Halos na iiyak na ako't nahihilo. Kulang sa tulog, walang kinain, walang nireview. Ano na bang nangyahari sa'kin.


Gusto ko nalang bumuka ang lupa para lamunin ako't iluwa sa kama ko. Sumagi rin sa isip ko na sana mahimatay ako.


Bakit pa kasi may pa-surprise exam pa. Miserable ka siguro ma'am 'no? Kaya siguro kami ang trip mo kami i-surprise kasi walang nagsusurprise sayo

*****

"Pens up, pass your papers forward." Sabi nya makalipas ang 20 minutes naming pagsasagot. Alam kong marami akong mali. Nasa acceptance stage na ako. Hinulaan ko lang naman ang iba dun

.

Nagpalitan ang bawat row ng papel kaya 'di ko alam kanino naounta yung sa akin.


Nang isinulat na ang mga tamang sagot sa whiteboard. Nawala na lahat ng pag-asa na nananalantay sa dugo ko. Wala na talaga akong pag-asa. May tama naman siguro yung kahit kaunti.


Matapos ang ilang minuto nagsitayuan na ang iba kong mga kaklase upang i-abot ang papel sa mga may ari. Bakas sa kanilang mahihinang tawa na hindi ako nag-iisa. Hindi ako nag-iisang bumagsak.


"WHO told YOU TO STAND UP!" sigaw ni Ma'am Liña.


Lahat ng nakatayo kong mga kaklase ang automatic na bumalik sa kanikanilang upuan.


"Kayo ang mag-sasabi ng score ng chini-check ninyo" Sabi n'ya sabay upo at bukas ng kaniyang laptop.


Shet. Nakakahiya, ba't kailangan pang sabihin?


"Abokado, Hans."


"PERFECT MA'AM!" Malakas na sabi nung isang lalaki sa likuran na nag-check sa papel n'ya. I don't believe it. I just can't. Si Hans ang isa sa mga 'di gaanong magaling sa klase. Suntok sa buwang maka-perfect s'ya.


"Really?" Nanlaki ang mga mata ni Ma'am Liña, tila 'di rin s'ya makapanilawala sa score na nakuha ni Hans.


"Perfect zero ma'am!" Dugtong ng lalaki at sinundan ito ng malakas na tawanan ng buong klase.


Mukhang tanggap din ni Hans ang score n'ya. Sa halip na mahiya, mas malakas pa ang tawa n'ya.


"Catamaran, Paul" Tawag ni Ma'am.


"4 over 20 Ma'am!" Proud na sabi ng best friend n'ya na s'ya ring nag-check ng papel n'ya.


Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now