"Wala pa naman, si Cesca palang-"

"Siguraduhin mo 'yan!"

Napaatras si Ralph nang manlaki ang mga mata ni Mika. Tinignan niya ako and it was evident na natatakot s'ya kay Mika. It was true na nakakatakot siya ngayon. Para s'yang nanay kong nalaman na may boyfriend na ako.

"Tas ikaw, impakta." Turo niya sa akin at ikinagulat ko. "Bibili ako ng birth control pills mo mamaya."

"Okay-"

"Anong 'okay'? Bigyan mo ako ng pera. Ano ka sinuswerte?!"

*****

"Good Afternoon, 12 - Avery. Prepare yourselves for our debate. Boys against girls, randomly picked. You'll be debating by pairs. Ako ang bubunot ng pairs at ang makakalaban nilang pares. Ako rin ang bubunot ng topic."

Napatahimik agad ang klase at ang iba ay dali-dali kinuha ang mga linbro sa ilalim ng mga mesa nila.

"Wala kayong mapapala sa mga librong 'yan so shut them and remove all unnecessary things on your desk. So our first pair is from the gentlemen..."

Sinumulan ng alugin ni Ma'am Lana ang hawak-hawak niyang garapong naglalaman ng mga pangalang isinulat sa papel.

"Is Mr. Hans Abocado paired with Mr. ... De Guzman, Ralph... Raphael talaga 'to 'nak? Hindi Raphael?"

"Yes Ma'am, Ralphael po." Ralph politely answered.

Kita sa mga pagmumukha nila na kabado sila dahil sila ang unang pares na lalaban. Lalong-lalo na si Ralph. Iba ba naman ang inatupag kagabi.

"What are you waiting for? Ano? Uupo-upo lang kayo d'yan?" Taas kilay na sabi ni Ma'am Lara. Well, tama naman s'ya doon dahil naka-upo pa ang unang dalawang lalaking natawag.

Dali-dali silang tumayo at nagtungo sa harap ng klase nang nakayuko ang ulo. Pagkarating nila roon ay parang may pinagbubulungan sila at bahagyang tumatawa. Si Ma'am Lana naman ay nagpatuloy sa pagpili. Now, ibang garapon na ang hawak-hawak niya.

"The first pair for the ladies is... Miss Ashilea Martinez"

That name was very unfamiliar. Hindi ko alam kung nagkakamali lang si Ma#am o may nakalimutan lang akong kaklase namin. However, I was sure that there was no Ashilea in this class.

Ikinagulat ng buong klase nang tumayo ang katabi ko -- Ang transferee. That's why her name was unfamiliar. It was almost 4 weeks but she barely speaks now socialize. Tumayo s'ya mula sa kaniyang kina uupuan at nakayuko ring nagtungo sa harap ng klase. She was standing opposite to the boys.

"Miss Martinez you are paired with Miss Lianne-"

"Absent po s'ya Ma'am. Nag-attend po ng concert ng Sixteen, yung mga koryano po." Sabat ni Paul ang the class roared in laughter.

"Okay then..." Inabot muli ni Ma'am Lana ang kaniyang garapon ng mga pangalan. "Miss Martinez, you'll be paired with Miss Torres."

Napatulala ako nang marinig ko ang pangalan ko at dali-dali naman akong nagtungo sa harap ng klase. Nakatitig sa amin ang buong klase pero feel ko ay nakatitig lamang sila sa akin kaya lalo akong na-pressure.

I looked at Ralph who was standing right in front of me. Mukhang hindi s'ya pressured at kahit kaunting pag-aalala ay 'di ko mahanap mula sa pagmumukha niya. Ayan lang siya tayo-tayo lang at pangiti-ngiti.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora