LIFE is beyond academic achievements. Hindi dahil honor ka, nai-ensure mo na na magiging mabuti ang future mo. Hindi rin dahil mahina ka at average student lang, magiging simple at mahirap ang buhay mo.
Life is filled with various twist and turns. Hindi mo alam kung kailan darating ang pagbabago at mas lalo na na hindi mo alam whether magiging maganda ba ito o masama.
Academic pressure has been always on my back since una akong nakaakyat ng stage. I sighed as I reminisce the first time na umakyat ako ng stage at pinarangalang with honors. I could clearly see my self in that golden memory. I was standing proud wearing a medal and holding my certificate as the flash of the cameras flickered from in our front.
Little did I know that hell has just began.
I usually overhear some student conversations. When they talk about honor students, I often hear things like: 'Ang O-OA ng mga honor students, natanggal lang iyak agad. 'Matataas mga ego ng mga 'yan, ayaw bumaba, Ayaw mag-give chance to others!'
All of those are just fucking prejudices on honor students. May iilan o marami sa mga academic achievers na gustong gusto nang bumaba but just can't. They--- we are burdened by the world's expectations. They expect us to be the best. They expect us to do things perfectly.
I seemed like I've been carrying the burden of expectations since the day I was born due to our family legacy. A rubbish reputation.
I reached for the curtain beside me. Inipit ko ito gamit ang bintana para matabunan ang mahapding sikat ng araw. Kahit wala nang open space ang mga bintana dahil natabunan na ito ng kurtina, tumatagos pa rin ang araw.
My place was one of the most hated placement in the classroom, ang puwestong malapit sa bintana. Mahangin dito tuwing umaga pero kapag sumapit na ang hapon, masusunog talaga ang mga naka-upo.
Sinumpa talaga ako ng buwesit ng alphabetical order. Simula sa mga puwesto sa room, sa pila at whatsoever minamalas ako because of my freaking last name.
I actually hate the week after the exam. Wala na kaming iba pang ginawa kanina kung hindi mag-item analysis. Nangangawit na ang kamay ko kakataas ng mga kamay ko. My scores didn't disappoint me but instead pinataas lang ako ng kamay ng buong magdamag. Hindi ba p'wedeng 'pag may mali ko nalang itataas ang kamay ko?!
The class secretary Ashana was the one in charge in conducting the item analysis for every subject. Sinabi na sa kanya ng mga teacher na humanap siya ng katulong pero wala, masyado s'yang bida-bida.
Pareparehas lang naman ang eksena tuwing nakukuha na namin ang scores namin tuwing exams. May ibang tumatawa, yung iba umiiyak, yung iba nagpapayabangan pa kahit basak naman habang yung iba naman ay dedma lang.
"Naka-ilan sa sa Pre-Cal?" Tanong ni Ralph na nasa likuran ko pagkatapos ng Item Analysis namin sa General Biology.
"49." Mayabang kong sagot na may kasamang pagngiti sa dulo.
"Ang hina!"
"Hoy! Baka nga ikaw naka 25 lang eh!" Ngumuso ako at inirapan siya.
He rose from his chair and walked to mine. Lumuhod s'ya ng bahaya sa harap ko to level his head to mine since naka-upo ako and he grinned like the devil.
"Ehem... Oo nga, naka-50 lang naman ako eh. Tapos 46 DA general biology." My eyes widened as he bragged. Akala ko ako na ang pinakamataas sa buong klase sa Pre-Cal. Hindi na lang ako umimik tungkol sa score kasi paniguradong pagtatawanan niya lang ang 43 ko. "Nakapag-vitamins kasi ako kahapon eh."
I gave him a puzzled look while he continously grinned. Hindi ko mawari kung paano napasok rito ang vitamins na iniinom n'ya.
"Vitamin S." Masaya niyang sabi at binigyan ko s'ya ng naka-arkong kilay.
YOU ARE READING
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...
