LMLY-20

129 3 0
                                    

LMLY-20

(AN: ang pag sisisi ay palaging nasa huli kaya dapat sa bawat desisyon at bawat aksyon na gagawin natin ay pag iisipan natin ng mabuti, para sa huli hindi tayo magsisi)

LMLY-TWENTY

Naglalakad kami palayo ni Infiniti at pakiramdam ko ay pabigat ng pabigat ang mga hakbang ko, how can i just leave her there?, she's bleeding, at masasabi kong she's badly hurt, nnakita ko ang wasak na malaking vase, and base sa damit nito ay malamng na doon ito tumama, or what. Damn, i feel so helpless.

Muli akong lumingon sa gawi niya and i can see Shelby, niyakap niya ito ng mahigpit, pero deritso lang ang tingin samin ni Cadillac, nasaktan ako sa isiping ako dapat ang naroon at yumayakap sa kaniya, ako dapat ang nagbibigay comfort sa kaniya.

"babe, it hurts, you're holding me too tight" narinig kong reklamo nito, bigla akong natauhan, nawawala ako sa focus,

"i'm sorry" hinging paumanhin ko sa kaniya, dinala ko siya sa clinic para maipalinis ang sugat nito. Until now i can't believe it, hindi ko inaasahang madadatnan ko silang dalawa sa ganung ayos, and base sa expression ni Cadillac she's angry, galit na galit itong nakatingin kay Infiniti, pero nakangisi lang ito, nakita kong nagsalita ito pero hindi ko narinig, nakita ko kung panu mag react si Cadillac,.

Yun ang kauna-unahang pgkakataon na nakita kong galit si Cadillac.kaya nag pursige akong malaman ang katotohanan, at nalaman ko nga ang katotohanan kung anu talaga ang nagyari that night. Mabuti na lang at may cctv ang hotel sa bandang iyon.

Kung hindi dahil sa kalokohang ginagawa ng mga magulang ni Infiniti sa kumpaniya namin, hindi sana ganito kami ngayon ni Cadillac.. pero kailangan kong gawin ito..
Palagi lang akong nakamasid sa kaniya sa malayo, nasasaktan ako sa tuwing makikita kong Masaya siyang ngumingiti kay Shelby samantalang kapag ako ang nakikita niya ay sakit ang nakaukit sa kaniyang mga mata. And i hate my self everyday sa tuwing nakikita ko iyon sa mga mata niya.

That night she won the race, nung ininvite kami ni Shelby, how i wish to go with them, but then again here comes my over confident girlfriend na sobrang naiinggit sa kaniya. she always wanted to beat her, but she never did. At Masaya ako dahil hindi niya magawang ma satisfy sa bawat race na sinasalihan niya because Cadillac always beat her.

"we're not going, kapag si Infiniti ang nanalo saka lang ako magsasaya, pero ngayon ayokong mag aksaya ng oras sa mga taong hindi karapat dapat ng oras ko" iyon ang sinabi ko sa kanila ng gabing iyon,pero ahindi iyon ang gusto kong sabihin, supposed to be i want to congratulate her, and told her how very proud i am, and i'm happy, not just happy very much happy to see her won that race, but i can't, and i swear i am not looking at her, i am looking at the man behind her who keep on taking a picture of her, pero sa tingin ko ay akala niya siya ang tinitngnan ko, cause i can see how badly hurt she was back then..
Bigla akong natigilan ng maalala ko ang lalaking matagal ko ng napapansin na laging nakasunod sa kaniya. Mas naging triple ang kaba ko, what if someone is after her at ngayon nakahanap ng tamang tyempo..?
Mas lalo kung binilisan ang pagpapatakbo, kulang na lang ay halos liparin ko ang daan makarating lag sa bahay nito, hoping that she was there waiting for me, talking mischievously with our friends, pero pinapaniwala ko sa malaking kasinungalingan ang sarili ko, dahil alam kong wala siya doon...

Kitang kita ko kung paanu lukubin ng sakit ang kaniyang mga mata, and it breaks my heart to see her crying that way, lalo na ng sabihin niya sakin lahat ng mga hinanakit niya...
I'm an asshole! Dammit i don't know what to do now...
Agad akong bumaba ng sasakyan ng maiparada ko ito sa tabi ng sasakyan ni Renault. Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay, dinatnan kong umiiyak si Sky at Rain na parehong inaalo ni Dodge at Renault, si Shelby naman ay matiim na nakatitig sakin maya maya ay lumpait sakin and....

He punch me, bumagsak ako sa sahig ng may putok na labi, tumingin ako sa kaniya ng may pagtataka.

"it was her, who keep on protecting you!,it was her who loves you so much! It was her who silently cry everytime you broke her heart! And it was her who tried to save you so many times but you keep on believing your goddamn reasons that it will work that way! Fuck you Jester! Damn you!" halos nagwawalang sigaw ni Shelby habang patuloy akong binubugbog, damn, namamanhid ang katawan ko, hindi ko magawang lumaban dahil totoo lahat ng sinasabi niya.

"hey stop it!, hindi makakatulong kung mag aaway kayong dalawa, Scion calm down" saway ni Rain, ang always acting ate ng barkada..

"stop it dude" nakialam na si Dodge at pwersahang hinila mula sa ibabaw ko si Scion na pulang pula ang mata at nanginginig ang katawan, he's controlling himself, ganyan sya magalit, sobrang bait na tao pero kapag nagalit nakakatakot..

Tinulungan ako ni Sky at Rain na makatayo, putok ang labi ko at alam kong maga din ang kaliwang kilay ko, umiiyak na yumakap sakin si Sky, the sweetest brat of the barkada.

"Ford, Chevie girl, no...no...." umiiyak na sabi nito, napakunot noo akong tumingin kay Rain, sunod kay Dodge na yumuko lang, kay Renault na nag iwas ng tingin and finally kay Scion na itinuro ang t.v

"ayun sa mga nakasaksi ay ang truck diumano ang may kasalanan at nawalan ng control, tumawid sa kabilang linya ang truck sanhi para sumalpok dito ang mabilis na tumatakbong sports car, sa lakas ng impact ay yupi yupi ang nasabing sasakyan. Samantala himalang nakaligtas ang driver ng truck at kunting sugat at pasa lamang ang tinamo nito, habang ang babaeng nagmamaneho ng sports car na kinilalang isa sa pinaka sikat sa larangan ng car race na si Ms. Chevrolet Cadillac Camaro Allante ay hindi pa matukoy ng pulisya kung buhay pa ba ito dahil halos mawasak na ang buong sasakyan nito at tumilapon sa bangin, hindi pa magawang lumapit ng mga autoridad dahil may posibilidad daw na sumabog ang kotse dahil amoy ang gasoline na nalalagas mula dito" nanlamig ang buong katawan ko sa balitang napapanuod ko, hindi ako maaaring magkamali, sasakyan niya nga iyong kotseng tumilapon sa bangin...

"at live na live ho tayo, kitang kita natin ang pagsabog na sasakyang pag mamay ari diumano ni Ms. Allante, at sabi ng mga autoridad ay wala naman daw hong tao sa loob nito kaya posibleng nahulog ang nagmamaneho sa bangin na iyon, patuloy na maghahanap ang mga ito kasama ang SOCO upang hanapin ang labi ng nasabing biktima,"

"Fo-Ford" narinig kong tawag sakin ni Rain dahil bigla akong napaupo sa upuan.
"No!!NO!!!" sigaw ko, hindi maaaring mamatay ang babaeng pinaka mamahal ko,kasama ko lang siya kagabi, kayakap, nahahalikan, ngumingiti pa siya sakin..

At oo ikaw din ang huling kausap niya na nagbigay ng sama ng loob sa kaniya kaya sya nagmaneho ng ganitong oras at mabilis na pinapatakbo ang sasakyan dahil sa sama ng loob sayo, gago
Pang uusig ng konsensya ko, and tama ito... unti unting tumulo ang luha sa mga mata ko, lahat sila ay hindi makatingin sakin...
Wala sa sarili na tumayo ako... naglakad ako palabas ng bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta..

"Ford!! San ka pupunta bumalik ka dito!, Ford!!" sigaw nila mula sa loob, pero hindi ko pinanasin, sumakay akong muli sa kotse at agad na pinasibad ito...
It's painful not to see her smile everytime she looked at me, but it's more painful knowing that i cannot see her smile anymore.. my love, kahit sa kahuli hulihang pagkakataon sakit ang ibinigay ko sa kaniya

"this is all your fault! Ford Jester you're a jerk! You're a fucking jerk!" sigaw ko sa loob ng sasakyan, gusto kong magwala, mabilis na tumutulo ang mga luha sa mata ko, it may sounds gay but i don't fucking care..
I have lost my Cadillac, ang babaeng simula't sapul pa lang ay minahal ko na, ang babaeng kahit kailan ay hindi ko nagawang pangitiin ng tunay, ang babaeng tinalikuran ko ng paulit ulit para lang sa walang kwentang babaeng iyon pero hindi ako iniwan sa oras na kailangan ko siya

I am the only one to blame here...
If i could only turn back the time......

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------







Hallo ;D kaya pa natin ito!
Masakit sa puso... please po samahan niyo ako...

Let me Love youWhere stories live. Discover now