Chapter 14

12 7 0
                                        

"Asoleado (Stupid), Sampaguita lang 'yan."

I knew it was rude. Alam ko 'yon kahit hindi ko naiintindihan kung

I turned to my back to see a guy na parang ka-edad ko lang. His hair was brown and his eyes were also brown. His face was also fine and he was wearing an all black outfit.

Mukha siyang mayaman sa tindig niya. Tinititigan niya ako na para bang ang liit-liit ng tingin niya sa'kin. Biglang nagbago ang tingin niya nang sinungitan ko s'ya ng mata. Bigla s'yang ngumit ng bahagya at medyo umaliwalas ang pagmumukha niya. Para talagang gago. Pagkatapos mang-insulto, pa-angel face ulit.

"Hi." Nakangiti niyang bati habang inaabot ang kamay niya. "Ezekiel De Mariano."

Agad naman akong nakipagkamay kahit napaka awkward ng sitwasyon namin. Napansin ko na hindi s'ya purong pilipino, may lahi s'ya. Shet hybrid.

"Francesca Torres." Maikli kong tugon.

"Ikaw siguro 'yung kaibigan ng Half-brother ko." Sabi niya habang hawak-hawak pa ang kanan kong kamay.

Nginitian ko naman siya ng pilit at sinenyasan na nakahawak pa siya sa kamay ko.

"Lo siento (Sorry)" Saad niya at pangiti-ngiti nalang ako. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero sigurado akong espanyol 'yun. May lahi kaya 'tong kastila?

Nabalik ako sa sarili ko at napagtanto na walang na mention si Ralph na may kapatid siyang kasing tanda niya, o mas matanda sa kaniya or whatsoever. Ang alam ko lang ay iniwan siya ng Mama niya noong 4 years old pa lang s'ya. It made me realize that I was wrong, I don't know him that well.

"May kuya s-s'ya?" Nauuyal at gulat kong tanong.

"Yeah." Umupo siya sa duyan kung saan ako nakaupo kanina. "Anak s'ya sa labas, did you know?"

Simula ng nasabi niya 'yon, I know I don't like him pero ikinagulat ko pa rin ang narinig ko. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Ayon kay Ralph, iniwan s'ya ng Mama niya at ayon naman sa mokong na 'to, anak siya labas. Pero bakit kailangan pa n'ya sabihin ng ganoon.

I was hating this guy more and more by the minute.

"So... Francheska, how old are you again?" Tanong niya sabay subo sa lolipod na hawak-hawak niya.

Again?! I don't remember a bit kung sinabi ko ba ang edad ko. We're basically strangers pero sa tanong niya parang kilala niya na ako ng sobrang tagal.

"19." Maikli kong tugon.

"22, follow mo'ko sa IG, kielmariano69, no space, no caps." Nagulat ako sa sinabi niya. Walang hiya, ang kapal ng mukha. I didn't ask for any of it.

"Excuse me?" Taas kilay kong sabi at tumingin nang diresto sa kaniya. Nagkabqngga ng saglit ang mga mata namain pero agad naman niya ito inalis at tumingin sa kabilang direksyon.

Binalik ko ang tuon ko sa cellphone ko ngayon na sa walas ay na-search na ang picture na kinuha ko.

Ang bobo ko naman. Sampaguita lang pala 'yon. But I don't blame myself. Hindi ako bobo, sadyang bihira lang ako makakita ng sampaguita na nakanim pa. Bihira lang din naman kasi ako magsimba. Mga once in a leap year lang o 'di kaya tuwing

"Cesca!" Tawag sa'kin ni Ralph habang naglalakad palapit sa'kin. Malaki ang ngiti niya habang naglalakad. Mukhang naging maayos ang usapan nila ng Mama niya.

Biglang naglaho ang ngiting iyon nang makapasok na s'ya sa hardin at nagtagpo ang mga mata nila ni Ezekiel. Kaagad niyang kinuha ang mga kamay ko at hinila ako palabas ng hardin. Marami sana akong gustong tanungin pero mas mabuti sigurong manahimik na muna.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now