Bagay na bagay sa katawan n'yang tila hulog ng langit ang uniporme n'ya. Itinaas ko ang tingin ko sa mukha n'ya at doon, tuluyan akong napanganga.


He was fucking gorgeous! Hindi s'ya yung tipo ng lalaking type na type ko kasi hindi s'ya mestizo. Moreno ang balat n'ya't may matulis na panga. Kahit di ko type and gaya n'ya, malakas talaga ang tama ko sa lalaking 'to.


It took me several seconds para namnamin ang gwapo n'yang mukha bago tuluyang marealize na hindi ko pala s'ya kilala.


Magnanakaw ka ba?! Napilitan akong umatras sa lugar ko. Kahit gwapo s'ya, 'di pa rin yun excuse para magnakaw s'ya.


Matapang ka Cesca! Maangas ka! Gusto ko s'yang suntokin dahil lumalabas na naman ang bida bidang action star feels ko. Pero hindi. Hindi ko s'ya kakayanin.


I'm no match to those large biceps and his ripped body. Baka mahimatay pa ako sa unang pitik n'ya.


Ako nalang kaya ang nakawin mo- Ano ba Cesca, itigil tigil mo muna yang kalandiang yan!


"Hello." He said in a sexy low baritone  voice. Damn ano ba?! Ba't ganyan mga boses n'yo?!


Pilit kong magmukhang mabangis sa harap n'ya. Matapang ako, maangas ako, mabangis ako.


"Sino ka?" I coldly said.

"Ako?"

"Ay hindi, yung water despenser." Inirapan ko s'ya. Napaka-obvious naman na s'ya ang ang tinatanong ko.


"Ralph, yun ang pangalan ko, yung bago n'yong hardinero."


Bahagya nang nawawala ang kaba ko. At least alam ko na kung sino siya. Tinignan ko ulit ang orasan sa pulsuhan ko.


Shit 8 minutes na ang sinasayang ko dito sa taong toh.


Kumuha ako ng tinapay sa itaas ng ref, maraming tinapay ang binibili nina ate tuwing umaga dahil ito lang ang kinakain namin tuwing may pasok. Kumain ako habang nag-aayos at may nadama ako kakaibang pakiramdam. And pakiramdam na iyo kong maranasan kapag guhol ako sa oras.


Shit. Natatae ako! Please, 'wag muna ngayon.


"Ikaw ba si Ma'am Francheska?" Tanong n'ya sa akin habang simusubo ako ng tinapay.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now