Tumawa ulit ang klase at umiling nalang si Ma'am. Kami sana ang star section 'tas ganitong grade lang ang ibibigay namin.


Dumaan ang maraming pangalan at bawat sabi ng mga score may ingay na susunod. Hindi na ito pinansin ni Ma'am. Our scores were really very funny. Star section 'tas bumabagsak.


Nasa dulo pa ang pangalan kaya todo pa rin ang kaba ko. Bwesit na alphabetical order kasi.


Puro below 10 ang scores ng mga kaklase ko, it was my relief actually, kung walang makakapasok sa score na 15, hindi graded ang quiz na 'to. Pero maraming kasing bida-bida.


"Alam n'yo anong tawag sa inyo, falling star section." Panenermon sa'min ni Ma'am pero ninalewala lang namin iyon. Idinaan nalang namin sa tawa. Apat na babae nalang naman ang natitira. Low na ang possibilty na may maka 15 points.


"Sanchez, Lara Jane" Tawag ni Ma'am sa kaklase namin. Walang sumagot.


"Nasaan na ang nag-check sa Papel ni Sanchez?" Sabi n'ya nang may pagka-iritang boses.


"Nasaan na ang nagcheck ng kay Sanchez!" May takaasan na ang kaniyang boses. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang klase at nagtitinginan sa isa't isa kung sino nga ba ang nag-check ng papel ni Lara.


Nasaan na ba kasi yung taong yan, Napaka-lutang naman. Bilisan mo na, para matawag na ang pangalan ko. Naiirita kong sabi sa isip ko. Naiinis talaga ako sa kalutangan ng taong 'yon, kung sino ka man.


May tumapik sa likod ko. Tinignan ko ito, si Melaine. Binigyan ko s'ya ng ekspresyon sa mukha na nagsasabing ano 'yon? na may kahalong kaunting pagka-irita.


"Beh! Ikaw nag-check nung papel ni Lara, 'di ba?!"


Tinignan ko uli ang papel na hawak hawak ko. Shit! Na sa'kin nga!


"8 over 20 po Ma'am." Mahina at nahihiya kong sabi.


Binigyan ako ng magkahalong pagka-irita at pagka-dissapointed na tingin ni Ma'am Liña kaya't mas lalo akong nahiya at iniyuko lamang ang ulo ko.


Shit! Ang lutang ko naman. Lupa, lamunin mo na ako't iligtas mo ako sa kahihiyan.


"Walang mi-isang umabot ng ten! Ano ba yan! Akala ko kayo ang masu-surprise, ako pala!" Naiinis na sabi ni Ma'am at nanahimik na lamang kami.

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now