Mr. Besprend: Yiee ⅓ na yan AHHAHAAH.

Nung una, naguguluhan ako sa sinasabi niya. I can't recall something in regards with ⅓. Sa dinami-dami ng punyetang equations sa math ineexpect n'ya maiintindihan ko ang meaning n'yan?

I blushed in a sudden nung maalala ko nung nakwekwentuhan kami habang palabas ng gate noong grade 9 pa lang.

"Ilang anak gusto mo Cesca?" Out of nowhere na tanong ni Liam sabay tawa. "Feel ko sampu o baka bente pa nga eh. Sino kayang tatay?"

"Gaga!" Sabi ko sabay hampas sa balikat n'ya. "Di ako pusa 'no! Mga tatlo lang siguro, dalawang lalaki tas isang babae."

Ms. Watered: Gaga

Mr. Besprend: Ge, ge di ko na kayo iistorbohin. Wishing you the best night of fuck ever! Love you! Belated happy birthday.

I just rolled my eyes at ibinalik nalang ang tingin sa ngayo'y umuulan na daan. As I do so, unti-unti pumukit ng kusa ang mga mata ko.

I woke up on a white bed in beautiful room na may kalakihan. The room was luxurious at maraming maliliit na painting ang mga nakasabit sa mga pader nito. There was also a bathroom na nakikita ko dahil bukas ito.

I turned to the leather coated sofa. Nag-expect akong si Ralph ang natutulog pero napansin ko agad na nakahiga lang pala s'ya doon habang nagso-scroll.

Tumayo ako sa mula pagkaka-upo sa kama at naglakad patungo sa kanya. I realized na ang guwapo niya pa rin palang tignan kahit nakahiga at nakatalikod. Pero bakit parang naging mas maputi ng kunti ang balat n'ya?

Ipinatong ko sa balikat n'ya ang panga ko sabay yakap sa kanya mula sa likuran. Napansin ko agad na ang tinitignan niya sa IG ay mga sexy na hottie na mga babaeng nakasuot ng bikini!

Bago pa man ako makapagsalita agad niya akong itinulak palayo. As I turned back to him. Hindi pala si Ralph ang niyakap ko kung 'di si Kiel. Shit.

Namula ako sa kahihiyan nang magkabangga ang mga mata namin. Kahit kailan at kahit saan kahihiyan talaga ang mga ginagawa ko.

"THE FUCK?!" He cursed giving me an up and down stare. "Parang tanga-"

"L-let me explain" nauutal pero confident kong sabi. "I was under the impression that you were Ralph, kaya niyakap kita. And what's the big deal?! It was just like 1.55 seconds. Teka, bakit pala nandito?"

"'Di ba 'ko pwede dito?" Taas kilay niyang tanong. "As far as I know, I own this beach house."

"Eh, ito na 'yon?! Wala ngang kusina eh!" Tugon ko habang muling sinusuri ang beach house n'ya raw na parang simpleng kuwarto lang na may pa lamesa lamesa lang at isang sofa.

"Don't be stupid." He snapped. "Nasa isang kuwarto ka lang ng bahay ko."

"Eh, ba't ka nandito?" Tanong ko nang may pagdududa sa kalakilaki ng bahay niya ba't dito pa s'ya sa kuwarto kung saaan ako natutulog nag-stay.

"I was expecting a question kung bakit ka nandito." Nilagyan niya ng emphasis ang salitang ka dahilan para tanungin ko rin ang sarili ko. Bakit nga ba ako nandito?

"Sabi ng boyfriend mo, bantayan raw kita dito. I was just following orders from my dearest brother. Dahil bibili raw s'ya ng... hindi mo na dapat malaman"

"Nasaan ba kasi tayo?" Tanong ko habang inaayos ang magulo kong buhok. Salamat na lang kahit papano hindi naman ako nagmukhang white lady sa ka chakahah dahil yun nalang ang kulang para nagmukha ako dahil sa puting dress na suot ko.

"Pangasinan." Makli n'ya tugon. "Bolinao, Panggasinan."

"Talaga?!" Excited kong sabi. I never been here pero gustong gusto kk talaga makarating rito. I dagdag mo pa na malapit lang 'to sa hundred Islands. "Malapit lang tayo sa hundred islands, 'di ba."

"No." He said, coldly. "Dalawa o tatlong bayan pa 'yon."

"So malapit lang tayo sa beach?!" Masaya kong tanong.

It's been ages since last akong naligo sa dagat. Mga 13 years old pa ako noon sa Subic sa Zambales. At 'do ko aakalaing sa Bolinao ko malalasap uli ang hampas ng mga alon.

"It isn't called a beach house for no reason, is it?"

"Yeah, yeah." Sabi ko para hindi mahalata ang pagkahiya ko sa sarili kong kabobohan.

"Suplado." I muttered as he was opening the door.

"Sorry?" Taas kilay niyang sabi.

"Wala."

"By the way, kumain kana, may mga pagkain sa kusina and... I'll give you a... tour." Nakangiti n'yang sabi sabay labas ng kuwarto.

After some moments of helping myself sa masasarap na luto ni Tita ay agad na kaming lumabas Ng bahay.

Sinalubong ako ng magandang dalampasigan na may puting buhangin at malinaw na tubig. Halos alas kuwatro na run kaya sobrang init pa pero hindi ki rin mapigilan ang sarili ko na kumuha ng mga picture dito.

"Huy! Picture-ran mo nga 'ko dito." Tawag ko Kay Kiel na nakatayo Lang at dinadama ang hampas ng mga alon sa paa niya.

"As far as I know, sabi lang ng boyfriend mo na ipasyal lang kita." he said coldly.

Inirapan ko nalang siya at mag-isang nagsumikap para may mapost naman kahit kunti sa IG.

Muli ng pumasok si Kiel sa beach house n'ya raw nang dumating si Ralph.

Naglaro kami na parang bata sa tubig habang at hawak-kamay kaming naglakad sa dalampasigan habang ninanamnam ang magandang tanawin.

We breath the fresh salty air and the sky was a mixture of orange and gold. Para sa 'kin this was a golden scenery I'll always remember.

Pinanood namin ang araw lumubog. I used to hate watching views Kasi tingin ko aksaya lamang 'yon sa oras. I use to say Who like freaking sunsets anyway?

Pero lalamunin ko lang pala ang mga sinabi ko.

Everything went smooth. Dalawang araw lang kami nag-stay sa Bolinao. However, those were two unforgettable days.

Nang umuwi kami sa Pampanga, kasabay na namin si Kiel kaya wala talaga kaming imikan buong byahe.

I spent the rest of the week sa pamilya nina Ralph. Pagsa-shopping lang ang ginawa namin ni Tita Marj. Doon rin kami nagkakasundo. She's got my taste in fashion.

Hindi ko alam kung bakit pero May parte sa 'kin na gustong manatili dito. Iyo ko muna umuwi. Kaya nalungkot ako nung umuwi kami.

I prefer the silent province and the serenity of the white beach rather than the bustling city noise.

Nang narating ko ang kuwarto ko agad naman ako humiga pero hindi nakatulog agad. Maraming pumasok sa isipan ko. Karamihan roon ay tungkol sa college. In the next few weeks, college na 'ko.

My parents has already decided a course for me at wala na akong magagawa roon.

Hindi pa ako pwedeng kunin ng mga kapatid ko dahil wala pa silang sapat na pera para paaralan ako.

Nagdadalawang isip rin ako tungkol sa pag-alis ng bahay dahil for sure hindi ko madadala si Ralph at paniguradong masisira ang future na hinahangad niya.

Dahan-dahan ko nalang isinara ang mga mata ko kahit alam kong May mga problema pang humihingi ng kasagutan.

Sabi nila kailangan natin harapin lahat ng mga problema natin at huwag na huwag tatakasan.

Life was never fair. Kung hindi natin kayang takasan hindi naman haharapin ang tanging opsyon... bakit hindi nalang at least talikuran?

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now