"Parehas tayo." Maikli kong tugon.


Nanlaki rin ang mga mata n'ya nang marinig n'ya ito. Tinalikuran ko agad s'ya upang magpatuloy sa room namin. It's only a matter of minutes bago magsimula ang susunod subject.


Narating namin ang room nang may ngiting tagumpay. Wala pang teacher roon. Matamis pa rin ang ngiti namin kahit alam namin na absent na kami sa pre-calculus.


May pinagkaka-abalahan ang bawat isa nang marating namin ang room. Yung iba ay abalang nakikipag-chismisan, yung iba naman sa make-up ang attention samantala ang natira naroon lamang sa kani-kanilang mga mundo.


Ang bakanteng upuan sa tabi ng akin. Wala yung transferee. Nagpapasalamat akong hindi kami napansin. Habang naglalakad kami tungo ng upuan, ako lang pala, naiwan si Ralph sa may tabi ng pinto dahil hindi n'ya alam kung saan  s'ya uupo.



Dahil sa matagal n'yang presensya sa kaniyang kinatatayuan, napapansin na s'ya ng mga kaklase ko. Some girls were giggling, hindi ko sila masisisi dahil ang kombinasyon ng kaniyang malawak na dibdib, malalaking braso ay tunay na kaakit-akit.


Dagdagan mo pa ng matangos n'ya ilong at yung seductive lips n'ya shet.


Dumating rin ako puntong napaisip ako. Ano kaya ang itinatago ng polo n'ya- 'Wag kang manyak Cesca!


"Uy may lalaki don oh" Narinig kong sabi ni Hans habang pinagmamasdan ng puwang mangha ang matipuno niyang katawan. Para scanner ang kanyang mga mata dahil paulit-ulit itong nagtaas at baba.

"Gago, pogi"

"Shet, ang hot."


Sa ilang sandaling pananatili sa kanyang lugar, napansin n'yang bakante ang nasa tabi ko kaya naglakad s'ya patungo sa akin.


Bago pa man s'ya makalimang hakbang ay may humila sa kaniya mula sa likuran. Si Lianne. 'Di ko alam kung ano ang motibo n'ya pero hinahawakan n'ya ang kamay ni Ralph na tila ba matagal na silang magkakilala.


"Dito ka nalang umupo" Sabi n'ya rito.


Nang tumingin si Ralph sa kanya, ginagat n'ya ang gilid ng kaniyang labi. Sa hindi ko malamang dahilan, naiinis ako sa ginagawa n'ya. She usually flirts with every boy, I don't actually care about it. This time, bigla akong nainis sa kalandian ipinapakita n'ya. 


"Wala namang bakanteng upuan d'yan, meron naman doon" Turo n'ya banda kung nasaan ako nakapuwesto.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now