LMLY-17

123 3 0
                                    

LMLY-17

(AN: kapag sobra sobra ka ng nasasaktan at masyado mo ng dinaramdam makakapag bitaw ka ng salita na maaring makasakit sa taong mahal mo at maaring pagsisihan mo)

Comment po kayo matutuwa akong marinig mga saloobin niyo Salamuch!

LMLY-SEVENTEEN

Hapon na, inihahanda ko na ang sarili ko, pati na din ang pinakamamahal kong Bugatti Veyron, the super sport. Maximum speed of 213 mph and track top speed being 253 mph with 1200 horsepower boost, ito ang pinaka mamahal kong sasakyan dahil bigay ito sakin ng aking pinakamamahal na dada.

Regalo niya ito sakin noong nag champion ako sa isang race na ginanap sa London. Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko ang mukha ni Dada at loving brother noon.

"can we talk?" nagulat ako ng may magsalita mula sa likod ko, at sa boses pa lang niya alam ko na agad kong sino siya...

"Fo-Ford, uh-si-sige ha-halika pasok ka sa loob doon tayo magusap" sabi ko dito, mabuti na lang at nagawa ko pang magsalita, bukod kasi sa nahihiya ako sa way ng pag titig niya sakin ay ang lakas din ng tibok ng puso ko, para akong may highbloob kapag sya ang kaharap ko.

"no, hindi rin naman ako magtatagal dito" malamig na sabi nito, ang lamig na nagmumula sa titig niya ay tumatagos sa kalamnan ko. Nanlalamig na din ako at ramdam kong pinagpapawisan ang kamay ko.

" gusto ko lang malaman mo na.." parang isang taon kong hinihintay na magbukas muli ang kaniyang bibig at marinig ang mga susunod na sasabihin nito...

"gusto ko lang sabihin na, kung sakaling magbunga man ang nangyari kagabi, papanagutan ko yan, pero sana mamili ka, wag yung dalawa kaming nilalandi mo ng sabay" malamig na sabi nito, para akong tinusok ng matigas na yelo sa sinabi niya, damn, it hurts like hell
"a-anu bang sinasabi mo?" tanung ko sa kaniya kahit na nahihirapan na akong huminga, ang luha ko ay paisa isa ng pumapatak

"wag ka ng umarte alam ko na may relasyon kayo ni Scion, don't make me feel that i am the villain here, dahil wala naman mangyayari satin kung hindi mo hinayaang may mangyari kagabi at-----"

**pak**

Sinampal ko siya, ang lalaking pinakamamahal ko ay sinampal ko, agad na nag marka ang kamay ko sa mukha niya, pero hindi ko magawang pagsisihan ang pagsampal ko sa kaniya.
"Ford, ako to si Cadillac to, hindi kung sino lang!, lahat ng pag iintindi ginagawa ko sayo!, lahat ng masasakit na salita mula sayo tinatanggap ko!, pero ang sabihin mong malandi ako?, it's too much!, akala mo ba hindi ako nasasaktan sa lahat ng mga kagagohang ginagawa mo sakin?, anung akala mo isa akong robot? Kung ganun sana pala robot na lang ako para sa gayon wala akong pusong pilit na binubuo habang araw araw na binabasag mo!," sigaw ko sa kaniya, ang luha ko na paisa isa kung tumulo ay biglang naging ilog, napupuno ako ng galit, ng inis, ng takot, ng panghihinayang, at lalong lalo na awa sa sarili..

"ako ang pilit na umuunawa sayo kahit lahat sila ay sumuko na!, ako ang pilit na inililigtas ka sa lahat ng kahihiyan o sakit na maaari mong maranasan sa babaeng pinaka mamahal mo, kahit na alam kong mas inilalayo ako noon sayo! Dahil mas pipiliin ko ang masaktan ako kesa ang Makita kang miserable at nasasaktan kagaya ko!" umiiyak pa rin na pagpapatuloy ko.

Hindi siya makatingin sakin ng deritso at kita ko ang pamumula ng mata niya pero hindi siya umiiyak..

"ako ang hindi nang iiwan at tumalikod sayo kahit na paulit ulit mong ginawa sakin yun!, ako yun Ford! Ako!, ang babaeng kaibigan mo noon na pinangakuan mong hinding hindi mo tatalikuran kahit kailan!, ang babaeng kaibigan ka lang noon pero mahal na mahal ka na ngayon!, oo mahal na mahal kita!, mahal na mahal kita kaya natitiis ko lahat ng sakit, natitiis ko lahat ng rejection mo sakin!"
Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas para masabi sa kaniya lahat ng sinasabi ko ngayon, siguro dahil napuno na din ako, o dahil masyado na akong nasaktan sa sinabi nito.
"sa tingin mo ba madaling tanggapin ang mga binibitawan mong salita?, at ngayon sinasabi mong nilalandi ko kayong dalawa ni Scion?, wala akong ginagawang masama Ford, all this time i've been hiding all the pain that you have caused me, at tanging si Scion lang ang nakakakita nun!, siya lang ang katulad kong tanga na pilit inuunawa ang mga bagay kahit na mahirap!,"

Ngayong araw na ito ay ilalabas ko ang sama ng loob ko, yan ang nakatatak sa isip ko, napapagod na kasi ako, hindi ko na alam ang dapat kong gawin

"at sa tingin mo ba pakawala akong babae dahil nakuha mo ang pinaka iingat ingatan ko kagabi ha Ford ganun ba kababaw ang tingin mo sakin?," basag ang boses na tanung ko sa kaniya, lumingon ito sakin at ibinuka ang bibig pero walang salitang lumabas doon, nakikita ko ang paghihirap niya, at sakit? Sa kaniyang mga mata, pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon

"then you prove me right, hindi.mo.nga.ako.kilala Ford Jester," at dahan dahan akong naglakad papunta sa may sasakyan ko na gagamitin ko sana sa race mamaya, pero sa tingin ko ay mas kailangan kong gamitin ngayon. Binuksan ko ang pinto nito pero bago ako pumasok ay muli akong nagsalita

"alam mo ba kung anu ang pinakamasakit na kasinungalingang sinasabi ko sa sarili ko?"
Tanung ko dito pero wala akong nakuhang sagot, well i expect it, sino nga ba ako para mag inarte ng ganito sa harap niya..?

"that someday you will let me love you, the way you let her loved you" at pagkatapos nun ay agad na akong pumasok sa aking sasakyan, mabilis ko itong pinasibad, mabilis na mabilis ang pagpapatakbo ko dito, naka full speed ito kahit na nasa highway ako at maraming nakakasalubong na mga sasakyan.

Sa lahat ng sinabi ko, wala man lang akong narinig na kahit na anu mula sa kaniya.. not even a single sorry, sabagay sinu ba ako sa buhay niya? Kaibigan? Oo noon pero hindi na ngayon, cause to him, i am nothing, just nothing, habang sya,, he is my everything.... he is my everything kaya ako nasasaktan ng husto ngayon...



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

God speed everyone!

Let me Love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon