"Well I expect na bibigyan tayo ng something na mas mataas na ten ni Miss Torres. Torres, Francesca." Tawag n'ya sa pangalan ko't nanahimik pa rin ang buong klase.


"20 PO MA'AM" Sigaw ni Hans na ikinagulat ko. Hindi yun totoo. Alam kong marami akong mali kaya 'di talaga ako naniniwalang naka-perfect ako.


"Kunan n'yo po ng zero Ma'am." Dagdag ni Hans at tumawa ulit ng malakas ang klase.


I was dumbfounded. Hindi naman ako nag-expect ng ganito ka baba. Expect ko sana is mga 5 pataas. Pero inuulit ko, expect ko lang. At least hindi naman yan irerecord.


Isang babae nalang naman yung natitira, hindi naman siguro s'ya makaka-15 pataas. Lianne was quite brainy, I won't deny it, pero kung ako nga 2 lang, siya pa kaya.


"Villanueva, Lianne." Tawag ni Ma'am sa huling babae at huling tao sa listahan ng section namin.


"15 po Ma'am" Pinagtinginan ng buong klase si Lianne sa mukhang 'di makapaniwala sa nakuha niyang score.


May ibang nagpapalakpakan at iba naman ay pinag-uusapan siya. Iritang-irita 'ata sila. Sino bang hindi. Nang dahil sa kaniya, magiging graded ang quiz na 'to.


Isinara na ni Ma'am ang laptop n'ya, nagligpit, tumayo't nagpaalam. Nang makalabas na s'ya sa silid, parang normal lang, parang hindi kami nag-quiz at bumagsak.


Nang pansinin ko ang katabi ko. She was sobbing. Mababa rin siguro ang score na nakuha niya. She's not the only one na bumagsak, but she surely is the only one na umiiyak.


I wanted to comfort her but I don't even know her. Besides, may na una na rin naman sa'kin.


"Okay lang yan! naka-ilan 'wari?" Narinig kong sabi ni Hans sa Babae.


"8" mahina n'yang sabi.


SUS! Yun pala eh, ako nga 2 lang tas iniiyakan n'ya pa yun. 'Di na uso sa Senior High ang iyak-iyak.


"Ayun naman pala, ako nga Perfect eh, perfect zero!" Muling nagtawanan ang paligid nila.


"Ano palang number mo?" Tanong ni Hans kahit humihikbi pa ang babae. Siniko naman s'ya ni Paul na katabi n'ya.


Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now