answer me where are you!!" sigaw ko habang patuloy akong dumadaosdos pababa sa bangin.. wala akong pakialam kahit na nasusugatan ako, mas masakit ang nararamdaman ng puso ko kumpara sa galos na natatamo ng katawan ko..

"Cadillac answer me!!! Please" lumuluhang sigaw ko, alam ko kasi sa sarili kong imposible ko siyang Makita pa, pero aasa pa rin ako, hindi ako bibitaw, katulad ng ginawa niya...

"Ford!!!" narinig kong may tumawag sakin, pero hindi ako lumingon, hindi siya ang hinahanap ko, naramdaman kong may humawak sakin at humila pataas, nag pumiglas ako,
"let me go, i will find her!" sigaw ko sa kaniya, pero hindi niya ako pinakiggan, his eyes is full of pain and sorrow,
"nag papakamatay ka, hindi siya matutuwa sa ginagawa mo" biglang sabi nito, dahil dito ay bigla akong naghina, this is a nightmare, the worst nightmare for me, pwede bang may gumising sakin?

Someone please wake me up, para pag gising ko agad agad ko siyang pupuntahan at yayakapin ng mahigpit, sasabihin ko kung gaanu ko siya kamahal..

Please.... somebody.... wake me up..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


God Speed everyone :D
Usap po tayo tell me your reactions sa bawat chapter...
Salamuch sa mga nagbabasa at patuloy na naghihintay ng updates...

Let me Love youWhere stories live. Discover now