"Mag nakatirang diwata sa Mt. Arayat at—"
"Hulaan ko nagtitinda s'ya ng pares." Pamimilosopo ko.
"'Wag na nga!" He rolled his eyes and I couldn't stop laughing all the way.
TUMIGIL ang kotse sa isang malaking lumang bahay. It was a traditional filipino house na gawa sa kahoy. May katandaan na ito pero magara pa rin ang dating. It was just a matter of seconds nang na-realize ko na Mansion pala ito para sa mga taong nabuhay noong panahon ng España.
The house was elevated from the ground at ang entrance nito ay hagdan na gawa sa bato. It was amazing or beyond amazing, para bang ibinalik ako sa sina unang panahon. P'wedeng p'wede ang bahay na 'to para maging tourist spot kaso nga lang may kalayuan sa daan kaya magiging mahirap ang pagpunta, but who cares.
"'Yan and Casa de Alfonso, yan ang binabantayang bahay ni Papa at 'yon naman ang bahay namin." Turo niya sa may kaliitang normal na bahay sa hindi kalayuan.
"So parang binabayaran kayo para bantayan 'to?" Nagtataka kong tanong.
"Nope, sa pamilya namin 'yan. Mga kamag-anak ko ang nagmamay-ari actually pero hindi na nila na atupag dahil nasa ibang bansa na silang lahat ngayon." Pagpapaliwanag niya.
"'Yong mga toxic ba?"
"Nope. Sa mother side ko ang mga 'yon. Sa father side ko naman ang bahay na 'to. Mayaman daw ang pamilya namin, parang old money na ring nga sila kaya hindi sila nauubusan ng pera. Hindi ko nga lang nga alam kung anong nangyari sa'min. Paranb nilagpasan kami." Napatawa siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kabilang bahay.
Marami ring nakatira malapit sa bahay nila pero hindi katulad sa amin na sobrang lapit lang ng mga kapitbahay. Dito parang may social distancing na nagaganap, parang may virus na bahay lang ang affected na kumakalat.
Nakipag-usap si Ralph sa halos lahat ng mga tao rito. Para s'yang artista o asukal kasi pinagtipunan siya ng mga tao.
Pinakilala niya ako bilang girlfriend n'ya at ako naman ay tamang tango lang at kunwari ay isang mahinhin na Maria Clara at isang mabait na binibini —which is 'yon ang kabaliktaran ko.
Matapos ang halos isang oras ng pakikipag-kamusta ni Ralph sa mga tao roon at ang parang robot na pagtango ko ay sa wakas naisipan na nila kaming pakainin pero tumanggi si Ralph sa kung ano-anong rason. Naiinis ako sa ginawa niya dahil mukhang masarap ang almusal ng nag-aya sa'min kasi naamoy ko ang halimuyak ng kusina niya.
SUMANG-AYON nalang ako sa pagyayaya niyang libutin daw namin yung lumang bahay kahit nagugutom na ako. I checked the time on my phone, 6:20 pa lang ng umaga pero ang mga tao dito parang gising na gising na. 'Yong iba dito nagwawalis na at 'yong iba naman ay naglalaba at ang iba ay abala sa pagpapakain ng mga alaga nilang manok at baboy.
Sobrang sipag naman nila, doon sa amin, sa ganitong oras tulog pa ang lahat.
Maalikabok na ang paligid pero maganda pa rin ang bahay. There was a wooden sofa sa sala at sobrang pangsinauna talaga ang dating, except sa malaking TV sa sala na sumira sa 'Maria Clara' feels ko.
All the wooden furnitures pati ang malaking hagdan papuntang itaas ay gawa sa nara ang maliliit na bagay naman ay pang gawa sa mahogany.
"Ilang taon na 'tong 'di natirhan?" Tanong ko dahil napaka alikabok na ng paligid.
"Mga 3 dekada na, pero last yearnalinisan din naman namin."
I continued on wondering around the house until a wooden cabinet cought my attention. Magara ang dating ng aparador na 'yon. May mga naka-ukit na bulaklak at isang paruparo sa kahoy ay at ang mga pinto nito ay may salamin.
BINABASA MO ANG
Entwining our Frayed Strings (Strings #1)
RomanceFrancesca Bianca Torres, was a typical 18-year-old that was more boring than a usual teenager should be.She came from a famous family of doctors with an amazing reputation. Burdened by my family's legacy, chose a path she never wanted. Simula bata...
Chapter 12
Magsimula sa umpisa
