Na-excite akong pumasok sa araw na 'to. Sino bang hindi?
Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na naisip pang kumain. May inihandang baon na si Mama kaya pagkatapos maligo at mag-ayos, lumakwatsya agad ako.
Hinding hindi ka talaga mabubusog ng kilig at ka-pogian. Ilang minuto pa lamang ako sa jeep nang lumikha ng ingay ang tiyan ko at humapdi.
Shett! Ba't di kaso ako kumain? Alam kong kasalanan ko ito kaya dapat kong panindigan. Alam ko ring 'di na ako makakakain dahil tiyak na pagdating ko sa school magsisimula na ang klase.
Hindi nga ako nagkamali. Dumating ako sa eskwela ng halos 5 minutes early.
Dati-dati pa lamang excited na excited pa akong maging grade 12 kasi mananamnam ko na ang ganda ng view ng 4th floor. Napakaraming hagdan pala ang matitikman ko rito.
Pagpasok ko sa classroom ay wala pa ang teacher namin. Salamat naman. Si Ma'am Liña pa naman 'yon. Feeling maganda, ang tanda tanda na kaya. Ba't di pa s'ya mag retire.
Kakaibang hangin ang bumungad sa akin pagpasok ko, busy silang lahat sa chismisan. Parang may mainit 'ata silang usapan ngayon. Kung ano man yun, wala akong motibong maki-alam pa.
Tama na yung na guidance ako nung minsan kasi may nag-leak nung convo sa group chat namin.
"Uy, pre, chicks yung trnsferee oh. Mag-first move kana."
I overheard a conversation from the boys. It's really weird. Ba't pa nila naisipang magpatransfer eh patapos na ang school year.
"May girlfriend ako pre, ikaw nalang."
"Sus! Mukhang mas masarap yun oh" Turo n'ya sa babaeng maikli ang buhok na naka-upo sa tabi ng upuan ko.
Nandiri ako sa mga pinag-uusapan nila kaya dumiretso nalang ako sa upuan ko. The new girl wasn't in her uniform, she still had her earphones on despite the fact na anytime p'wede nang pumasok si Ma'am Liña.
She was writing something on her notebook. Sigurado akong hindi 'yon lesson dahil wala s'yang libro o kahit anong kinokopya. Baka masyado lang akong judgemental.
I got into my business. This time iba na. 'Di gaya ng ibang mga araw na pagdating sa school ay notebook agad ang kukunin ko, cellphone ang inatupag ko. Harrison and I've been chatting all night long.
For the first time, na-experience ko ang pakikipagharutan. I didn't expect, nor had an ounce of prediction na mangyayari sa'kin 'to.
"Surprise Quiz on Pre-calculus. One half Lenghtwise, now!" Bungad n'ya sa amin as soon as she entered the room. Wala bang muna review-review. Gosh, wala akong naalala, shet.
Namememtal block ako dulot siguro ng puyat kagabi kaka-chat kay Harrison. Wala din akong ma review kasi panay chat lang ako.
Yan kasi, landi pa more tas bagsak pa more ang aabutin.
YOU ARE READING
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...
