Nanginginig pa ako hanggang pagbalik namin sa room ni Liam kaya naman si Mika na ang naghatid sa 'kin . Pag-uwi ko ay sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Ralph pero tinignan ko lang s'ya at patuloy sa paglalakad.

I wasn't yet ready to receive the reaction he might have when I tell him.

Naupo ako at napatulala. The living room was deserted kaya inilabas ko ang mga luha ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko naman 'tong tinignan.

Papa: Cesca, 'di kami uuwi ng Mama mo, andyan naman si Kuya Austin mo

Bago ako maka-reply, I was halted by a voice that spoke infront of me.

"Y-yeah." I lied, habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

He was not convinced that I was fine kaya nagpalit ang ekspresyon ng mukha niya but he gave a weak smilem

"Magluluto nalang ako ng dinner pagkatapos kong diligan yung mga halaman-"

"Ako na." I faked a smile.

I took out some vegetables from the refrigerator, pinili ko 'yong mga gulay na ibinilin sa 'king kainin ng doktor dahil maganda daw 'yon para sa kalusugan ng nasa sinapupunan ko.

The more I think of it, the more I weep. Kaya bago pa ko makapagsimulang maghiwa ng karne ang rumagasa uli ang mga luha ko.

"You're not fine." Ralph whispered and I could feel his breath brushing on my neck. "Iwan mo na 'yan. Ako na d'yan."

Binitawan ko ang kutsilyo and hinawakan ang mga kamay n'yang nakalapat sa bewang at tiyanan ko.

"Ralph." I was struggling to utter the next words kaya hindi ko natuloy ang sinasabi ko.

"I know." He whispered. "Kinuwento ni Mika lahat."

I turned to him and sobbed into his arms.

"A-anong gagawin natin?" Mahina kong tanong.

"I'll think of a way, okay?" His reassurance was very convincing. "Aalis tayo if gusto mo, I'll give everything up for both of you."

"Pero-"

"Shh." He made me hush as I intend to speak. "Think positive... Magiging tatay na ako."

His forced himself to smile as he utter those words pero halata pa rin ang pag-aalala niya.

Nilutuan niya ako ng beef broccoli na masyado kong nagustuhan kaya mahigit kalahati nito ang nakain ko.

Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko matapos kong masabi ang mga salitang 'yon pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala. Lalo na sa plano naming umalis.

I was terribly attacked by anxiety kaya kung ano-anong mga masasamang bagay na posibleng mangyari na ang naiisip ko.

After eating, agad na akong pinatulog ni Ralph dahil 'di raw maganda para sa 'kin ang magpuyat.

Tumitig ako sa kisame ng kuwarto ko at hindi alam kung matutuwa ba ako o hindi.

My dreams was in reach. Nahawakan ko na sana ang mga pangarap ko pero hindi ako kumapit kaya nadulas 'to.

'Tang-ina buntis ako.

The next few weeks were perfectly normal. Hindi naman napansin nila Papa at ni Mama ang paglakas ng kain ko't biglaan kong pagkatamad.

Wala na akong ibang ginagawa kung hindi humikayat buong araw at kumain.

I was glad Ralph was always there. Sa tuwing may gusto akong kainin ay kaagad naman siyang nagluluto.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now