LMLY-4

171 5 0
                                    

LMLY-4

(AN: kahit gaanu mo man kagusto na iwasan siya kung mahal mo talaga, lalapit at lalapit ka pa din sa kaniya..

Haha isa na namang walang kwentang kasabihan mula sakin :D haha,
Enjoy reading..)

LMLY-FOUR

Magulong magulo ang utak ko, hindi ko alam kung panu ko sasabihin kay Ford, hindi ko alam kung paanu ako lalapit sa kaniya. baka maulit lang naman ang nangyari noon. Baka hindi niya ako paniwalaan, baka magalit na naman siya.

Ang daming “baka” na naiisip ko, hindi ko napapansin ang mga tao sa paligid ko dahil sa sobrang pag iisip. Nagulat na lang ako dahil may nabangga ako,

“sorry, i’m sorry” paulit ulit kong pag hingi ng sorry sa nabangga ko,

“what are you doing?” tanung nito sakin, agad akong napatingin sa kaniya, si Scion pala, oo nga hinahanap ko siya kanina, nakalimutan ko.

“teka, san ka ba nagpunta?, akala namin nilamon ka na ng inidoro eh” sabi ko sa kaniya, tumawa ito at saka ako hinila

“may importante lang akong ginawa, eh ikaw san ka nag punta?” tanung nito, napa simangot ako

“san pa eh di hinahanap ka” sabi ko, gusto ko sabihin sa kaniya ang tungkol sa narinig ko, pero nag dadalawang isip ako, baka hindi siya maniwala.

“what’s the problem?” tanung niya, umiling lang ako. Hindi ko na siya kailangan pang idamay..

“teka bakit andito ka?” tanung ko sa kaniya, patuloy lang kami sa paglalakad

“eh di hinahanap ka din” sabi  nito, natawa ako, naghahanapan pala kaming dalawa. Papasok na sana kami sa classroom ng matanaw ko si Ford sa di kalayuan.

“uhm, teka lang Scion, naiihi ako eh, Cr lang ako” pagdadahilan ko, tumango naman ito at pumasok na sa loob. Mabilis kong tinahak ang daan kung saan ko nakita kanina si Ford, and ayun siya sa paborito niyang tambayan kapag magulo ang isip niya.

Nakapikit ito, may sugat sa labi. Nakipag bugbugan ba siya? Tanung ko sa sarili ko, nagdalawang isip ako na lumapit, malamang kasi na mainit ang ulo niya.

“what the hell are you doing here?” tanung nito ng hindi iminumulat ang kaniyang mga mata. Napalunok ako, nakakatakot ang aura niya, ibang iba sa Ford na nakakasama ko noon.

“pwede ba kitang makausap?” tanung ko, sobrang kinakabahan ako, halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib.'pakiramdam ko din ay bibigay ang tuhod ko anytime dahil nanginginig din ako...

Hindi siya umimik, kaya medyo lumakas ang loob ko at dahan dahan na lumapit dito, iminulat niya ang kaniyang mga mata, tumingin siya sakin.

“Fo-Ford,? Nandito ako para sana sabihin na---“ hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na hinaklit nito ang mga braso ko

“what is it this time huh?, sasabihin mo na niloloko niya lang ako?, na hindi niya ako balak siputin sa party?, am i right? well then you’re wasting your time, cause i won’t believe in you!”

Hindi ako makapagsalita, sobrang takot ang nararamdaman ko at naiiyak na din ako sa sakit dahil sobrang higpit ng pagkaka hawak niya sakin.

“Fo-Ford na- nasasaktan a-ako” mahinang sabi ko sa kaniya sabay hawak sa braso niya..

“nasasaktan ka? Well serves you right!, yan ang bagay sa mga taong makasarili!,hindi nga kita kilala! Mabuti na lang at maaga saking nasabi ni Infiniti ang lahat!”

Sigaw niya sakin, naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari,

“ohw, andito ka lang pala babe, wait? Ginawa niya nga babe?” maarteng tanung nito na akala mo ay gulat na gulat.

“yeah!” tipid na sagot ni Ford, hindi niya pa din binibitawan ang braso ko.

“sinasabi ko na sayo babe eh, sinisira niya tayo noon pa lang!” maiyak iyak na sabi ni Infiniti. Bigla akong itinulak ni Ford

“umalis ka na!” sigaw nito, patuloy ako sa pag pigil ng luha ko habang tumalikod sakin si Ford, ganitong ganito din yun. Ang gabing nagkasira kaming dalawa.

“pero Ford, totoo yung sinasabi---“

“i said get the fucking out of here!” sigaw niya, nagulat ako dahil nakita ko ang galit sa mukha niya, yumuko akong naglakad palayo sa kaniya, ng matapat ako kay Infiniti

“you can’t win my game bitch!, don’t be stupid” sabi nito na hawak ang braso ko, idinidiin nito ang mga kuko niya sa braso ko, pumiglas ako, saktong lumingon si Ford kaya umastang natumba si Infiniti.

“ouch, bakit ka ba ganyan sakin ha?, wala naman akong ginagawang masama sayo ah” umiiyak na sabi nito, mabilis naman na dinaluhan ito ni Ford na nag iigting ang mga panga.

“leave!” sigaw nito, napa ngiti ako ng bahagya, ganyan ba talaga sya Katanga?, o hindi na talaga siya ang Ford na aking nakilala?

“Ford Jester Aventador Fuego, ang tanga mo, ang tanga tanga mo”, hindi ko napigilang sabihin sa kaniya. mas lalo siyang nagalit pero hindi ko pinansin yun, hindi ko maintindihan kung anu ang nangyayari sakin.

Pakiramdam ko ay namamanhid sa sobrang sakit ang puso ko, at may kakaibang pakiramdam na nagsisimulang umusbong doon. Tumingin ako kay Infiniti na umaarte

“and you, you look stupid and pathetic bitch” sabi ko, saka ako umalis sa lugar na iyon. Natatawa ako habang umiiyak, pakiramdam ko habang naglalakad ako palayo sa kanila ay unti unti ding naiiwan ang pagkatao ko.

Mahalaga siya saakin kaya ayokong  mapahiya siya sa harap ng maraming tao, ayoko din na masaktan siya. Pero sa nakikita ko, masyado na siyang nabulag ng sobrang pagmamahal niya sa babaeng iyon..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

And another lame UD sorry guys...

Let me Love youWhere stories live. Discover now