Sinalubong kami roon tatlong katulong na s'yang umalalay sa 'kin at ang iba ay nagbuhat ng mga gamit ko.

Naging kampante naman ako sa mga susunod na araw. Tuwing gabi lang kami nagkikita ni Kiel dahil sa trabaho niya pero mas okay na 'yon dahil kumukulo ang dugo ko sa bawa't  pagtingin ko sa pagmumukha niya.

Mika: Bacolod next week, wanna come? Yes or yes?

Napatitig ako sa text ni Mika at nagdadalawang isip pa. Siyempre kailangan ko pa rin magpaalam kay Kiel dahil na sa poder n'ya nga ako.

Mahirap man bigkasin pero kailangan kong tanggapin na fiancè ang tamang tawag ko sa kaniya.

Nangibabaw pa rin sa 'kin ang kagustuhang umalis sa pamamahay n'ya at mag-bakasyon ng saglit dahil nagsasawa na rin ako sa pilyo n'yang ngiti.

Cesca: I'll think about it

Mika: Sige na! Matatakasan mo naman 'yong "fiance" mo

Binigyan ako ng panginginig mula sa buto nang mabasa ko ang salitang 'yon.

Cesca: Di ba may aswang daw dun?

Mika: Hahaha, so funny, basta pumunta ka, para naman magkaroon rin ng bruha sa Bacolod

Inirapan ko ang message niya at ibinababa ang cellphone ko.

Matapos ang halos isang oras na pakikipagtalo kay Kiel, pumayag naman siya.

Ang ikinaiinis ko lang ay gusto niyang sumama. Kaya nga gustong magbakasyon ng tao dahil sa kaniya, susunod pa s'ya. Parang buntot!

***

Humahalakhak na hinampas ako ni Mika pagdating namin sa isang restaurant malapit sa airport sa ang Bacolod.

Binibigyan niya ako ng may nang-aasar na ngiti habang patuloy sa pag-order si Kiel.

Nang dumating ang pagkain sa hapag namin ay ikinadismaya ko ito.

Masyado akong naglaway sa masasarap na mga putahe na nasa hapag ng mga kalapit-lamesa namin.

Sino bang hindi madidismaya kung ang nasa harapan mo chopsuey, pinakbet at iba pang putaheng puro gulay. At susmaryosep! May ampalaya!

Sumimangot ako at sumandok ng ulam. Inihiwalay ko ang mga ampalaya sa ibang gulay na kasama ng pinakbet pero dinagdagan naman ito ni Kiel.

"Eat it." Pagpupumilit niya.

Binigyan ko s'ya ng tingin na gusto ko na talaga manaksak ng tao pero wala pa rin akong option. Sa huli, kailangan kong kainin 'to para 'di magmukhang spoiled brat sa harap ng pamilya ni Mika.

Napagdesisyunan namin ni Mika na gumala muna bago magtungo sa seaside hotel kung saan kami Naka check-in.

Naalis ako sa mga samu't saring mga produkto na itinitinda sa gilid ng mga kalsada pero mayroon isa na nakapagnakaw ng atensiyon ko.

Mayroong naka-display na parang tali na hindi ko alam pero may kamahalan ito. Double o triple pa 'ata sa regular na tali.

Dulot ng kuryusidad, hindi na ako nagdalawang isip pang tanungin kung ano 'yon. Weird eh!

O 'di kaya sadyang mahal lang talaga ang mga panalo dito. Baka magnegosyo ako ng ganoong tali ng 'di oras.

"Buntot ng pagi po 'yan ma'am." Saad nung kasamahan ng tinanong ko dahil mukhang 'di s'ya marunong magtagalog.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now