Chapter 17

4 3 0
                                        

History I: Philippine History - 2.00 (Good)

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. For sure magiging big deal na naman kay Papa 'to. But I'm sure na makakalimutan n'ya naman siguro dahil halos lahat naman ay tumutong naman ng uno.

Hindi naman sa hindi ko gusto ang subject na 'to. Likas lang talagang bobo ako pagdating sa usaping nakaraan kasi wala ng dapat balikan roon. Para bang gagamitin ko ang subject na 'yon sa pag-oopera.

Nai-imagine ko tuloy na tinatanong ko sa pasyente ko kung kailan pinatapon sa Dapitan si Rizal o kailan napadpad ni Magellan sa Pilipinas habang nag-aagaw buhay na s'ya.

Dumungaw ako na laptop ni Ralph (Na binili ni Papa as Graduation gift n'ya raw samantalang ako wala) kung saan nakabukas rin ito sa student portal n'ya.

May malaking ngiti sa mga labi n'ya dahil straight na uno ang mga grado n'ya.

Buong araw n'ya akong pinagtawanan dahil dun. May kasalanan din naman ako kasi hindi ako nakikinig sa proffesor ko.

Pero nagkaroon naman ako ng karamay nang ipakita sa 'kin si Liam ng grades n'ya.

Biochemistry - 3.00 (Passed)

Theoretical Foundation of Nursing - 5.00 (Failed)

History I: Philippine History - 5.00 (Failed)

Hindi ko alam kung tatawa ba 'ko o hindi kasi mukhang seryosong seryoso ang pagmumukha n'ya habang naka-upo sa kama ko.

"Bukas na bukas 'pag 'di ako pinayagan mag-shift ng course lalabas ako ng Arch of the Centuries loko." Sabi n'ya sabay sara sa laptop niya.

"Myth lang yun!" Sabi ni Ralph habang patuloy pa rin sa pag-ngiti n'ya na para bang nanalo s'ya ng loto. "Tas saya rin naman, third year na tayo n'yan."

"Ay bahala." Sabi ni Liam sabay irap. "Heaven knows na ayaw ko talaga mag-nursing."

"Ikaw bahala. Buhay mo naman 'yan. Bakit ka kasi nag-nursing at first place?" Taas kilay kong tanong.

"I was forced!" Inis n'yang sabi. "Osya, mauna na ako. I've got explaining to do."

As expected, kinagabihan, isa-isang hiningi ni Papa ang mga grades namin pagkauwi nila.

He gave an expression that I haven't foreseen. He smiled after examining my grade.

Sinuri ko ng maayos ang ngiting 'yon kasi baka ngiting may parusang ibibigay sa 'kin ang ngiting 'yon. Pero hindi, his smile was genuine.

"Do better next time. Isa lang naman ang dos mo. I'm proud and fine with the rest." Nakangiti n'yang sabi sabay bigay sa 'kin ng laptop ko. "How about yours, Ralph?"

Ibibigay ni Ralph ang laptop niya ng May ngiting tagumpay na taglay ang mga labi n'ya.

Lalong lumiwanag ang mukha ni Papa nang makita n'ya ang kay Ralph. Ralph gave me a teasing grin, dahilan para sikuhin ko s'ya.

"Wow. I'm astonished." Sabi niya habang muling binasa ang grades ni Ralph. "I want you for internship next week. I suppose wala na kayong pasok at that time?"

"Wala na po." Tugon ni Ralph.

"How about me?!" Taas kilay kong tanong na May tonong na-offend.

Bakit s'ya pinayagang mag-intern kila papa samantalang ako kahit alok, wala.

"Of course meron ka rin." He smiled at me. "Pero next year pa."

Hindi nalang ako umimik baka masira ang magandang mood ngayon ni Papa.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now