"Shaenella po." Inabot niya sa'kin ang kamay niya at nagkipag-shake hands habang todo ang ngiti niya.

"Well, ako naman si-"

"Frances Torres!" Excited n'yang saad at ikinagulat ko naman, I've never been here pero parang kilalang-kilala na niya ako. "Naka-follow po ako sa Spotify at IG niyo."

Doon ko naalala 'yung mga kanta kong ginawa na nilagay ko sa spotify, kaunti lang ang streams pero 'di ko akalain na may solid fan na pala ako. Matagal na 'yon, mga apat na taon na rin ang nakalipas, mga 15 or 16 palang ako nang kinalimutan ko 'yon. Mga 4 na kanta lang ang naroon at sa palagay ko pangit ang quality kasi ako lang mag-isa ang nag-eedit.

I felt something special. I felt the rare feeling of being appreciated. Dahil sa tuwa bigla kong s'yang nayakap at nagpasalamat.

Kaagad naman akong bumitaw at kumuha agad siya ng isang pirasong papel at ballpen at humingi ng autograph sa'kin.

Ako naman 'tong feelingera, hindi ako magpapatalo, feel na feel ko na para na akong artist ngayon na nanalo sa Grammy's na may milyon milyon ng fans kahit sa totoo ay isa lang.

"Ate, dapat pinagpatuloy niyo pa po, damang-dama ko po 'yung kilig sa mga kanta niyo, 'tas 'yung lungkot po 'dun sa kanta n'yo pong "from afar" " Saad niya at naalala ko tuloy kung para kanino lahat ng mga kanta 'yon. Para kay Harrison. I can't believe that I wrote a song for that bitch.

"Anong IG mo, i-follow back kita." Nakangiti kong saad para ibahin ang topic namin.

Iyo mo ng maalala 'yong mga kantang 'yon kasi para kay Harrison lahat ng mga 'yon.

Nanlaki naman ang mga mata ni Shaenella. Napakahirap naman i-pronounce ng mga pangalan namin. Ang lakas talaga ng mga tama ng mga magulang namin. May pa Francesca pa na p'wede namang simpleng Francheska nalang, may pa Shaenella pa kung p'wedeng Shanella nalang.

Binuksan niya ang Instagram niya at finollow ko naman agad ito.

"Kaibigan niyo po pala si Kuya Ralph?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kilala niya pala si Ralph. S'yempre taga dito s'ya. Masyado namang shunga Cesca!

"Sikat ba s'ya dito?" Curious kong tanong.

"Opo. Actually, schoolmates kami dati, incoming grade 11 po ako. Madami pong nagkakagusto kay Kuya sa school." Kinikilig niya saad.

Gusto ko sanang i-announce sa lahat ng mga nagkakagusto sa kanya na "Sorry girls, I've got the man." at tumawa na parang reyna ng kasamaan.

"Nagpe-perform po s'ya sa mga event dito, minsan siya po 'yong choreographer kaya sikat po talaga siya."

So ganito pala siya ka-famous dito but he didn't bother to tell me. Alam kong hindi modesto o pagkamakapagkumbaba ang nagdahilan dito kasi wala 'yon sa ugali niya. May kasamaan talaga ang ugali ng lalaking iyon.

"Hi Cesca." Bulong sa'kin ni Ralph na nasa likuran ko ngayon kaya muntik akong napatalon sa gulat.

He was holding an average size bouquet ng puting rosas. Mukhang pang patay pero sinabi ko nga pala na puting rosas ang paborito ko. Pero puting-puti kasi ito at 'di n'ya talaga nilagyan ng kahit isang naiibang kulay lang para 'di magmukhang pang patay.

But I was contented. I loved it. Hindi dahil maganda ang pagkadisenyo ng bouquet kun'di ang effort niya na naalala niya pa kahit isang beses ko lang sinabi na gusto ko ang rosas na puti.

Inabot niya ito sa'kin at kaagad ko namang inamoy, kakaiba nga ang amoy ng totoong rosas doon sa mga rose na nakadisenyo sa graduation namin.

Tama nga si ate, medyo amoy pang patay- ano ba Cesca ba't 'yan ang iniisip mo!

Nakikita ko naman sa tabi ko si Shae na parang mas kinikilig pa sa'kin. Parang siya ang binigyang ng bulaklak ah.

Tumingin si Ralph kay Shae at nginitian at kinawayan. "Hi Shae!"

So kilala n'ya nga si Shae. Baka naman ay sikat din si Shae sa school nila because speaking facts, she's undeniably gorgeous. Mas lalao namang namula si Shae at kumaway pabalik kay Ralph.

"Ikaw 'yung bagong President ng Dance Club 'di ba?" Tanong ni Ralph at tanging pagtango lamang ang tugon ni Shae. "Congrats pala and nice meeting you, may pupuntahan pa kasi kami ni Cesca. Kaya we need to go, first time n'ya palang dito kaya ginagala ko s'ya."

Ngumiti lang si Shae at tumalikod na si Ralph. Bago ako sumunod ay hinubad ko ang suot-suot kong silver na bracelet na bigay ni Papa sa'kin. May kamahalan nga ito but it's worth giving to a new friend and a solid fan. Maraming naman akong bracelets sa bahay at isa pa, iyo ko ang disenyo ng bracelet na iyon, it reminds me of someone.

Inabot ko ito kay Shae at napayakap naman siya sa'kin at nagpasalamat. "Chat kita sa IG mamaya."

Mabilis ako kumaripas ng takbo patungo kay Ralph na ngayon ay medyo malayo na. Naglalakad lang siya pero parang tingin ko nadadaig pa ng paglakad niya ang pagtakbo ko. Palibhasa, mga matatangkad nga naman.

Nagpakasawa kami sa mga street food sa labas. Hindi ako pinapayagan ni Papa pero go na go lang, as if naman nakikita niya.

We hit the road again, this time ibang ruta na naman ang binyahe namin. Nagulat lang ako nang pinasok namin ang isang subdivision na puno ng magagara at malalaking mga bahay. Nadaana rin namin ang malaking pool.

Ang dami namang pa-uso, sa village namin walang ka ganyan-ganyan.

Pumarada si Ralph sa harap ng malaking bahay na may malaking bakal na gate. Bumaba kami ng sasakyan at buhat-buhat ni Ralph ang mga bag namin. Hindi naman 'yon kabigatan dahil kunting damit lang ang dinala namin. Hindi naman siguro kami isang taon dito 'no?

I was amazed by the beautiful garden na bumungad sa'min pagkapasok namin ng gate. There was a path of cobblestones sa gitna ng naggagandahang mga rosas na pula sa gilid.

Dinala ako ni Ralph sa isang parte ng hardin na may duyan, mga upuan at isang bilog na lamesa. Pang fairy tale princess amd dating ng lugar kahit maliit lang kasi marami itong mga bulaklak.

"Dito ka nalang muna, kakausapin ko si Mama sa loob." Saad niya at nginitian niya ako.

Tumango rin naman ako at na-upo nalang sa swing ng hardin at ninamnam ang tanawin habang naglakad papalayo si Ralph.

Tinignan ko uli ang paligid. Napaka ganda nga ng tanawin. Isa-isa kong kinilala ang bawat halaman doon, sa palagay ko naman ay tama ako sa mga pangalan nila pero may isang bulaklak na puti na napakaganda ng amoy na hindi ko alam kung ano anb pangalan.

Kjnuha ko anb cellphone ko at kinuhanan ito ng larawan at agad ko namang sinearch sa internet kaya lang medyo mabagal lang internet rito.

"Asoleado (Stupid), Sampaguita lang 'yan." Aroganteng sabi ng boses ng lalaki na nasa likuran ko

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon