Chapter 15

17 8 0
                                        

Hawak kamay kaming naglakad patungo ng pinto ng bahay. Kaunti lamang ang nakasinding mga ilaw at tahimik na ang buong paligid dahil maghahating gabi na nang makauwi kami galing sa Sky Ranch sa San Fernando. May kalayuan 'yon sa bahay nila Tita Marj kaya may katagalan talaga ang byahe.

It was a great experience. It was better in person compared doon sa mga post ng mga kaibigan ko na nakarating na roon.

Marami akong maituturing na "unforgettable experience" sa lugar na 'yon pero wala pa ring dadaig sa naramdaman ko nang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko nang marating namin ang pinakataas ng malaking Ferris wheel.

It felt a hundred times better than riding what they so call cloud nine,  ipinaramdam niya sa 'kin that I was one in a million.

Pero habang nagsasaya kami kanina, walang mi isang pagkakataon na hindi sumagi sa isip ko ang ni Ezekiel kanina. However, I swore to my self na hindi ko hahayaang masira ng mokong na 'yon yung araw  na 'to.

Pinilit ako ni Tita Marj na matulog kasama nkya sa kuwarto nila ng asawa niya total siya lang naman mag-isa. Noong una, tumanggi ako but she insisted too much that I need to give in. Naiintindihan ko rin naman ang pangamba niya kung matutulog ako kasama ang tatlong lalaki n'yang anak.

Kulang na kasi ang mga kuwarto dahil ang iba ay occupied na ng mga kasambahay kaya sa kuwarto nalang nina Gab at Nath natulog si Ralph.

Nasa baba ang kuwarto nila samantalang nasa ikalawang palapag ang kay Tita Marj.

Bago kami nagtungo sa kanikaniyang mga landas ng tutulugan, naisipan namin mag-midnight-snack muna — well, s'yempre ako lang ang nakaisip, dinamay ko lang si Ralph.

Naupo ako sa isang mataas na upuan sa bar ng kusina habang hinahalukay ni Ralph ang laman ng nagagandahan mga cupboard ng kusina.

He took out some cream and mga kung ano-ano mula sa ref at nagsimula ng magluto.

Matapos ang kumukulang 20 minutes ay may nakahanda ng pesto sa harapan ko. Humahalimuyak ito at umuusok pa sa init.

"Enjoy." Nakangiti niyang saad sabay lagay ng tinidor sa plato ko. The pesto was still smoking hot kaya napag-isipan ko na 'wag muna itong galawin at ganoon din ang ginawa ni Ralph.

Habang naghihintay kaming lumamig ng bahagya ang pagkain, may mahabang katahimikan na namamagitan sa 'min. 'Yong tipong nakakabinging katahimikan na gusto mo nang basagin agad.

I was finding a nice topic to talk about nang biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Kiel kanina.

Anak s'ya sa labas the words echoed in my mind.

I shook it off immediately. Inalis ko 'yon sa isipan and think that that jerk's just being arrogant. Hindi n'ya siguro tanggap na mas magaling sa kanya si Ralph sa maraming paraan. I could see envy in his eyes everytime he looks at him.

Pero kahit anong ipalit ko doon para lang matanggal 'yon sa isipan ko, nilalamon pa rin ako ng sarili kong curiosity.

Something can only be considered true by the universal truth when it bears enough evidences but words that came out from someone's mouth were never enough to stand for a statement and consider it true. However, it remains true and will be true if it's considered the truth by the person in subject of the statement.

I could never trust Kiel's words. Hindi naman siya ang subject ng statement nq binitawan niya tungkol kay Ralph. It's either a dirty slander o 'di kaya totoo 'yon. Only one can confirm, the subject of the statement, si Ralph.

Buhay niya 'yon and only he knows the best of it. Buhay n'ya 'yon kaya s'ya lang ang makakapagsabi sa totoo o sa hindi.

"Ralph-" Panimula ko sana kaso nagsalita rin s'ya.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now