Chapter 4

33 22 12
                                        

"So tayong dalawa nalang sa bahay niyo n'yan?" Tanong ni Ralph sa akin habang patuloy kami sa paglalakad patungo ng bahay.


"Yes. May internship sina ate at kuya sa summer kaya tayo lang n'yan. Marunong naman ako mag-luto don't worry."


Shitt! Bakit lumabas yun sa bibig ko?! Hindi naman ako marunong magluto. Siguro kaya ko naman magluto ng itlog at saka hotdog.


"Talaga?!" Puno nang pagkamanga ang pagmumukha niya. Nais ko na tuloy bawiin ang sinabi ko. "Anong kaya mong lutuin?"


"Um... Hotdog."


He chuckled a bit and I felt a void of embrassment through my veins. Ang feelingera ko naman.


"Ano ba!" Paghampas ko sa kanya ng maliit kong bag. "Hindi ako tinuruan eh!"


"Marunong naman ako. Kapampangan ang mga magulang ko." He proudly said as though galing s'ya sa pamilya ng mga maharlika.


"So?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. I can't see the connection between being kapampangan and pagluluto. "Anong relate?"

"Hindi mo alam?!"


"Alam ang ano?!"


"Kala ko ikaw ang pinakamatalino sa klase." Sabi n'ya na bahagyang natatawa.


"Siguro... Pero hindi ako google para malaman lahat noh!"


"Pampanga is the the culinary capital of the Phillipines." Proud na proud n'yang sabi. "Basta Kapampangan, Manyaman!


"Huh?" Hindi ko naiintindihan ang huling salitang binitawan n'ya. Basta kapampangan mayaman? But I was sure it wasn't Mayaman, it was Manyaman. I assume na salita ito sa dialect nila.


"Manyaman is kapampangan for Masarap. So kapag gawang kapampangan, siguradong masarap 'yan."


"Oh... Okay."


Na-gets ko na ang ibig n'ya sabihin. At least may bagong word na akong nalalaman ngayon.


"At isa pa"

"Ano?"

"Basta kapampangan, masarap yan."

Nakuha ko agad ang pinapahiwatig n'ya kaya hinampas ko ulit s'ya ng bag ko.

"Bolero." Sabi ko sabay inirapan s'ya.

"Masarap naman talaga ako- Aray!" Nahampas na naman ulit s'ya ng munti kong bag.


Marami akong natutunan sa kanya sa araw na 'to. Una, wala na s'yang magulang, pang-abuso ang mga kamag-anak niya sa Pampanga at matalino't mabait s'ya. Gago din nga lang.



*****

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now