My meetings with Kiel was now frequent, kinakausap ko s'ya casually dahil hindi naman matutuloy ang plano ni Papa dahil sooner or later magiging halata na ang pagbubuntis ko.

"So, hindi na kayo ng kapatid ko?" Tanong ni Kiel habang naglalakad kami sa isang parke kung saan iniwan kami ng mga tatay namin.

Hindi ako tumugon at dahil doon, tumawa s'ya ng bahagya.

"I knew it." He chuckled. "Not a single girl will last with that filthy idiot."

Kahit kumukulo ang dugo ko ay hindi ko s'ya magawang sampalin dahil baka mapalayas ako ni Papa ng wala pa sa oras.

"So." His tone change, from arrogance, it turned sweet. "Do you like me?"

"Sorry?" Gulat kung tanong at kunwaring hindi ko narinig ang sinabi niya kahit kuhang-kuha ko 'yon.

"I said, do you like me?" he repeated. "Kasi kung ayaw mo ako, you won't be here. Panglimang beses na natin 'tong pagkikita and I know I'm irresistible."

His tone was joking but I was certain what he meant.

"I like you, you know?" Napatigil ako sa sinabi n'ya.

Kiel, sa totoo lang alam kong kapatid ka ni Ralph pero gustong-gusto na kitang sampalin.

Magsasalita na sana ako kaso tila may biglang sumipa sa sikmura ko dahilan para tumakbo ako malapit na puno at doon nagsuka.

Tang-ina kailan pa matatapos 'to?

My headaches and dizziness became often kaya mas pinipili ko nang magstay sa bahay kaso lang pinipilit ako ni Papa na kitain si Kiel.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.

"Oo, okay na okay lang ako." Sarkastiko king sabi sabay pinunasan ng panyo ang mga labi ko. "Mukha ba 'kong okay?!"

"May sakit kaba?" Nauutal niyang sabi noong tinaasan ko s'ya ng boses.

"Wala." Pagpapanggap ko. "Baka may something lang sa kinain natin."

"Parehas lang ang kinain natin, 'di naman ako nagsuka o sinakitan ng tiyan. Dalhin nalang kaya kita sa ospital?"

"No." Seryoso kong sabi. "I'm fine. Ihatid mo nalang ako pauwi."

Agad na akong pumasok ng bahay pagka-uwi at 'di nagpaalam sa kaniya.

Nagpahinga na ako sa kuwarto ko't natulog. Wala rin naman akong iba pang magagawa dahil ako lang mag-isa dahil nagsimula na ang internship ni Ralph last two weeks.

Madilim na nang magising ako at una kong nasinghot ang masarap ng amoy ng niluluto sa baba.

Kumakain na sila Papa nang bumaba ako roon pero ang lubos kong napansin ay ang bakanteng upuan ni Ralph.

Umupo ako sa upuan ko at kumain. Buti nalang healthy ang nakahain sa hapag ngayon.

Base sa ekspresyon ng mukha ni Papa, hindi maganda ang timpla niya kaya hinayaan ko na muna siya.

Iba ang lasa ng ulam ngayon. I felt a rush of nostalgia nang matikman ko ito. Hindi 'to kay Ralph at lalong lalo na hindi luto ni Mama at ni Papa.

Tahimik kaming kumain at walang imikan pero nagsalita si Mama.

"Francesca, lumalaki yata ang kain mo ngayon ah." Nakangiting sabi ni Mama at ngayon ko na rin napansin na mauubos ko na pala ang ulam na nasa hapag.

"Hayaan mo na ang bata." Tugon ni Papa. "Kamusta na kayo ng anak ni Greg?"

"Okay naman po." Sabi ko. "Umamin po siyang may gusto siya sa 'kin kanina."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Papa at nagkaroon ng bahagyang pag-ngiti sa mga labi n'ya.

"So?" Ngumisi s'ya. "Anong ginawa mo?"

"Wala lang po." I simple said at wala naman siyang puna sa ginawa ko.

"That's good." Binalik n'ya ang tugon niya sa plato n'ya.

"Pa saan pala si Ralph?" I didn't hesitate to ask. Determinado na akong tanungin kung nasaan siya ngayon dahil palagi naman siyang sumasabay  sa 'min sa pagkain.

Hindi tumugon si Papa o tumingin man lang sa 'kin pero rinig na rinig ko ang bulong niya sa sarili n'ya. "Walang kwentang traydor."

Hindi na ako umimik pa hanggang tuluyan ng umakyat ang mga magulang ko papuntang kuwarto nila.

Nagtungo agad ako ng kusina at nakita ang tao 'di ko inaakalang makikita ko uli.

Si Manang Liz.

Siya ang dati naming kasambahay at ang nag-alaga sa 'kin noon. Nag-resign s'ya noong mga sampung taong gulang pa lang ako.

Bigla akong napayakap sa kanya habang naglilinis pa s'ya ng kusina.

"Kailan po kayo dumating?" Masaya kong tanong.

"Kaninang 12 pa ng tanghali." Masaya niyang sabi at umupo kami. "Narinig kita dumating kaso lang agad kang umakyat ng kuwarto mo kaya hinayaan na kita."

Pumasok sa isip ko na baka nakita n'ya rin si Ralph at alam niya saan ito nagpunta.

"Manang, may nakita po ba kayong lalaki rito, mga ka-edad ko po?" Nagbabakasakali kong tanong.

"Ah, ayun. 'Yon bang umalis kanina? Yung sinigawan ng papa mo?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano pong nangyari?" Nag-iba ang tono ng boses ko.

"Nag-away 'ata sila tungkol sa ospital, anak." Mahina ngunit naguguluhan niyang sabi marahil siguro hindi si'ya sigurado.

"Ang narinig ko lang" pagpapatuloy n'ya. "May ninakaw ata 'yong binata sa ospital. Bagong medisina yata at ibinenta daw sa kalabang ospital. 'Yan lang ang narinig ko anak."

Unti-unting namumuo ang mga luha sa 'king mga mata at agad din naman 'tong napansin ni Manang Liz.

"May problema ba anak?" Nag-aalalang tanong niya.

"Wala po." Pagsisinungaling ko pero naging traydor ang boses ko.

"P'wede mo namang sabihin sa 'kin, walang lalabas, kilala mo naman ako." Saad n'ya.

Alam kong hinding-hindi magsusumbong si Manang Liz at dahil doon napagdesisyunan kong sabihin sa kanya ang dala kong problema.

"Jusmiyo! Buntis ka? At 'yong hardinero 'yong tatay?" Gulat n'ya sabi at napagtango na lamang ako.

"Kailangan mong sabihin sa pamilya mo 'to anak. Paano mabubuhay 'yang nasa sinapupunan mo?" Napasapo na lamang s'ya sa noo. "Ikaw naman ang magdidisisyon, osya, maglilinis muna ako. Mag-isip-isip ka muna."

Tumayo na s'ya at iniwan akong mag-isa sa lamesa. Ilang segundo akong napatulala bago magtungo sa kuwarto ni Ralph.

The room was deserted. Walang kahit anong bagay na kanya ang naiwan. It's like he never lived here. It's like he never existed.

Napaupo nalang ako sa kama at tuluyan ng lumuha habang itinapon ko kung saan saan ang mga bagay na naabot ng kamay ko.

Wala na s'ya. He left without saying goodbye. He broke his promises.

Madaming mga bagay ang tumakbo sa isipan ko pero isang bagay lang ang sinapal ako.

Putang-ina, paano ako mabubuhay?

Saan ako tatakbo. Hindi ko pwedeng itago 'yong dinadala ko lalong-lalo na unti-unti nang lumalaki ang tiyan ko.

Kahit anong iyak ko, I can't change the fact that he's gone.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя