"Mabuhay ang bagong dilig!" Masayang pagsalubong ni Liam sa amin nang papasok kami sa gate.
Kinuwento ko lahat ng mga nangyari sa kanya kagabi through messenger, pero hindi naman ganoon na detailed.
Sobrang saya niya sa balitang 'yon na tila ba nanalo s'ya ng loto o siya ang nadiligan.
"Sinabi mo sa kanila?" Mahinang tanong ni Ralph sa'kin habang naglalakad kami sa campus patungo sa.
"Well, of course." Mahina kong sabi. "They're my friends and 'wag ka mag-aalala. 'Yang si Mika mas tahimik pa yan sa gagamba. Si Liam naman, madaldal yan pero magaling magtago ng secreto 'yan."
"Okay..."
Nabasa ko sa boses n'ya na medyo may pag-aalinlangan siya sa pagtitiwala sa mga kaibigan ko. Alam kong wala dapat makakaalam na may namamagitan sa amin and worse may nangyari na. Lalong lang na si Papa dahil paniguradong papalayasin si Ralph sa pamamahay namin.
"Ano ka ba! At least legal na tayo sa mga kaibigan ko. Mas pipiliin pa ng mga yan na mamatay kaysa sa ilalag ako-"
"Hindi ah, ano ka? Sinuswerte?" Sabi agad ni Liam ng may kunwaring pandidiring tingin sa'kin.
Alam kong nagbibiro lang s'ya. When he swore to keep his mouth shut, he'll keep his mouth shut.
"Gumamit kayo ng protection?" Out of nowhere na tanong ni Mika.
"Condom lang yun teh, napaka-OA naman pa-protection-protection pang nalalaman." Sabat ni Liam.
"But seriously, did you use protection?" Seryoso talaga ang tono n'ya.
"No. Coitus Imterruptus lang ang ginawa nami-" Sagot ko ngunit pinutol ulit 'to ni Liam.
"Punyeta, Withdrawal Method lang yun, pinakasosyal-soyal n'yo pa!"
Tumigil si Mika sa paglalakad at humarap kay Ralph. He was also astounded. It seems na aawayin ni Mika si Ralph. Si Mika man ang pinakabata at pinakamahinhin sa friend group namin, s'ya pa rin ang pinakamabangis kapag nagalit.
"Are you both fucking out of you mind?! What if nabuntis ka?! What if magkasakit ka?!"
"Hinugot ko nam-" Sagot sana ni Ralph.
"Kahit na!" Tumalikod s'ya sa amin at patuloy ulit na naglakad. "Ito yung problema dito sa pilipinas eh. We lack sex education.
"Sa tuwing pag-uusapan ang sex yung iba tatawa, yung iba naman nandidiri. That's why the teenage pregancy rate and HIV rate of the Philippines goes on and on -increasing everyday. Pinandidirian kasi ng mga pilipino ang pag-uusap tungkol sa sex sa harap ng mga teenage children nila. That's a major problem.
"I know na masyado pang silang bata para doon, but they must know for the sake pf their safety. Ages 13 to 16 is a child's curiousity stage. And curiousity itself can lead to serious accidents. Parents must educate their children about sex and protections as early as the curiousity stage. That's the problem about filipinos. Most of them are so narrow minded and close minded. Kahit minsan lang p'wede naman nila buksan ang mga pag-iisip nila.
"If we really want to decrease our teenage pregnancy, then parent must start educating their children about sa mga protection and sex transmitted diseases"
Sa wakas natapos rin s'yang mag-discuss.
"Buti naman natapos kana. Daig mo pa ang nanay ko!" Pang-iirap ni Liam kay Mika.
Huminto muli sa paglalakad si Mika at humarap sa'kin. Daig niya pa talaga ang Mama ko sa panenermon.
"Hoy ikaw." Panunuro niya kay Ralph. "May nangyari na ba sa inyo ng ibang babae mo dati or whatsoever?"
YOU ARE READING
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...
