Isa si Spade sa pinaghihinalaan ko at gagawin ko ang lahat para malaman kung ano ba ang parte niya sa lahat ng ito. Bago ako lumabas ng classroom, nakita kong nilapitan niya si Sandria na kausap ang presidente ng klase, yung Raphael at itinuro ako. Hinintay ko sila sa labas at pagkarating nila ay naglakad kami ng palabas ng building. Sa school grounds kung saan walang tao dahil sa patuloy pa rin ang klase.

"Oy, Tuna. Magsalita ka. Ano?" 

Parang pakiramdam ko, manliliit ako sa sasabihin ko. Patuloy akong umiiwas sa mga titig nilang dalawa. Tama naman ito. Kailangan ko talaga. Ngunit paano ko sasabihin na hindi nahahalata na naninibago ako sa gagawin ko?

"Tinatanggap mo na ba yung alok namin?" wika ni Sandria na labis kong ikinagulat. Tama. Buti, sinabi niya. "Ano ba namang tingin yan? May balak ka bang magpaulan ng bala?" sabat na naman ni Spade. Hindi ko siya pinansin bagkus ay tumango ako kay Sandria.

"Bakit naman nag-iba ang desisyon mo? Parang dati sinabi mo na hindi mo kailangan ng kasama?" tanong ni Sandria. Napatingin ako kay Spade. Hindi ko naman pupwedeng sabihin na habang tinutulungan nila akong malaman ang lahat ay magagamit ko rin tong pagkakataon na ito para mag-imbestiga tungkol kay Spade. Dahil siya talaga ang nasa isipan ko bukod kay Sapphire.

Hindi pwede.

"Gusto ko lang. Pwede namang magbago ang isipan ng tao diba?" tuloy tuloy kong sinabi sa kanila. Umalis si Spade sa pinagsasandalan niyang pader at lumapit sa akin. Napaatras ako nang inilapit niya ang ulo niya sa mukha ko.

"May balak ka no?" seryoso niyang sinabi. Bigla akong kinabahan. Kung siya ang pumapatay baka malaman niya. "Pero di bale, wala naman akong paki. Basta may magawa lang akong interesting dito." Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya.

Nakahinga ako nang maluwag.

"So, saan tayo magsisimula?" tanong ko sa kanila. "Ah." Sabi ko nang may naalala ako. Muli silang tumingin sa akin. "Magsimula tayo kay Hanako." Nabigla ako ng umiling si Sandria. Tinignan ko siya nang masama. Anong ibig sabihin niya?

"Magsimula tayo rito." Tinignan niya ang building pati rin ang ibang lugar dito sa loob ng Academy. "Sa Laketon Academy." Muli niyang sinabi. Nagtanong si Spade kung bakit na sinagot naman agad ni Sandria. "Madami akong naririnig na balita tungkol dito. Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako." Tumingin siya sa gilid ng high school building kung saan nakatayo ang isang maliit na bahay... parang bodega ngunit hiwalay sa building. "Punishment room ang tawag diyan. Noong 1990's, diyan kinukulong ang mga high school students na may ginawang mali o labag sa rules ng school. Parang detention room. May katumbas na oras ang bawat pagkakamali at sa kasamaang palad, ang ibang nakukulong diyan ay namamatay."

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Mukhang mali ang alam nilang pagdidisiplina dati sa mga bata.  Magsasalita sana ako nang nagwika muli si Sandria.

"At marami ring nagsasabi na, maraming sikretong kwarto rito sa Laketon Academy. May sikretong labasan at papasok sa loob ng Academy ngunit hindi ko alam kung saan. May isang room sa high school building na hindi na ginamit mula noong may namatay na tatlong estudyante. Chop chop ang mga katawan nang matagpuan iyon ng mga estudyante. Matagal na nanyari, mula pa noong 1995." Tumingin siya muli sa amin ni Spade. "Maraming sikreto ang eskwelahan na ito at iyon ang una nating kailangang malaman."

Napakaraming alam ni Sandria. Ayaw kong magtaka ngunit may kung ano sa akin na nag-iisip na maaring isa siya. Ngunit hindi ko dapat siya pagbintangan dahil lang sa marami siyang alam. Mali.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon