LMLY-14

131 3 0
                                    

LMLY- 14

(AN: kahit kailan hindi naging mali ang magmahal, siguro ang mali lang ay yung taong pinag bigyan natin nito)

LMLY-FOURTEEN

Wala kaming kibuan sa byahe, nakatingin lang ito sa daan ako naman ay nakatingin lang sa kamay niyang may benda,

Naisip ko bigla, alin ba ang masakit? Ang kamay niya? O ang puso niya?, ibinaling ko sa ibang direksyon ang mga mata ko.

Bakit napaka unfair ng mundo?, mahal mo pero iba naman ang mahal nito?,

"we're here" narinig kong sabi nito, hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami, agad akong bumaba at hindi na hinintay na pagbuksan niya ako, aasa pa ba ako?,

"you really wanna help me huh?, then come and join me we'll drink till we can" at binigyan niya ako ng isang nakakabatong smirk nito.

Pinilit kong umakto ng normal at sumunod sa kaniya, agad itong nag order ng maiinum at pumwesto na sa sulok, alam kong medyo awkward lalo na sa sitwasyon namin pero kailangan ko siyang samahan.

Total naman namiss ko ang bonding namin na to, at pam palakas na din ng loob para masabi ko sa kaniya ang nais kong sabihin..

"just relax, i won't shout at you" sabi nito, tumango lang ako. Nang dumating ang order nitong inumin ay agad itong naglagay sa baso at mabilis na inubos iyon..

Nakakapanibago, madami na ngang nagbago dito, inabot ko ang isang baso at nagsalin na din ako, nag simula na kaming uminom.. pakunti kunti lang ako kung sumipsip sa baso ko, wala naman kasi akong balak na mag lasing dahil alam kong sya ay meron.

Maya maya ay may lumapit na babae dito at umupo sa kandungan nito, napakunot ako ng noo, pero nagulat na lang ako ng bigla nitong itulak ang babae sanhi upang sumalampak ito sa sahig.

"get your filthy body off of me bitch" sabi nito sa babae, mabilis na tumayo ang babae at tumakbo palayo. Medyo may tama na ito, sa dami kasi nito uminom ay tiyak na agad itong tatamaan.

"Fo-Ford, dahan dahan lang, malalasing ka masyado niyan" sabi ko dito, pero hindi niya ako pinakinggan. Maya maya ay may lumapit na namang babae dito at naupo sa tabihan nito. Idinikit ng babae ang mayaman niyang dibdib sa braso ni Ford, at hinihimas himas ang hita nito.

Tumingin sakin si Ford na naka kunot ng noo, maya maya ay nagulat ako ng bigla nitong ibuhos ang laman ng baso sa ulo ng babae

"get lost bitch" sabi nito, galit na umalis ang babae at iniwan kami, kita kong basa ang upuan nito, kaya umurong ako at pinalipat ko ito ng upuan

"dito ka na maupo, mababasa ka dyan" pasigaw na sabi ko dahil masyadong malakas ang tugtog, gumalaw naman ito at tumabi sakin, medyo wala na ito sa tamang huwisyo, kaya napagdesisyonan kong patigilin na ito.

"last na yan Ford ah, umuwi na tayo, palalim na din ang gabi" sabi ko dito, nagulat kasi ako ng pag tingin ko sa orasan ay mag hahating gabi na. Bakit ganun kabilis ang oras kapag kasama ko siya?

Hindi ko man lamang namalayan, ni hindi ko nga naubos ang alak na nasa baso ko,

"alright, napaka bait mo talaga Cadi-Cadillac, alam mo ba yun?" tanung nito sakin, tumango ako, hinintay kong ubusin nito ang nasa baso niya bago ko ito niyayang tumayo na..

Nagpatulong ako sa mga butlers na may malalaking katawan dahil hindi ko kayang alalayan mag isa si Ford, lasing na lasing ito,

Nag mamaneho na ako ng sasakyan, panaka naka ko siyang tinitingnan na mahimbing ng natutulog. Napangiti ako, madami na ngang nagbago dito pero may mga nanatili pa ring ugali ito na hindi nagbago.

Nagulat ako ng bigla itong humilik, kaya mas lumapad ang ngiti ko...

"Sleep tight Fordy" sabi ko, mabuti na lang at hindi ako nag lasing, hindi ko din nasabi ang dapat kung sasabihin... hindi pa siguro ito ang tamang oras..

Sa bahay ko siya dinala, madaling araw na kasi at nakakahiyang iuuwi ko siya ng lasing. Ginising ko ito pag ka park ko ng sasakyan

"hey, Fordy, wake up," yugyug ko dito, hindi ito kumilos

"Fordy, wake up, hindi kita kayang buhatin" sabi ko dito at mas nilakasan ko siyang yugyugin, pero hindi pa din ito nagising, naalala ko na tulog mantika ito kapag natutulog ng lasing at iisa lang ang makakagising dito.

Nagmamadali akong pumasok sa bahay at agad na tinungo ang kusina, kumuha ako ice cubes sa freezer at mabilis na bumalik sa sasakyan. Idinikit ko iyon sa ilong niya, nagulat ito at nagising.

"ayan, gising kana," sabi ko dito ng naka ngiti,, tumingin ito sa paligid saka ibinalik ang tingin sakin, dahan dahan itong lumabas ng sasakyan, medyo na a-out balance pa ito kaya agad akong lumapit dito..

Tumingin ito saakin at malapad na ngumiti, ang ngiti niyang matagal ko ng hindi nakikita, ang ngiti niyang nag papabilis ng tibok ng puso ko at halos palabasin ito sa dibdib ko.

Hinaplos niya ako sa mukha at mas lumapad ang ngiti.. napasinghap ako sa ginawa niya dahil bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng madikit ang mainit niyang palad sa aking mukha...

Bago pa ako mawala sa sarili ay hinila ko na siya papasok ng bahay, hindi naman ito nag rekalmo o nagtanung pa, deritso ko siyang ipinasok sa guest room na dati nitong tinutulugan kapag nag oover night party ang barkada dito sa bahay...

Iniupo ko siya sa kama, wala pa rin siyang imik, nakatitig lang siya sakin, mas lalong kinakabahan ako at hindi mapakali sa paraan ng pag titig niya.

"ku-kuha lang ako ng towel para mapunasan kita at-" hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap niya ako ng mahigpit.
Gulat na gulat ako sa ginawa nito kaya hindi ko nagawang gumalaw, mas lalong dumoble ang pagtibok ng puso ko at pakiramdam ko ay naririnig na niya iyon...

Natatakot akong umasa, natatakot ako dahil pakiramdam ko ay panaginip lang lahat ng ito...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Medyo mahaba, God Speed everyone :)

Let me Love youWhere stories live. Discover now