"Sayang naman! Share nalang tayo Pael! Hating kapatid ba!" Sabat uli ng lalaki kanina pero binigyan s'ya ng masungit na tingin ni Ralph at nang Mama niya.

Yung tipong ngiti na nagsasabing Lagot ka sa'kin mamaya.

Ngayon ko lang din napansin na magkahawig pala si Ralph ang Mama niya. Manang-mana niya ang simula buhok hanggang sa bawat detalye ng mukha niya. Para silang magkapatid na malayo ang agwat.

TINULUNGAN ko na si Tita Marj (Marjorie De Mariano) sa paghahanda ng hapunanan namin. Nagluto siya ng samo't samong mga pagkain.

"Ang dami naman po ng inihanda niyo Tita, uuwi po ba ang asawa niyo?" Curious kong tanong kasi sa pagkakaalam ko ako, yung dalawa niyang anak -napag-alaman kong si Gabriel yung lumalandi sa'kin habang Nathaniel naman ang pangalan ng isang tahimik, grabe, halos pinangalan pala sila sa mga anghel, na demonyo naman ang pag-uugali, maliban Nathaniel, mabait at mahinhin siya, para siyang boy version ni Maria Clara.

"Nasa, Pakistan siya ngayon." Nakangiti niyang tugon bahang inililipat sa mga magagarang lalagyan ang mga ulam na galing sa kaldero."

"Ano pong ginagawa n'ya sa Pakistan?" Tanong ko uli habang patuloy s'yang inaalalayan sa paglilipat ng mga ulam.

"May Medical Mission s'ya doon kasama 'yong ibang doktor na galing mamaliking hospital."

Ikinalaki ng mga mata ko ang sinabi n'ya. Sa pagkakaalam ko, nasa Pakistan din sila Papa dahil sa post nila kagabi. Posibleng coincidental lang 'yon at wala sila sa iisang Medical Mission. Hindi ako nagdalawang isip pa na tanungi si Tita Marj.

"Kailan po sila umalis?"

"Mga tatlo at apat buwan na."

Mga mahigit tatlong buwan na rin simula nang lumipad nina Papa papuntang Pakistan. Paniguradong nasa iisang Medical Mission lang din sila.

Pero may tanong na sumagi sa isip ko at mas gumulo dito.

Naging friends kaya sila doon o baka naman nag-feeling superior na naman si Papa at nagiging suplado roon?

Ayon sa mga k'wento ni Tita Marj sa'kin kanina, para namang mabuting tao ang asawa niya. Naalala ko tuloy noong bata pa ako, noong buhay pa si lola. Noong mga panahong sweet pa na tatay si Papa. Noong 'di n'ya pa pasan-pasan ang stress ng hospital na pamana ni Lola.

"Pa, Ma." Tawag ko mula sa malayo dala-dala ang medalya na napanalunan ko mula sa isang patimpalak sa pagsulat ng tula.

Naroon sila sa balkonahe ng bahay at tuwang-tuwa akong sinalubong nang may matamis na ngiti sa mga labi nila. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, agad akong kinuhanan ng mga litrato ni Mama habang buhat-buhat ako ni Papa at nasa gilid ang mga kapatid ko na may ngit rin sa mga labi nila.

'Yon na siguro ang pinakamasayang ala-ala ko. Nagkaroon kami ng munting pagsasalo-salo sa balkonahe, may tiniplang juice at samo't saring mga tinapay.

Pero hindi ko inaakalang 'yon din pala ang huling magandang ala-ala na magagawa ko kasama sila. Hindi ko rin inaasahang kasabay ng kasiyahan namin, iihip rin ang mapait na hangin.

Narinig kong may tumatawag sa cellphone ni Papa nang inilagay ko ang medalya ko sa salas, naka-charge sa saksakang nasa yabi ng isang sofa. Nagmula sa isang unknown number ang tawag pero hindi pa rin ako nagdalawang isip na sagutin ito.

"Sir Tiel." Bungad ng kabilang linya. Boses ito ng lalaki pero hindi ko alam kung kanino. Bago pa lang sa'kin ang boses. "Wala na po si Madam Lei, inatake po siya sa puso kanina at dinala po sa hospital kaso dead on arrival po raw-"

Unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko at hindi ko na panakikinggan pa kung anong sinasabi niya. Dinurog ng puso ko nang malaman kong wala na si Lola.

Lumalakas ang hagolgol ko habang naglalakad ako palabas ng bahay dala-dala ang cellphone ni Papa. Kaagad naman siyang lumapit sa'kin na may nag-aalalang mga mata. Hindi ako naka-imik pa at ibinigay ko nalang ang cellphone.

Inilapit ni Papa ang cellphone sa tenga niya. Same as how I reacted, he burst into tears. Mas malala ang kaniya.

NAGING mas busy at distant si Papa matapos ang araw na inilibing si lola. At first, iniisip ko na dala lang 'yon ng pagluluksa niya at mawawala lang 'yon in a matter of time. But I was mistaken. He got even worse and busier. Our closeness to each other drifted more and more.

"Francesca, start something worth it. Walang kwenta ang pagkanta-kantang 'yan, walang nagtatagumpay d'yan - there are some but not most. You should be studying if I were you. Nkt wasting all these time writing stupid poems or songs or whatsoever.

"Masarap ba 'yong kare-kare Cesca?"

Bumalik ako sa sarili ko nanb marinig ko ang tanong ni Tita.

"Opo" Nakangiti kong sabi. "Sa totoo po, favorite ko po 'to."

Kumakain kami ngayon kasama ang mga anak niya. Kalahati lang ang nagamit namin sa lamesa nila kasj may kahabaan 'yon. Napapaisip tuloy ako na napaka sayang naman if ganito kalaki ang lamesa kung sila-sila lang naman ang kumakain.

"Oh, ako din." Nakangitinb saad ni Tita Marj. "Pati si Kiel, Pael tas si Gab. Allergic kasi si Nath sa mani."

Akala ko noong una na sadyang maarte lamang si Nath sa pagkain. Kaya pala walang kare-kare sa plato n'ya kasi allergic pala s'ya rito. Tanging pasta lamang ang kinakain n'ya. Pero hindi naman siguro excuse 'yon para hindi kumain ng ibang ulam na nasa hapag?

"Ayaw mo bang ipasyal sa Sky Ranch mamaya 'yong girlfriend mo Pael? Maaga pa naman, for sure magugustuhan n'ya doon." Saad muli ni Tita Marj.

I love that call. Gustong gusto ko at curious ako dati sa Sky Ranch at hindi ko aakalain na mararating ko na 'yon ngayon. Pero weird pa rin sa 'kin ang dating ng salitang girlfriend, hindi lang ako sanay sa tawag na 'yon.

AGAD na kaming pinalayas ni Tita Marj sa bahay nila para daw mahaba ang oras namin roon.

Matapos ang halos kalahating oras ng byahe. I was astounded to see a large amusement park with different rides. I never seen a place so lively and energetic before.

Ang nang-akit sa 'kin ng malala ay ang malaking ferris wheel. I want to ride it first.

"So anong gusto mong sakyan dito?" Tanong ni Ralph habang nililigaw ang titig sa mga ilaw ng rides.

"Everything!" Excited kong sabi. "I want to ride everything!"

"Does that everything include riding me?" He said as he smirked darkly.

Inirapan ko nalang s'ya at hinila patungo ng malaking ferris wheel. Ang daming alam, may pa ride-ride pa!

But I won't deny that he made me blush. Cesca, birthday mo ngayon! Tumigil ka! You don't wanna be fucked up!

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now