LMLY-6

175 5 0
                                    

LMLY-6

(AN: minsan kahit anung iwas mo na walang makaalam ng nararamdaman mo, darating pa din sa point na kailangan mo ng isang tao na magiging karamay mo at handang maging lakas mo sa oras na wala ng natitira sayo

This chapter is dedicated sa aking sis. Sis Rain, ;) i hope na matuwa ka dito haha. Smile lang parati. Love you.
Enjoy reading guys! God speed!)
Ps: sis wag mo kalimutan ang game natin dito

LMLY-SIX

Late akong nagising dahil late din akong nakauwi, alas tres na ng madaling araw ako nakauwi,

Lumabas ako sa kwarto at magtitimpla sana ng coffee ng magulat ako dahil nasa sala ang limang makukulit..

“ayun, hang over girl?, uminom ka ng walang pasabi samin?,” bati ni Rain sakin na siyang unang nakapansin sa presensya ko.

“uminom?, hindi ako uminom Rain anu ka ba, takot ko lang sainyo nuh” tumatawang sabi ko, nasa pinaka dulo na ako ng hagdan ng mapansin kong tutok na tutok sa laptop ni Sky si Super Scion and Renault,

“anung meron?” tanung ko sabay lapit dito, ng makaupo ako ay bigla na lang akong binuhat ni Dodge

“oh my, anu bang nangyayari?!” pasigaw na tanung ko dahil inikot ako ng inikot ni Ddoge sa ere.

“walang hiya ka Chevie, bakit di mo kami sinabihan na may laban ka kagabi!? Sana nakita namin ng actual ang literal na pagpalipad mo sa kotse!” malakas na sabi ni Sky na  inuuga si Dodge sa braso niya.

“te-teka, ibaba mo muna ako Dodge, haha nahihilo na ako” sabi ko, ibinaba naman niya ako, umupo ako sa tabi ni Scion na seryoso pa ding nakatingin sa laptop.

“magumpisa ka ng mag explain” masungit na sabi ni Rain, kahit kailan talaga  araw araw ito may mood swings.

“uhm, hindi kasi talaga ako sasali sana sa race, plan ko lang manuod, pero someone came and dared me, kilala niyo naman ako, hindi ako mahilig tumanggi sa mga dare” pagpapaliwanag ko. Tumango tango naman sila maliban kay Scion at Rain, pag nagsama ang dalawang to na hindi sumasang ayon sa reason ko,

I’m doom!

Bigla na lang akong kinutungan sa ulo ni Rain, natawa na alng ako dahil ramdam kong nanginginig ang kamay niya.

“babae ka, tinakot mo ako sa ginawa mo alam mo ba yun!?, naku naku pasalamat ka at walang nangyari sayo” sabi nito sakin na nakakunot ang noo, nag peace sign ako sa kaniya saka yumakap dito

“eh, kasi naman Seight Rain, sinu ba nagturo sakin na wag umurong sa mga dare?” tanung ko dito ng may malaking ngiti sa labi, bigla naman ito nag pout

“ako,” sagot niya, tumawa ako, at nakisabay na din sa pagtawa sina Renault

“kita mo na yan, Seight Rain akala mo naman wala kang kasalanan, ikaw pala nagturo kay Chevie eh” natatawang sabi ni Renault.

“hoy! Renault Roadster tantanan mo ako sa kakatawa mo ah baka gusto mong isubasob kita dyan sa may pader, Makita mo” masungit na sigaw ni Rain dito. Mas lalo akong tumawa dahil biglang tumahimik si Renault.

“uhm, Chevie, i think you’re doomed girl” napapalunok na sabi ni Sky, tumingin ako dito at itinuro nito si Scion na naka hawak sa sentido niya..

“i think, yes i am Sky” kinakabahang sabi ko. Lumapit ako kay Scion at naupo sa tabi nito..

“you!” umpisa nitong sabi, natahimik ang lahat, maging ako ay medyo kinakabahan din

“don’t you know how worried i am yesterday?, tapos makikita ko pang nagpalipad ka ng kotse sa isang bangin?” tanung nito sakin, nag pout ako

“sorry na Super Scion, wag ka na magalit, wala naman nangyari sakin eh, tingnan mo buo at buhay pa ako” sabi ko sa kaniya, tumingin siya sakin ng naka kunot ang noo

“tsaka diba ikaw nagturo sakin ng ganun?” naka ngiting sabi ko na ikinawala ng pag kakakunot nito ng noo.

“what? I didn’t teach you that!” sabi nito na hindi makatingin sakin, natawa ako

“aha! At isa ka pa Scion ah” sabi ni Rain na nailing... tumawa ako at inakbayan si Scion.

“wag na kayo mainis o mag  alala o magalit, dahil andito naman ako, alive and kicking..., so anung plan today?” nakangiting tanung ko,

“can we go shopping?” agad na tanung ni Sky, Rain rolled her eyes same with the guys,

“aww i think the answer is no, sorry, but wait how about mag karera tayo?” tanung nito, agad na nagsikislapan ang mga mata ng bawat isa samin..

“hep! Except you Chevie, sumabay ka na lang kay Scion” suggestion ni Renault, nalaglag ang balikat ko

“ehh, bakit hindi?, ang daya niyo naman!”  reklamo ko sa kanila..

“of course, problemado ka kasi, baka mamaya e-deritso mo sa bangin ang sasakyan mo eh, kaya okay na ang naniniguro” natatawang sabi ni Renault na nakahwak sa baba niya. Binato ito ni Scion ng unan

“if i know, ayaw mo lang matalo at mautusan ni Chevie” sabi nito, natawa kaming lahat dahil mukhang nahuli ni Scion ang totoong dahilan ni Renault..

“nga pala, ito ang cash prize na napanalunan mo Chevie girl, my brother gave it to me, umalis ka daw kasi kaagad eh” ngumiti ako sa kaniya...

“salamat sky, pero ikaw na humawak, yan na lang ang gastusin natin mamaya” nakangiting sabi ko, at medyo na awkward ako dahil tumitig lang sila sakin.

Maya maya ay lumappit na si Rain,

“you know sis, minsan okay lang na  sabihin mo ang problema mo, o ang nararamdaman mo, mas makakagaan kasi ito sa kalooban, wag mong solohin ang problema, para saan pa at naging kaibigan mo kami diba?,” malumanay na sabi nito, nagtaka man ako, pero hindi na ako nagtanung pa.

Malalapit kami ng sobra sa isa’t isa kaya alam kong nararamdaman nila na may dinadala ako.

“parte ng buhay ang problema Chevie, at kami parte ng buhay mo, andito lang kami kapag kailagan mo ng karamay” sabi naman ni Renault, ngumiti at tumango ako sa kaniya

“okay lang naman samin kung ayaw mong sabihin Chevie girl, basta kapag ready ka ng magsabi andito lang kami makikinig sayo okay?” nakangiting sabi ni Sky, tumango ako sa kaniya. hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko.

“ang problema mabilis na lilipas yan, pero ang sakit na iniwan nito hindi, kaya nga may tinatawag na kaibigan para maibsan ang sakit na iniwan nito.” Cool na sabi ni Dodge, napangiti ako, kahit kalian talaga ayaw niyang nagapakita ng pagiging mahina.

“see? Kaya wag mong sinosolo ang problema, baka mamaya sumabog ka, kaya nga may mga kaibigan kang nandito ngayon para saluhan ka.”

Nakangiting sabi ni Scion sabay gulo ng buhok ko..Napaluha ako....

“salamat racer’s!” nakangiting sabi ko, nag group hug kaming anim, kahapon lang pakiramdam ko ay ibang tao ako, ngayon naman ito na muli ang Chevie na palangiti at maloko..

I just love my friends, sila ang nagbibigay lakas at tatag sakin everytime na may problema ako...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Daran!! Haha done. So anu sis? Nahanap mo na?>>:)
Keep reading guys, and thank you sa mga nagbabasa.. God speed everyone.

Si Scion Shelby po yung nasa pics. ;)

Let me Love youWhere stories live. Discover now