Umupo s'ya rito at nginitian ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya sa ngiting yun. Ano ba! Itigil mo yung ngiti-ngiting yan.


We both sipped our coffees akwardly in silence. Walang imikan, parang di lang din kami magkakilala.


Ibang-iba talaga ang ugali ko sa pagcha-chat. Doon madaldal ako pero ngayon, natameme ako.


"So how are you?" Panimulang tanong n'ya.


"Okay lang."


"How about class?"


Nagiging boring talaga ang pag-uusap 'pag personal na, naroon na kasi ang hiya.


"Bumagsak ako sa Pre-Cal quiz kanina" Pilit akong tumawa kahit sa totoo lang gusto ko na talaga umiyak nalang.

"Gusto mo ba ng lessons, if nahihirapan ka?"


Hindi lang lessons ang gusto ko, pati ikaw. Naiinis ako sa sarili ko, ba't ba ako lumalandi sa utak if p'wede ko nalang sabihin.


"Sa bahay namin." Dagdag n'ya.


"Huy! Anong gagawin natin d'on?!" Nalakasan ko ang boses ko ng bahagya kaya pinagtinginan kami ng mga nasa paligid namin.


"Tuturuan kita, of course."


Yung lang ba‐ Shit, ano ba nangyayari sa'kin, ba't ang landi ko na?!


"And Francesca" Naging mas mahina at mas malalim at mas naging sexy ang boses n'ya. Lumapit ang mukha n'ya sa'kin at bumulong s'ya sa tenga ko. "I'm looking for a FuBu."


"A what?!" Gulat akong tumugon.


Anong FUBU FUBU ba ang pinagsasabi n'ya? Yung brand ba ng damit? Naghahanap ba s'ya ng damit?


"FuBu, I mean" Sabi n'ya nang mas mahina ang boses. "How do I explain this here? Um... You know... No strings attached and for the benefits."


Mas nagkakawalang sense ang mga sinasabi n'ya. No strings attached? 'San galing yun tas benefits? SSS ba?


"Ano yun, SSS, PhilHealth?" Naguguluhan kong tanong

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now