Chapter 18

7 3 0
                                        

It all made sense. Half-spanish pala si Sir Gregorio at dahil dito part-spanish si Kiel.

Hindi ko inaasahang siya pala ang asawa ni Tita Marj at ang tatay ni Kiel.

We spent all night listening to our fathers. Puro tungkol sa ospital ang mga pinag-uusapan nila.

It was evident that sir Gregorio prides his eldest son. Ipinagmamalaki n'ya ito dahil sa murang edad na 23 ay marami na s'ya nai-ambag sa pamilya nila at ganap na rin s'yang doktor.

Nasabi n'ya rin lahat ng mga achievements ni Kiel noong nag-aaral pa s'ya sa Espanya.

Hindi umimik si Kiel kaya hindi rin ako umimik. Tila bang ngayon lang namin nakita ang isa't isa at 'di pa kami nag-uusap.

Habang dahan-dahan umiinom si Kiel ng champagne niya ay pinagmasdan ko rin ang itsura n'ya.

His skin was rather white, 'di gaya ng morenong balat ni Ralph. His hair was neat as his tux. Mas matulis ang panga niya kaysa kay Ralph pero mas matangos ang ilong ni Ralph. There were two things they had in common, parehang sila ng hugis ng mukha at parehas rin sila ng mata.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang tumingin s'ya sa 'kin at nagkabangga ang mga mata namin.

Ikinuwento ko kay Ralph lahat ng mga nangyari kagabi but it didn't seem to bother him. He was perfectly fine.

Mikaela Samantha: San Antonio Hospital, now, nahanap na namin si Liam.

Francesca Bianca: Anyare?

Nagsimulang lumakad ang tibok ng puso ko. I had an intuition na malala ang sinapit ni Liam.

"Pupunta ako ospital, wanna come?" Tanong ko kay Ralph na abala sa pagputol sa sanga ng ilang halaman.

"Medyo busy pa kasi" saad niya sabay punas sa pawis n'ya. "Kailangan mo ba magpa-drive, ihahatid kita pero uuwi ako agad. Kailangan ko 'tong matapos."

"No worries." Nakangiti kong saad. "I can manage."

Sa totoo lang ay ayaw ko munang mag-drive dahil hindi pa nawawala ang pagkahilo't sakit ko sa ulo. Pero wala naman akong magawa.

Kinuha ko ang susi ng 'di na ginagamit na sasakyan ni Papa and drove all by myself to San Antonio's.

Nang makarating ako roon, bago ako pumasok ng ospital ay tinignan ko ang reply ni Mika.

Mikaela Samantha: Naaksidente s'ya, he's in a comma, we're in room 16, 4th floor

Ikinagulat ko ang nabasa ko at dali-dali tumakbo papuntang elevator.

Hindi mahirap hanapin ang room 16 dahil nasa kanan and mga even numbers.

As I opened the door, natagpuan ko roon si Mika nasa tabi ni Liam na ngayon ay may nakakabit na oxygen sa kanyang bibig.

Napansin ko rin na namamaga ang mga mata ni Mika at patuloy pa rin ito sa paghikbi kaya nilapitan ko s'ya at pinasandal sa balikat ko.

Gosh! May gusto ba si Mika kay Liam? Tanong ko sa sarili ko dahil mukhang apektadong apektado s'ya.

"Nabangga siya sa kalsada last night." Mas lumakas ang pag-iyak niya. "He was on the way to our place... Buti nalang may nakakita sa kanya. He lost so much blood."

Ramdam ko ang sakit na pinadama niya sabay sa pagbasag ng boses n'ya.

Magsasalita na sana ako pero bigla akong nasuka at nagkalat ito sa kumot ni Liam.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now