Binati kami roon ng isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa 50's na pero maganda pa rin ang postura at tindig maging ang balat niya ay parang bata pa. Mama 'yon ni Ralph.

Base sa nakangiti niya pagmumukha, malayo naman siya sa evil step-mother na na-iimagine ko tuwing kinukwento siya ni Ralph sa'kin. Mas mukha pa nga siyang anak ng anghel at Miss Universe. Isa lang ang masasabi ko sa wangis niya, Magandang nilalang.

Katabi niya naman ang dalawang binatilyong siguro edad 15 palang at hula ko iyon ang mga kinukwento ni Ralph sa'kin na mga kapatid niya. Matangkad ang isa at medyo mapayat habang ang isa naman maganda ang pangangatawan at may malawak na dibdib kaso nga lang medyo pandak siya. Minus pogi points.

Napansin ko na kanina pa nakatitig sa'kin ang medyo may kaliitang kapatid ni Ralph na nakatitig pala s'ya sa'kin kanina pa at taas baba ang mga mata niya.

Napaisip tuloy ako kung may dumi ba ako sa damit o may mali sa sinuot ko. O 'di kaya masyado lang mata pobre 'tong mokong na 'to, hindi naman ganoon ka poorita ang suot ko ah?!

Bilang ganti ay tinignan ko rin siya simula ulo hanggang paa nang tumalikod na si Ralph at si tita. Napansin niyang tinititigan ko rin s'ya kaya sa halip na tumalikod siya at sundan ang Mama niya ay humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata sabay kindat.

Napatulala lang ako sa ginawa n'ya. I was litteraly speechless. Nagiging flirty pala s'ya sa'kin at sa tingin ko ay iniisip niyang type ko rin s'ya kasi ginantihan ko ang pagtitig n'ya. Pero walang kang pag-asa sa'kin, hindi naman ako pumapatol sa minor.

Nakakaantig ang mga palamuti nb bahay nila. It was evident na mayaman ang pamilya ng Mama niya. Kirot sa dibdib ko na hindi nila nabigyan ng magandang buhay si Ralph kahit marangya pala ang buhay nila. Sumagi rin sa isip ko ang sinabi ng kuya niya kanina. Paano kaya kung anak talaga sa labas si Ralph.

May magagarang paintings na nakasabit sa dingding, mukhang mahal ang mga 'to kasi sikat ang mga pintor na lumagda sa iba't ibang painting.

"Take a seat." Saad ni Tita ng nakangiting habang inihahanda niya ang tsaa sa table.

Nadama ng p'wet ko ang lambot ng sofa nila kahit ang cover nito'y gawa sa leather. Lulubog pa rin ang p'wet mo.

Inabot niya ang isang tasa ng tsaa sa'kin. Gusto ko sana magreklamo kasi hindi ko gusto ang lasa ng tsaa pero nirespeto ko pa rin naman ito. Sabi nga nila na 'first impression lasts', baka isipin ng Mama ni Ralph na maarte at suplada akong pagkababae.

Unang higop ko palang rito, gusto ko na 'tong iluwa. Matabang siya na may halong pait. Wala bang addtional sugar o 'di kaya palitan nalang ng Milktea?

"It's so nice meeting you... Francheska? Tama ba?"

"Francesca po." Nakangiti kong tugon. Madalas akong nagagalit kapag mali ang pagbigkas ng pangalan ko pero hindi ko naman siguro p'wedeng sabunutan ang nanay ng boyfriend ko. "Cesca nalang ho Tita."

"So, single ka pa ba?" Tanong ng lalaking kumindat sa'kin kanina. Kumindat na naman siya ulit sa'kin sabay kagat sa mga labi niya. Akala niya siguro na ang g'wapo-g'wapo niya, ang sarap niyanb sampalin. Hindi ko nalang siya tinugon at ibinaling uli ang atensyon ko kay Tita.

"Virgin ka pa ba-" Dagdag niya pa pero sinita siya ng Mama niya at binigyan siya ng tingin na nagsasabing mamaya ka sa'kin.

"Sobrang saya ko para sa inyo ni Ralph. Akala ko nga hindi na 'to mag-aasawa 'tong si Pael" Masaya niyang sabi sabay siko sa tagiliran ni Ralph. Mukhang mabait at caring naman talaga ang Mama niya, hindi ko na-iimagine na magagawa niyang iwan ang pamilya niya para sa mas mayamang lalaki.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now