And as usual, it felt like the first time. It always feels like that. I hope it always feels like that.
Tumigil kami sa SM Clark para kumain. 'Yon lang naman ang hindi mawawala sa tuwing magkasama kami. Matakaw ako, oo, hindi ko ikinahihiya 'yon. Eat more to be happy!
Tanghali na rin nang umalis kami roon. Naantig kasi ako sa mga damit at tanawin ng Skyline at namangha rin ako sa National Uneversity Campus ng Clark. Katabi pala ito mismo ng mall. Paniguradong mauubos ang pero mo kung dito ka mag-aaral. Pagkatapos ng skwela, gasta agad!
Dumaan kami sa McArthur highway, kaya medyo maraming sasakyan pero hindi naman ganoon kabigat ang traffic hindi gaya ng nasa EDSA. Dumaan kami sa maraming pasikot-sikot na hindi ko na magawang matandaan.
Ikinagulat ko nang dumaan kami sa isang daang parang kalye Crisologo ng Vigan. Napaka-vintage ng daan at patungo ito sa malaking lumang simbahan na may malaking rosaryo. Mayroon ring parang luma pero magarang bahay na may karatulang 'Museo ng kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas."
Pumarada si Ralph sa tabi ng malaking bahay na iyon at binuksan niya ang kotse.
Bukod sa estraktura ng bahay ay mas na-amaze ako sa munting hardin nito at mga bulaklak na nakapaligid rito. Ito pala ang sinasabi niyang Pamintuan Mansion, I never imagined that it was this good.
Naantig lang ako sa mga kasaysayan eme rito tulad na rin na ginamit pala ang mansyon na ito upang maging tqguan ni Emilio Aguinaldo pero ang ibang bagay kasi nakita ko na sa National Museum kaya hindi na ganoon ka exciting.
Nagtungo naman kami ng Holy Rosary Parish (Yung malakjng simbahan na luma), para magdasal. Buti na lang ay hindi ako nasunog nang apakan ko ang simbahan. Ilang taon na siguro akong hindi nakapagsimba. Mas malaki pala ang simbahan sa loob pero dumiretso kami sa prayer area- 'ata, ng simbahan at dasal.
Hindi ko alqm kung anong uunahin ko, magpapatawad ba sa sandamakmak kong mga kasalanan? O magpasalamat sa buhay pa rin ako kahit papano?
"Dito ka muna, may pupuntahan lang ako." Saad niya sabay pagtayo habang nakuluhod pa ako.
Paano 'pag nawala ako? Hindi ko pa naman kabisado ang mga daan dito at iba din yung pananalita nila, parang chinese na may halong tagalog na may halong ewan. Wala na akong iba pang ginawa kung hindi napatango na lang.
Habang nag-rereply ako sa mga bati sa akin sa social media ay may babaeng lumapit sa akin. May pagka-chinita s'ya, maputi at siguro nasa edad 16 palang. Naka-curl ang mga buhok niyq at suot niya ang bistidang kulay asul na bagay na bagay na sakinya.
"Um... ate, ang ganda po ng outfit ninyo. Kalagu yu pu. (Ang Ganda niyo po)" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Medyo hindi ko naiintindihan ang huli niya sinabi.
Sinasabi ba niya na maganda ang outfit ko pero hindi bagay sa'kin kasi pangit ang pagmumulha ko. Am I that shaggy? Nagko-compliment ba s'ya sabay insulto?
Medyo naging awkward ang sitwasyon namin pero sumagi sa isip ko na baka hindi naman pala iyon ang ibig n'yang sabihin. Maybe she's just speaking in her native dialect.
"Sorry, I don't understand kapampangan, hehe."
Hindi ko alam bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Nagmumukha tuloy akong spoiled brat na batak mag-english. Tas 'yung ngiti ko para talagang pinipigilan kong matae.
"Ahh... Sabi ko po maganda po kayo." Nahihiya niyang sabi pero ,as nanaig ang hiya ko. Compliment lang pala ang hatid n'ya 'tas tinaasan ko pa s'ya ng kilay. Nagmukha tuloy talaga akong kontrabidang maarte.
"S-salamat." Nauutal kong tugon. "Ano palang pangalan mo?"
'Yon na lamang ang mga salitang naisip kong bitawan, mas pangit naman kung mananatiling pangit ang impression ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...
Chapter 13
Magsimula sa umpisa
