"Kala ni tita Muriel." Pagpapatuloy n'ya. "Sa 'min s'ya pupunta kasi alas tres pa raw s'ya lumayas pero wala pa rin. So I texted you pero mukhang busy ka 'ata sa kasi "SocMed break" ka raw at the moment. I'll update you nalang about sa kanya pero if ever tulungan mo rin kaming maghanap."

Magrereply na sana ako nang biglang bumakas ang kuwarto ko. Nakatayo roon si Dad ng may nakangiting mukha.

Minsan lang naman s'ya ganito kaya pumasok agad sa isipan ko na baka may gusto lang ipagawang pabor 'to.

"Cesca, anak." Panimula niya sabay upo sa kama ko. "Kamusta Kana?"

I never expected that question from him. Half of my life I was used to the question "kamusta ang mga grades mo?".

For a split of a second, I was flattered pero nangingibabaw pa rin ang intuition ko na may gusto talaga s'ya ipagawa.

"Fine." Maikli kong tugon.

"For sure naiingit ka kay Ralphael kasi binigyan ko s'yang pagkakataon na mag-intern sa 'min." Saad n'ya.

"No." I truthfully replied. "Not at all."

"Pero gusto mo tumulong para sa legacy ng Ospital at ng pamilya natin."

"Yeah." I lied.

Never kong ginustong mag-ambag sa Ospital na 'yon at lalong lalo na ang buhatin ang mabigat na pangalan ng pamilya namin.

He grabbed my hands by the palm at hinawakan ito ng mahigpit. I turned to his eyes and it was telling something to mine. It was pleading.

"I just want to ask a favor." Mahina n'yang sabi.

Sabi ko na nga ba! Hindi magiging sweet 'to sa 'kin kung wala s'ya hihingin. Mga user ng ba naman.

"It is actually really big." Pagpapatuloy n'ya. "But not that hard."

Tinaasan ko s'ya ng kilay habang nag-iisip ng p'wede kong hingin sa kanya bilang kapalit. "So what do I get in return."

"I'll help you become a singer."

My eyes widened of what I just heard. It was like a dream that is just a few steps away knowing na maraming p'wedeng gamitin na connections si Papa sa iba't ibang industriya para gawin lang akong ganap at tanyag na singer.

"You're joking, right?" I chuckled but his expression remained the same.

"No." Tugon niya. "I'm a man of my words Cesca, if it takes a lot of strings to pull to make you the best, I'll do it. Even if it takes a lot of money, I'll give it if you agree with the deal.

The "deal" didn't sound that good. Tutol na tutol si Papa sa dating pinipili kong career at ngayon ay go na go na s'ya. Mukhang mahirap talaga ang ipapagawa n'ya sa 'kin.

"What is it?" Excited kong tanong na may kahalong takot.

"It's quite big." Nakangiti n'yang saad. "but very simple."

"BLA BLA BLA" I said stubbornly. "Alam ayaw ko yung ang dami pang dada Pa, just get to the point!"

"I want you to date someone... Well flirt ang mas maayos na salita." Saad niya.

Napatulala ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Well, I'll give you time to consider." Saad niya sabay tayo mula sa pagkakaupo sa kama ko. "But you'll meet him tomorrow at dinner, kasama ako of course. Goodnight Francesca."

Lumabas s'ya ng kuwarto at isinara na ang pinto. Napataklob na lang ako sa kumot at iniisip kung tama bang tanggapin ko ang offer ni Papa.

It was an offer na once in 1000 years lang lumalabas sa bibig ni Papa pero ang una talagang sumagi sa isip ko'y si Ralph.

I need to ask him first before making a decision.

I immersed my self into deep considerations and brainstorming negative probabilities.

Magiging selfish ako kung uunahin ko ang sarili ko.

It's your dream!

Masasaktan ko si Ralph.

It's your dream!

Paano pag 'di ako sumikat?

It's your dream, kaya mo 'yan!

HINDI ako makapaniwalang minungkahi ni Ralph na pumayag ako. Walang bakas ng selos o kung ano man ang mukha niya. He was perfectly happy. Happier than me, actually.

Napag-isipan naming na patuloy lang kami sa kung ano'ng mayroon kami kahit nilalandi ko 'yong kung sino man.

We had our points. I maybe dating the other boy, ginagawa ko lang naman 'yon para sa ospital at sa pamilya ko at wala naman kaming pagtingin sa isa't isa. Si Ralph pa rin naman ang tinitibok ng puso ko.

Napagplanuhan rin namin na kapag sumikat na ako —kung sakali man, I'll ditch the boy and run away with Ralph.

Mukhang matagal pa at mukhang impossible pero tiwala pa rin naman akong gagana ang planong 'yon.

I spent all day with Ralph dahil nasa trabaho sina Papa. Kumain lang kami ng buong araw, no more, no less.

I dressed myself elegantly dahil 'yon ang utos ni Papa. I wore a red knee-length dress and bejeweled myself with my mom's sparkling jewelries. Mabigat lang nga sa leeg.

As planned and agreed, sinundo ako ni Papa bago mag 5 PM. I wasn't feeling that good. Nahihilo ako na ewan at parang gusto ko nang magsuko. Tingin ko dahil 'to sa nakain ko, damn!

"You look stunning." Saad ni Papa nang makasakay sa ako.

"Yeah, I know."

Hindi naman kalayuan ang lugar kaya ilang minuto lang ang byahe. Bumungad ako ng elegante at mukhang mamahalin na restaurant. Mukhang mas mamahalin pa sa lahat ng mga pinagkainan ko noon.

As I entered, una kong napansin ang kumikislap na chandelier sa gitna. Lahat rin ng mga tao dito ay naka-suit at ang mga kababaihan ang nakasuot ng naggagandahang mga damit and designer bags.

May mag-reserve na si Papa na lamesa kaya diretso na kami upo at nag-order.

"Don't worry, Arthur, I'm going to pay. Mag-order kayo ng kahit anong gusto niyo - Oh hello young lady, you must be... Francheska, right?" Tanong ng na tuxedong lalaki sabay upo.

"Gregorio de Mariano." Inabot niya ang mga kamay niya at nakipag kamay sa 'kin. "CEO of St. Peter's Medical Center."

St. Peter's Medical Center was the leading hospital in the country at sa pagkakaalam ko, marami na silang gamot na nagawa na nakatulong sa maraming sakit kaya kilalang kilala talaga ang ospital na 'yon.

Front Med — our hospital comes second to St Peter kaya naiintindihan ko kung bakit kailangan talaga ni Papang bumuo ng connections sa mga pamilya namin. Pero bakit ako pa?

"My son will be here any moment, may operation kasi kanina at s'ya ang umasikaso." Nakangiti n'yang sabi at napagtanto ko na parang may lahing Kastila si Sir Gregorio.

Ipinasa sa 'kin ng waiter ang atensyon niya at hingi ang mga order ko. Kaunti lang ang sa 'kin dulot siguro sa pagkahiya lalo na't si Sir Gregorio pa ang magbabayad.

"Hola, Papa." Saad ng pamilyar na boses sa gilid ko.

I started to look at him from his foot and up. He was well dressed. Napakaganda ng suot niya at maganda rin ang pangangatawan.

I turned to his face and our eyes met. I was petrified. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig.

It was Kiel. Ezekiel De Mariano.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora