C17: Back to Manila • Ren

Start from the beginning
                                    

"Dito ka muna sa isang guest room. Napaayos na 'yan ni Mama bago tayo makauwi," sabi sa'kin ni Tan-Tan nang mapatapat kami sa isang kulay beige na kwarto.

"Sino ang nag-ayos? Parang wala naman kasi akong nakitang ibang tao nang pumasok tayo," puna ko.

"Mga katulong namin ang nag-ayos pero sa kabilang bahay sila tumutuloy. Doon sa mga lolo't lola ko. Hindi rin kasi sanay si Mama na may iba kaming kasama sa bahay kaya minsan lang dumaan dito ang mga iyon. Kapag may iuutos lang si Mama o kaya may ipadadala sila Lola Mommy," paliwanag ni Tan-Tan habang inilalagay niya sa cabinet ang mga gamit ko.

"Ako na ang mag-aayos niyan at saka, ako na rin ang tatawag kay Andrea. Alam mo naman 'yon, hyper pagdating sa'yo." Tumango naman si Tan-Tan.

Tatawagan ko na sana si Andrea sa cellphone niya nang may kumatok sa pintuan. Pumasok mula roon ang mga magulang ni Tan-Tan.

"Ren, may sasabihin sana kami sa'yo ni Tito Eldrick mo."

Nagkatinginan kami ni Tan-Tan sa isa't isa bago kami napatingin sa mga magulang niya.

"Reverie, hija, hihilingin sana naming dumito ka muna sa puder namin. Dito ka muna tumira kasama namin habang wala ka pa ring naaalala."

Napanganga ako sa sinabi ng Papa ni Tan-Tan. Nakangangang nakangiti ang naging reaksyon ko — isang ngangang hindi makapaniwala sa tuwa.

"Uhmm... Ren, okay lang naman din sa'kin kung dito ka muna titira," sabi ni Tan-Tan sabay hagod ng buhok niya.

Oh. My. Gulay. Bakit ang gwapo ng nilalang na ito?

"Sa totoo lang, aayain sana kitang dito muna tumira sa'min para may mag-alaga rin sa'yo. At saka baka makatulong din iyon sa pagpapabalik ng alaala natin," sabi niya na nakatungo. Parang nahihiya siya sa mga sinasabi niya.

"Kasama ko naman po si Andrea. May mag-aalaga naman po sa'kin at saka magaling na naman po ako, although wala pa ring maalala," sagot ko.

Biglang bumagsak ang mga balikat ni Tan-Tan.

"Pero iba pa rin kung ako ang mag-aalaga sa'yo-..." Hindi natapos ni Tan-Tan ang sasabihin niya nang putulin siya sa pagsasalita ng mama niya.

"Naiintindihan namin ang desisyon mo, hija."

"Pero, Ma!" Pinandilatan ni Tita Lia si Tan-Tan.

"Pero gusto ko sanang dito lang siya sa'tin. Mami-miss ko siya." Kahit sobrang hina lang ng bulong na iyon ni Tan-Tan ay malinaw na malinaw ko iyong narinig.

Napangiti ako at tumingin kay Tan-Tan.

"Tita, Tito, kung hindi po ako magiging pabigat sa inyo, okay lang po sa'king mag-stay dito."

Napaangat ng mukha si Tan-Tan at ngiting-ngiting sinalubong ang mga mata ko.

"Talaga? Payag kang tumira dito sa'min Ren?" masiglang tanong ni Tan-Tan.

Natawa ako sa reaksyon ni Tan-Tan. Parang batang excited kasi siya ngayon.

"Oo, payag ako. Okay lang sa'kin. At saka mami-miss lang din naman kita 'pag umalis ako."

Namula ang buong mukha ni Tan-Tan.

"Iyon 'yon, eh! Congrats, Kuya!" sigaw ni Ru-Ru na nasa tapat na pala ng kwartong kinaroroonan namin.

"Ako rin Tita, Tito, dito na lang din ako titira muna sa inyo para maalagaan ko rin ang prinsesa ko," singit ni Lu-Lu.

"Bakit? May sakit ba ang anak ko? Nagka-amnesia rin ba kayo? Ha?" nakasimangot na turan ni Tito Eldrick.

"Nagbibiro lang, ho. Peace, Tito!"

"O siya! Magpahinga na muna kayo. Maaga pa naman. Mamayang tanghali, gigisingin ko na lang kayo para makapananghalian kayo," sabi ni Tita Lia.

"Sige po, Tita, Tito. Salamat po ulit." Ngumiti lang silang dalawa sa'kin at lumabas na ng kwarto ko. Sumunod din sa kanila sila Ru-Ru at Lu-Lu.

"Sige pahinga ka na. Mamaya aalis tayo. Mamimili tayo ng mga gamit sa school. Start na ng pasukan sa susunod na araw kaya kailangan na nating makapamili ng gamit," sabi ni Tan-Tan.

"Sige. Pahinga ka na rin."

Bago lumabas ay hinalikan muna ako ni Tan-Tan sa noo at saka nagpaalam at lumabas ng kwarto ko.

Hayzt.Mukhang magiging maganda na naman ang tulog ko!    

My Accidental FianceeWhere stories live. Discover now