Chapter 10

23 17 0
                                        

Sa tingin ko ay ang Avery ang isunpang section at perfect combination pa iyon sa isinumpa ring alphabetical order.

Maraming parangal ang nakuha ng bawat estudyante sa section namin. Ang mga parents at ibang section ay natutuwa dahil sobrang dami naming nakukuha tulad ng Special Recognition in sports, Special Recognition in Journalism, Special Recognition in Academics, Leadership awards at marami pang iba.

Nakakamangha nga ito sa mata ng iba pero  sakit sa ulo't mga binti sa amin 'yon. Kanina pa kami naghihintay at nakatayo rito nang nakapila pero nasa pangalan Masangcay, Hugo pa rin kami. Halos lumagpas na yata ng sampung minuto si Hugo sa stage kakatanggap ng mga award at kaka-picture. Minsan gusto nalang namin na ubusin n'ya nalang ang mga medalya roon.

Mag-isa akong nakatayo dahil kakaakyat lang ni ate sa stage para sabitan ng medalya si Ralph. Bakas sa mga galaw nila na napaka-awkward  pa nila sa isa't isa, si ate naman gustong gust na 'ata kurutin sa tagiliran si Ralph. Kaunti lang ang nakuha niyang mga awards kasi newbie pa lang s'ya sa school pero tingin ko pa rin na madaya na hindi binilang ang mga 'yon.

Kakatapos ko lang magbigay ng salutetorian speech ko kanina. As expected, hindi naman nila ikinagulat 'yon, mas ikinagulatnila kung bakit hindi ako ang valedictorian.

Kanina pa ginugulo ng tanong na kung sino ang valedictorian ang isipan ko —ang isipan naming lahat. Kung sino man ang taong 'yon, nakakasigurado akong hindi s'ya madaldal.

Ilang araw din namin kinulit si Hugo para tanungin kung s'ya ba ang valedictorian pero panay deny pa rin s'ya. Pero malakas ang kutob ko na s'ya 'yon.

Ilang minuto nakalipas, pagod na pagod ni ate na lumapit sa'kin at tumayo sa tabi ko. I could tell na malala na ang pagsakit ng mga binti n'ya dahil sa mga heels na suot n'ya. Napaka-OA kasi, may pa 4 inches pang nalalaman.

"Ang bagal naman ng parent na 'yon, kung magsabit ng medal parang walang naghihintay sa likuran—" Pagrereklamo ni ate at nagsitinginan sa'min ang mga tao sa paligid.

"Shhh" Pagbabawal ko kasi nakakahiya siya. Alam kong 'ganon ang ugali niya pero kahit minsan lang p'wede naman siyang mag-sugarcoat.

"Tas yung buhok ng anak nya. Ew... 'Di ba s'ya nagshashampoo—"

"Ate!" Pinigilan ko s'ya bago n'ya malait lahat ng pagmumukha ng mga tao rito.

Likas na maarte si ate, pero tingin ko parang nasobrahan siya sa pagkamaarte ngayon. Minsan gusto nalang namin i-tape ang bunganga niya. The last time, nagvolounteer siya sa orphanage at napunta 'yon sa panlalait sa mga pagmumukha ng mga bata.

OMG these heels! Hindi man ganon ka taas yung heels ko pero damang dama ko pa rin yung sakit kasi hindi ako sanay.

Matapos ang kalahating oras ng pila ay sa wakas nakatungtong na kami staircase ng stage at naghahanda na. The pretty flowers were every where. Blue roses were everywhere. Blue and white roses ang choice nila para mag-match sa color ng uniform namin. Kahit malayo ang ilong ko sa mga bulaklak, I could still smell its strong floral scent.

"Ang bango, 'no?" Sabi ko kay ate sabay ngiti sa kanya. Kung pwede lang matagal na akong pumitas ng puting rosas dito.

"It's fake. Hindi ganyan yung amoy ng rose. Amoy pang patay yung natural scent ng rosas. Ito amoy sampaguita bulok." Nagulat ako sa sinabi niya, okay na sana yung peke lang ang amoy pero dinagdagan niya pa ng Sampaguitang bulok. Hays, bigyan niyo ako ng kahit isang rason lang kung bakit hindi ko dapat i-stapler ang bibig ng babaeng ito.

Senenyasan kami ng isang teacher na maglakad na pero hindi pa rin kumikibo si ate.

"Hindi pa tinatawag yung pangalan mo, don't be dumb."

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora