LMLY-9

139 3 0
                                    

LMLY-9

(AN: kapag mahal mo, aminin man natin o hindi, palaging ang kapakanan niya ang ating inuuna, di bale ng masaktan ka, basta wag lang siya...)
Sabi ko nga eh, nonsense hugot na naman haha.. Sorry na sa malikot na isip ko..
Ps: inspired by love love ko xD

LMLY-NINE

Mabilis na lumipas ang dalawang araw, and now, this is the day na minsan pa ay hiniling ko na sana ay hindi na dumating pa. Pero may makakapigil pa ba?, sino ba naman ako sa buhay niya para mapigilan ko ang mga mangyayari.. ako lang ito, ang babaeng super woman niya noon, pero balewala na ngayon ..

“are you sure you’ll be okay here?” tanung sakin ni Scion, nandito siya ngayon sa bahay, kanina pa ako kinukulit na sasamahan niya ako the whole day.

“yeah Super Scion, wag kang mag alala sakin, mas mag alala ka sa best friend mo” malungkot na sabi ko, napailing na lang ito sakin at nag pakawala ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.

“you know what?, i salute you for being a masochist,  who would have thought that the Goddess of the Road is a masochist? Huh” seryosong sabi nito sakin. Natawa ako, masokista ba ako?,

“hindi naman super Scion, mas pinipili ko lang na gawin ang gusto ko bago ko pa pagsisihan ang lahat sa huli, kapag mahal mo kasi ang isang tao, lahat gagawin mo, at kapakanan niya ang palaging uunahin mo” nakangiting sabi ko sa kaniya kahit na hindi umabot ang ngiti ko sa aking mga mata.

“hay naku, so panu? What’s your plan?, mag mukmok dito buong maghapon?” tanung niya sakin, ngumiti ako sa kaniya bago umiling

“hindi, hindi naman kasi ako girlfriend na inagawan ng boyfriend, kaya mag papaka abala ako kesa na mag mukmok at mag mukha akong engot”  napangiti ito sa sinabi ko,

“well, if you say so, alright then, aalis na ako at mukhang kanina mo pa ako pinagtatabuyan” nakangiting sabi nito, napa simangot ako at yumakap sa kaniya

“super Scion, hindi kita pinagtatabuyan, sinasabi ko lang na mas kailangan ka ng true best friend mo, kesa sa weak damsel in distress goddess of the road na to” pilit na pinasaya kong pagkakasabi. Kapag kasi hindi ko ginawa iyon, alam kung hindi aalis si Scion.

Tama siya, kailangan ko siya sa tabi ko, pero mas kailangan siya ni Ford sa tabi niya, lalo pa sa mangyayari mamaya...

“alright alright, bye now Super masochist Chevie, always remember that Super Scion Shelby loves you,” sabay kindat pa nito, natawa ako.

“sige na lakad ka na Super Scion Shelby who loves me” at tuluyan na nga itong lumabas ng pinto. Pagkasara na pagkasara nito ng pinto ay saktong pagtulo ng mga luha ko..

“wag ka na umiyak Chevie, ginawa mo naman ang lahat diba?” pang aalo ko sa aking sarili, umiiyak na naman kasi ako,.

“Chevrolet Cadillac Camaro Allante!, stop crying, hindi matutuwa ang dada mo niyan, same with your loving brother, kaya tahan na!” muli kong pang aalo at pagpapalakas ng loob sa sarili...

Kung may nakakarinig sakin malamang iisipin na nababaliw na ako.. nababaliw na nga yata ako, nababaliw na sa sobrang sakit na dulot ng letcheng pagmamahal na ito..

**
After saying that word, he turn around, naglakad ito palapit kay Infiniti at dahan dahan na inalalayan ito. Para akong tuod sa aking kinatatayuan..

“Fo-Ford” mahinang tawag ko dito, nagsimula na itong maglakad papalayo, hindi ako maka iyak, hindi rin ako maka galaw. Ang lalaking buong buhay ko ay ipinakita ko kung sino ako, at kung anu ako, ang lalaking kasama ko sa lahat ng bagay at akala ko ay kilala ako inside and out ngayon ay naglalakad palayo sakin.

Mas pinili niyang maniwala sa kung anu ang sinabi ng mahal niya at kung anu ang NADATNAN niyang Makita... too bad hindi niya nakita ang nakita ko, hindi rin niya narinig ang narinig ko.

Paliit ng paliit ang kanilang pigura at unti unti na ding nilalamon ng dilim, this is a bad joke, pwede bang bigla na lang may tumalon sa harap ko at sabihing
“chevie!, we got yah!” tas sabay babalik sa kinakatayuan ko ngayon si Ford at muling ngingiti sakin at sasabihin na
“i’m sorry, that was only a joke, don’t take it seriously” pwede bang ganun na lang?, pero hindi eh, ramdam ko ang mainit na likido na patuloy sa pag agos mula sa ulo ko, ang kamay kong mahapdi na dahil sa sugat ng dagger na ibinato sakto sa kamay ko..

“Chevie?, are you alright?” and all i can see is Scion, ang nag aalalang mukha ni Scion. Agad niyang ipinulupot sa sugat ko sa kamay ang panyo niya, at mabilis akong niyakap.

“Chevie, please speak, are you okay?” tanung niya, pero wala akong lakas para sumagot, deritso lang akong nakatingin kung saan naglakad papalayo si Ford, kung saan tuluyan niyang tinalikuran ang mga pangako niya sakin noon..

“c’mmon i’ll take you to the  hospital” ma authoridad na sabi nito, pero mabilis akong umiling sa kaniya

“no-no please Scion, a-ayoko dun, sa- sa bahay na lang,” nauutal na sabi ko, alam ko kasi na doon din ang punta nilang dalawa.. Masyadong masakit ang nangyari, at hindi ko din maintindihan kung bakit, basta ang alam ko, nasasaktan ako, pero hindi ako makaiyak..
Dahil ba sa pag pipigil ko? O dahil sa sobra sobra lang ang sakit kaya hindi ko magawang ilabas ito..

***
Inabala ko buong araw ang aking sarili para lang hindi ko maisip ang party nay un. Nalinis ko na nga ang buong bahay pati na din ang apat na sasakyan na nasa garahe, nakapag bunot na din ako ng mga damo sa garden at nakapag laba ng mga  bed sheats at kumot ko..

Pero baliw na yata talaga ako dahil panaka naka pa ring sumisilip sa isipan ko ang mga possible na mangyayari o gagawin ni Ford  kapag hindi sumipot sa party si Infiniti..

Pasimple akong tumingin sa orasan, 12 midnight na pala, pero hindi man lang ako dalawin ng antok, patuloy ako sa pag lilinis sa loob ng Bugatti Veyron ko. Wala naman talaga syang dumi  dahil palagi ko itong nililinis after the race, pero dahil hindi ako dalawin ng antok, ito at naglilinis ako ng isang bagay na dati ng malinis.

Nagulat ako ng biglang may bumubusinang sasakyan sa tapat ng bahay, hindi ko ito matanaw dahil ang taas ng bakod na pinagawa ni Dada, agad akong pumunta sa may gate para silipin iyon, ilang hakbang na lang ako ng bumusina ulit ito ng malaks at paulit ulit. Naiinis ako at naririndi kaya galit na mukha ang isinalubong ko dito pag kabukas ko ng gate.

Pero ganun na lang ang gulat ko at agad na naglaho ang inis ko ng Makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko...

Mukha siyang miserable,  magulong magulo ang buhok, nakabukas ang tatlong butones ng suot nitong polo, at madilim na madilim ang aura..

“Ford?”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

And thats it..
Sorry sa mga mali kong words... And thank you sa pang unawa...
God speed everyone

Bugatti Veyron ni Chevie :) ang nasa pics.

Let me Love youΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα