C15: Last Day of Vacation • Tan-Tan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sorry. Na-excite lang kasi ako," tatawa-tawang paumanhin niya.

"Mukhang wala na akong magagawa." Inilagay ko ang isang braso ko sa likod niya at binuhat siya — lover's carry style.

"Ibaba mo ako, Tan-Tan! Kaya ko naman maglakad, eh."

"Hindi! Bubuhatin kita, sa ayaw mo't sa gusto. Baka madapa ka na naman kasi."

"Huwag na! Nakakahiya!"

Aliw na aliw kong tinitigan ang namumula niyang mukha. Pilit niya itong itinago gamit ang dalawa niyang palad pero bigo siya.

"Kumapit ka nalang mabuti."

Napakapit siya nang mahigpit sa leeg ko nang magsimula akong tumakbo papunta sa malaking bato. Lalong humigpit ang kapit niya nang tumalon kami sa tubig.

"Tan-Tan!" Mabilis na napayakap sa'kin si Ren pagkaahon ng mukha niya sa tubig. Tatawa-tawa kong tinapik-tapik ang likod niya. Mukha kasing natakot ko siya sa ginawa kong pagtalon.

"Kuya, magdahan-dahan ka lang naman kay Ren. Baka nakakalimutan mo, buntis 'yan," suway sa'kin ni Ru-Ru.

"Hindi ko naman nakakalimutan iyon. Mababa lang naman ang tinalon namin."

"Nagpapaalala lang," sabay langoy niya pabalik sa pwesto ng nobyo niya.

Dahan-dahan akong lumangoy nang nakayakap pa rin sa'kin si Ren. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa kabila ng malamig na tubig-dagat na bumabalot sa'aming dalawa. Habang yakap-yakap ang baywang niya, dinala ko siya sa may kalalimang parte ng dagat.

Bahagya ko siyang inilayo sa'kin at iniangat ang kanyang mukha.

"I want to show you something, Ren. Will you trust me?"

Sandaling tumitig sa'kin ang mga bilugang mata ni Ren. Those dark eyes are enough to make me feel drowning — drowning from my feelings for her.

Walang salitang namutawi sa kanyang bibig at tanging isang ngiti at marahang pagtango lamang ang nagbigay sa'kin ng hudyat ng kanyang pagpayag.

Bumaba ang aking kamay mula sa kanyang baba papunta sa kanyang kamay. Maingat ko siyang dinala sa ilalim ng dagat. Kasabay ang mangilan-ngilang maliliit na isda ay sumisid kami upang mapalapit sa naggagandahang koral.

Sa paglalim ng aming paglangoy ay muli ko siyang hinigit sa baywang. Yakap-yakap ang kanyang katawan ay itinuro ko sa kanya ang nais kong ipakita — ang starfish valley.

Habang manghang-mangha si Ren sa dami ng nakikitang starfish at makukulay na isda, sa kanya naman natuon ang atensyon ko. Kumikinang ang mga mata ni Ren sa ilalim ng dagat. Para siyang isang magandang sirenang nakikipagsayaw sa mga isdang umiikot sa kanya.

Nang mauubusan na ng hininga si Ren ay inaya na niya akong lumangoy pataas.

Wari'y isang mahiwagang nilalang ni Ren habang pinagmamasdan ko siya lumangoy at tumatama sa kanya ang liwanag ng araw.

"Tan-Tan, salamat! Hinding-hindi ko makakalimutan ang nakita ko kanina!" sabi niya nang makaahon kami sa dalampasigan para magpahinga.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko mula pa kanina. Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti. "You're welcome."

Ako rin. Hindi rin iyon mawawala sa alaala ko — ang imahe mo sa dagat.


My Accidental FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon