Francesca Bianca Torres
𝔞 𝔟𝔩𝔞𝔰𝔱 𝔣𝔯𝔬𝔪 𝔱𝔥𝔢 𝔭𝔞𝔰𝔱
"Ma'am Frances we should end this. We can have another rehearsals some other days. Mukhang pagod na po kayo." Sabi ng manager ko habang inaabutan ako ng isang bote ng tubig.
Pagod na ako but I can't rest. I just can't. I need to practice more. I need to make it perfect. Ito ang first world tour ko, I need to make the opening perfect.
I've been dreaming about this all my life and I'm living my dreams. Dreams do come true.
Everything was perfect, everything was now all here. Pero parang may kulang pa rin. I felt incomplete. Parang may kulang pa, may bagay pa nawala ako.
Sometimes the thing that completes us is also the thing we dare not to welcome in our life.
Baka ang missing peice ng buhay ko is yung bagay na ayaw ko nang papasukin sa buhay ko ulit.
"Ma'am Frances, are you still okay?" Wika ng manager ko. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako ng ilang segundo at hindi ako nakatugon sa kanya.
Honestly, parang sinasabi na ng katawan ko na tama na, pahinga na. Ngunit iba naman ang sinusolsol ng isipan ko, nais nitong tumuloy ako. Bilang isang taong may determinsyon, mas pinipili kong sundin ang isip. I can't let my fans down. I'm living the time of my life.
"No, I can still manage."
*****
Isang buwan o kumulang ng isang buwan nalang bago ang opening ng Luminaire Tour ko ngunit wala pa kaming choreographer. Napilay kasi yung akin and we need to find someone as soon as possible. Actually ang talent agency na ang bahala roon.
Kaunti palang ang nasisimulan namin. Hindi rin alam ng mga dancers ko ang gagawin kung wala silang sinusundang choreographer. Mag-iisang linggo na pero wala pa rin silang nahahanap.
I'm one of the biggest stars of the agency, they must be finding someone very good.
"Good morning Ma'am Frances, I have good news!" Bungad ng manager ko sa akin. She was very enthusiastic today compared to the other days.
"What is it?"
Masaya akong tumugon. Hindi kami gaanong close ng manager ko pero nagkakaintindihan naman kami sa ibang mga bagay. Isa s'ya sa mga pinakamagaling sa industrya kaya and swerte ko sa kanya.
"We just got the best choreographer in the country!"
Bakas sa kanyang mukha ang saya. Natuwa naman ako rito, sino bang hindi? Pinakamagaling nanlaki ang mata ko. That's why it's taking them too long. Yung pinakamagaling pala ang ibibigay nila.
"Who is it?"
She handed me a brown folder with a smile so wide. I took the folder and thanked her.
"Sino ba 'to ba't ang saya-saya mo." Tumawa ako ng kaunti bago buksan ang folder. Unang bumungad sa akin ang achievements and experience ng bagong choreographer.
Evident naman sa records n'ya na magaling s'ya. I examined the first page. May 4 years experience na s'ya sa malalaking celebrities and projects. I got curious about this person by every word I read about him or her.
YOU ARE READING
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...
