LMLY-10

155 3 0
                                    

LMLY-10

(AN: minsan kahit gaanu pa kadami ang sakit na tiisin mo, may mga tao na sadyang bulag para Makita ito,)

Yeah!, inspired ako.. haha
Dedicated kay MS. FERN MHYRA na walang sawang ini-spoil ako thank you for everything girl, you know why...
Enjoy reading!

LMLY-TEN

"Ford?" tawag ko dito, agad na nag angat ito ng ulo at tumingin sakin. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng Makita ko ang mata niyang sobrang lungkot.. hindi ito ang inaasahan kong Makita na Ford..

Dahan dahan itong lumapit sakin, hindi ako naka galaw sa aking kinatatayuan, nakatingin lang ako ng deritso sa mga mata niya. Ang mga mata niyang iba't ibang emosyon ang aking nakikita..

Tumigil ito ng gahibla na lang ang layo naming sa bawat isa, nakatingin lang din ito sakin, maya maya ay hinawakan ako sa magkabilang braso, at nagulat ako sa mga salitang binitawan niya..

"anung ginawa mo kay Infiniti?, anung sinabi mo dito para iwan ako?" sigaw niya sakin, dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil nasasaktan ako.

"fo-ford, wa-wala akong ginawa, hi-hindi ko siya----" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil muli na naman itog sumigaw

"liar!" kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata, kaya't hindi ko na lang ininda ang sinasabi niya bagkus ay niyakap ko ito ng mahigpit..

Alam ko kasing nasasaktan lang siya kaya siya nagkakaganito, at yakap ang tanging makakapag pagan ng loob niya ngayon, siguro hindi ang yakap ko pero susubukan ko..

Hindi siya kumibo, habbang yakap yakap ko siya, nanatili lang kami sa ganung position. Pinipigilan ko ang pag tulo ng mga luha ko.. hindi kasi makakatulong iyon.

Nakarinig ako ng sasakyang paparating at sakto namang pag bitaw ni Ford sa yakap ko.

"i hate you, Chevrolet!, i hate you for doing this to me, to us, and if makahanap ako ng patunay na may kinalaman ka sa hindi niya pag sipot ngayong gabi, then hinding hindi kita mapapatawad!" sigaw niya sakin, ramdam ko ang unti unting pag kabasag ng puso ko pero pilit ko siyang inuunawa, nagmamahal lang siya at labis na nasasaktan kaya niya ito nasasabi ngayon.

"Ford! Stop it!" narinig kong sigaw ni Scion na mabilis na bumaba sa kaniyang sasakyan.

"don't blame her!, she warned you but you didn't listen!" sigaw din ni Scion dito, ngayon ko lang nakita na nagka ganito si Scion. Siya kasi ang tipo ng tao na laging kalmado at tahimik lang na nakikinig, but not this time, mabilis ang pag hinga nito at kitang kita ko ang pag kuyom ng mga kamao nito.

Mabilis ko siyang hinawakan sa braso, lumingon siya sakin ng may pagtataka, umiling ako, napa buga ito ng hangin at pilit na kinalma ang sarili.

"mark my word," sabi ni Ford bago tuluyang sumakay sa kaniyang Lamborghini Aventador at mabilis na pinasibad ito.

"i'm sorry Scion kung nagalit ka,i'm sorry din kung pinigilan kita pero nasasaktan lang si Ford, kaya niya nasasabi lahat yun, alam ko naman na lilipas din yun" malungkot na sabi ko sa kaniya habang nakayuko at mabilis na umaagos sa aking mga mata ang mga luha kong kanina pa nais kumawala sa aking mga mata.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin

"i hate you for being such a nice woman, and i hate you even more for silently killing yourself because of loving that asshole best friend of mine" malungkot at nanginginig na sabi nito..

Nagpipigil lang siya ng galit, ramdam ko pa din kasi ang panginginig ng katawan niya. Niyakap ko siya ng mahigpit to calm him down.. ito lang ang tanging magagawa ko sa kaniya..

"thank you for hating and loving me that way" natatawang sabi ko sa kaniya para mabawasan ang bigat ng atmosphere. Natawa na lang din ito sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko, nasa ganuon kaming ayos ng pumarada sa harap namin si Renault at Dodge kasunod si Sky at Rain na pare-parehong nakasakay sa kani-kanilang Koenigsegg Agera.

"he went that way," sabi ni Scion sa mga ito, agad naman sumaludo sina Renault at Dodge samantalang si Sky and Rain naman ay mabilis na bumaba ng sasakyan at yumakap sakin..

"oh my gosh Chevie girl he should've listen to you" sabi nito sakin, tumango ako sa kaniya.

"Chrysler and Seight can you stay with Chevie tonight?," tanung ni Scion, agad namang tumango ang dalawa

"good then, i will follow them, call me kapag nag tangkang magbigti si Chevie at ako mismo magsasabit ng lubid" pabirong sabi nito, yumakap ako sa kaniya ng mahigpit

"thank you Super Scion" bulong ko habang nakayakap ako, niyakao niya din ako pabalik

"anything for you Chevie that i love" naka ngiting sabi nito, at saka nag paalam. Mabilis nitong pina sibad ang kaniyang Bugatti, at binuksan ko naman ang gate para maipasok ng dalawa ang kani kanilang mga sasakyan.

Matapos nitong ma i park ang sasakyan ay agad na yumakap muli sakin ang dalawa.

"sometimes i hate Ford cause he's a jerk, but looking at you Chevie girl, pinipilit ko ding unawain si Ford katulad ng pang unawa na binibigay mo sa kaniya" naiiyak na sabi ni Sky, ngumiti lang ako sa kanila ng pilit. Panu naman kasi ako ngingiti ng aabot sa aking mga mata kung alam kong nasasaktan ngayon ang taong mahal ko?.

"sana muli ng manumbalik ang mga ngiti dyan sa labi mo, yung ngiting aabot na sa mga mata mo" makahulugang sabi ni Rain..

Niyakap ko sila pareho, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakapagod ng umiyak pero hindi ata uso iyon sa mga mata ko na patuloy pa din sa pag luha.

Sana nga, makangiti na akong muli katulad noon, ang ngiti na kahit hindi ko sabihing masaya ako ay makikita naman ito sa mga mata ko. Pero panu ko naman gagawin iyon kung may isang tao namang nag durusa at nasasaktan ngayon?,

At ang taong yun, ang nagbibigay saya sakin dahil aminin ko man o hindi, siya man ang nag bibigay ng sobra sobrang sakit sakin, siya pa din naman ang makapagbibigay ng ngiti na aabot sa aking mga mata...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Oh well.. too much emotion..
Comment po kayo :)
God Speed Everyone

Let me Love youOnde histórias criam vida. Descubra agora