LMLY-13

122 3 0
                                    

LMLY-13

(AN: , nasasaktan ka dahil sa kaniya, siya naman ay nasasaktan dahil sa iba, the ironic reality of life)

Comment po kayo, matutuwa ako na marinig ang mga saloobin niyo :D

LMLY-THIRTEEN

"pasensya na sa ginawa ng kaibigan ko, medyo magulo lang kasi ang isip niya ngayon" hinging paumanhin ko sa lalaking nakaaway ni Ford kani-kanina lang.

"alam mo kung hindi lang kita hinahangaan hindi ako papayag na hindi makapg higante sa lalaking iyon," inis na sabi nito saka tumalikod sakin.

"maraming salamat" pahabol na sabi ko dito, tumigil ito sa paglalakad, at humarap sakin.

"maswerte siya at may kagaya mong nag aalala sa kaniya. Nakakapang hinayang lang dahil hindi niya iyon Makita" sumaludo muna ito bago nagpatuloy sa paglalakad palayo sakin.

Yumuko na lang ako sa kaniyang sinabi. At minsan pa nahiling ko sa aking sarili na sana katulad niya Si Ford, yung makikita niya ang pag aalala ko sa lahat ng ginagawa niya...

Nagsimula na akong maglakad, ganito palagi ang takbo ng buhay ko mula nung mangyari ang insedenteng iyon sa classroom. At kung tatanungin niyo ako kung hindi ba ako nasaktan sa sinabi niya?, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi, na ayos lang iyon, dahil hindi naman talaga.

Pinilit kong kalimutan iyon, katulad ng pag kalimot ko sa lahat ng mga sinasabi at pinaparamdam niya sakin, pero bigo ako. Dahil sa lahat ng sinabi niya, ang huling katagang lumabas sa bibig nito ang siyang nagbibigay kirot sa puso ko

" i am miserable because of you!" misebrable siya dahil sakin?, ako ba ang sinisisi niya kaya iniwan siya ni Infiniti?, bakit ako?, wala naman akong ibang ginawa kundi ang balaan siya sa lahat ng makakasama sa kaniya.

Pero sabagay, naiintindihan ko siya, pareho lang kami ng sitwasyon, pero pinili kong maging ganito, ang tumawa, ang tahimik na umiyak, at patuloy na tinitiis ang sakit kahit minsan ay nahihirapan na ako ng sobra. Pinili kong maging ganito, kesa ang maging miserable katulad niya...

Nasasaktan ako sa tuwing makikita ko siyang nakikipag basag ulo, mas masakit kesa ang Makita ko siyang kasama si Infiniti. Mas nakakaya ko ang sakit noon dahil nakikita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi, hindi katulad ngayon na sa bawat pag lingon ko putok na labi at sugat sa kilay ang makikita ko.

Minsan nga hindi ko na natiis pa at lumapit na ako sa kaniya para awatin ito sa pagwawala,

Pero ang nakakatawa ay ako tuloy ang napag balingan niya ng galit, at paulit ulit niyang sinisigaw saakin na ako ang dahilan kong bakit siya miserable..

Nasasaktan ako, pero mas okay na ang sakin niya ibaling ang galit niya kesa naman may madamay pa siyang iba...

Kapag pakiramdam ko ay hindi ko na kaya, si Scion ang hahalili sakin para bantayan siya, well actually si Scion naman talaga ang nagbabantay sa kaniya, pero dahil minsan ay abala din ito lalo pa at ito na ang namamahala sa kanilang kumpanya, ay ako na lang ang nag kukusang bantayan si Ford sa bawat kilos nito. Total naman mas napapanatag ang loob ko kapag ginagawa ko ito.

Tumigil ako sa paglalakad ng Makita ko si Ford na nakasandal sa aking sasakyan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahan na makikita sya ngayon mismo at nakasandal pa sa sasakyan ko.

"all along, you were there to talked to them, you begged them to forgive me," sabi nito habang mataman na nakatingin sakin.

Alam ko na kung san pupunta ang usapan na to kaya yumuko na lang ako. Ayokong salubungin ang mga tingin niyang hindi ko mabasa,

"look at me," narinig kong sabi nito, nag dadalawang isip ako na tingnan siya, pero sa huli pinili kung tumingin sa kaniya..

"bakit mo ginagawa lahat ng ito?, after all what i've done to you?" tanung niya sakin, hindi ko mabasa kung anung emosyon ang meron siya sa kaniyang mga mata, at hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi maluha..

"da- dahil...." hindi ko matuloy ang sasabihin ko, bakit nga ba?, bakit ko ginagawa lahat ng ito?,
Dahil mahal kita! tama, yun nga, dahil mahal ko siya....

"forget about it, come with me" maya maya ay sabi nito, pinahid ko ang mga luha sa aking mata at naglakad palapit dito, kinuha niya mula sa kamay ko ang susi ng sasakyan at sumakay sa driver seat, hindi na ako kumibo at sumakay na din ako..

Wala akong ideya kung saan kami pupunta... but i'm happy, dahil kasama ko siya, at the same time natatakot... natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat ng ito...

At kung panaginip lang lahat ng ito... sana ..

Sana hindi na lang ako magising pa... dahil natatakot ako na sa pag mulat ko... wala na siya sa tabi ko..

Ayoko ng muling maiwan, lalakasan ko na ang loob ko, sasabihin ko sa kaniya ngayon ang tunay na nararamdaman ko...

Wala akong paki alam kung may magbabago, o kung mas lalo siyang magagalit sakin, buo na ang desisyon ko, pipiliin kong lumaban ngayon dahil nagbabakasakali akong magkakaroon ng kami, kesa naman hayaan ko na mawala sakin ang pagkakataon at habang buhay kong pagsisihan na hindi ko ito ipinaglaban...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

God speed everyone, please po comment kayo para mainspired akong mag sulat xD

Let me Love youWhere stories live. Discover now