Kumunot ang noo ko dahil wala akong naiintindihan kung ano ang buntot ng kung ano-ano.

"Pangkontra po sa aswang." Wika ng dalaga.

"Hindi ba bawang 'yon?!" Kumot noo kong tanong. "Sige, salamat." Magalang kong saad at nagpatuloy.

Napalapit ako roon sa isang stall ng matanda dahil sinisenyasan niya akong lumapit sa kanya.

"Buntis ka anak ko." Saad niya at napatingin tuloy ako sa katawan ko. Masyado bang halata?! Hindi naman ah!

Nakasuot naman ako ng dress kaya hindi gaanong halata pero mas naantig ako kung paano niya nalaman.

"Ibibigay ko nalang ng libre 'to sa'yo, anak. Kapag kumulo ang langis may aswang na malapit."

Bago pa man ako makapagsalita ay agad s'yang tumalikod at naglakad pabalik sa stall niya.

Bagaman weird ang approach niya ay nilagay ko naman sa bag ang maliit na bote ng langis.

We had a lot of fun in Bacolod at nagpalipat-lipat rin kami sa iba't ibang mga isla gamit ang mga bangka. Bawat isla ay May iba't ibang dating kaya hindi boring at sulit ang bayad sa bangka.

Kahit nagsasaya ako'y 'di ko pa rin matanggal sa isipan ko ang langis kaya madami akong ginawa rito.

Ibilad sa araw, niyuyugyog ko pero kahit bula wala kaya sumuko nalang ako. Baka pambudol-budol lang pala 'to.

Nilagay ko na lang sa lamesa 'yong bote at muling lumabas.

The next six days were filled with euphoria as Mika's cousins arrived.

Naroon din si kuya Matt, 'yong pinsan ni Mika na dating nagkagusto sa 'kin kaso na kuya zone ko.

Iba ang tingin niya kay Kiel at tuwing nag-uusap sila kulang nalang sigawan niya 'to.

Nang dumating ang huling gabi namin ay nag-isang kuwarto nalang kami ng mga pinsan ni Mika at nagkwentuhan hang si Mikaela naman ay abala sa panonood ng tv.

Mapatakbo kami tungo ng Salas nang biglang tumawag si Mika na parang nanalo sa loto.

Hinili niya ako pagkalabas ko at itinuro niya ang bote ng langis na nasa lamesa pa rin.
May kalayuan iyon kaya 'di ko alam anong pinagsasabi niya.

Napalapit rin ang mga pinsan niya doon, kaya napalapit rin ako. Kinuwentuhan ko na sila tungkol roon pero sabi nila hindi raw totoo ang mga 'yon.

"Bumubula!" Sigaw ni Leah.

Napatingin kami lahat sa bote at nilapitan pa ito. Totoo nga, bumubula ang bote at sa halip na matakot dahil sa pangamba na kahit anong oras ay maari kaming katayin ng mga aswang, nagpalakpakan kami.

Saka lang kami dinatnan ng takot ng biglang lumakas pa lalo ang pagbula nito.

Dali-dali silang nagtakbuhan. Ang iba ay nagsara ng mga glass window at si Leah naman ay kumuha ng buwang. Nagmumukha siyang tanga sa takot pero may point naman siya.

Late kaming nakatulog dahil inobserbahan namin ang langis. Lumalakas ang pagkulo niya sa bawa't oras na dumaan hanggang makatulog nalang kami.

Pagkagising ko ng alas singko ng kinaumagahan ay hindi na kumukulo ang langis.

The flight became fine at nakarating kami sa NAIA ng tanghali.

Sinundo kami roon ng isang driver ni Kiel, akala ko ay uuwi na kami but he asked to pull over.

Huminto kami sa isang mukhang mamahaling itallian restaurant at naupo roon. Napalunok ako nang makita ko ang menu dahil ang isang plato ng pasta ay isang libo mahigit na.

Damn! I won't pay this price just for food

Matapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa biyahe.

"Did you have fun?" Panimula n'ya sa mababang boses. "Sa Bacolod?" Dagdag niya.

It took me several seconds before responding kaya inalis niya ang tingin niya sa 'kin.

"It was great." I said shortly and he replied with a satisfied smile


𝙺𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚞𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚞𝚐𝚝𝚘

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora