"Opo"


Wow! Di ko expect yun ah. Sabi ko sa sarili ko. Minsan lang s'ya nagiging magalang. Well, sa sitwasyong ito, kailangan n'ya talaga if ayaw n'yang mapalayas.

"And one more thing." Pagpapalit ng topic ni Mama. "Namatay pala yung hardinero natin."


"Yeah, he died." Sabi ni Papa na napakakalmado na parang wala lang sa kanya. Parang namatayan lang s'ya ng halaman.


I really got blue hearing that information. Napakabait ni Manong Ben sa amin, lalo na sa'kin. Sa kanya lang ako komportable sa pagkakanta. In fact, he's the only one that knew I can sing.


"So anong problema if wala na tayong gardener?" Tanong ni ate Khaye na parang wala lang din.


"Ikaw nalang kaya magbunot ng mga ligaw na damo dun, ate." Sabi ko habang inirapan s'ya.


"We already found someone in replacement of Manong Ben."


"Who?" Curious kong tanong, nagmamanifest ako na sana di s'ya masungit. Pero nalulungkot pa rin ako na wala na akong makakausap tungkol sa mga kantang sinusulat ko.



"His son. Grade 12 rin s'ya tulad mo. Pag-aaralin ko rin s'ya kasi wala na s'yang pamilya. He'll be here tomorrow."


Nagulat ako sa sinabi Papa, hindi ko alam na may anak pala si Manong Ben. Wala naman s'ya kinukuwento. All he said to me was his life and pampanga, no more and no less.



*****

Natapos ang hapunan ng walang imikan. Pumasok na kami sa kani-kaniyang mga kuwarto. Maaga pa kaya't may oras pa akong mag-aral. But before I did, I checked my phone, so far wala pa namang messages and 'di rin naman ako nag-eexpect na may magme-mesage.


Nang buksan ko ang Facebook, dinatnan ko ang isang notification sa friend requests na ikinagulat ko.


Harrison Dane Suarez sent you a friend request.


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Halos lumundag ako sa tuwa nang makita ko ito. For the first time in 6 years naming magka-batch, sa wakas ay in-add nya na ako sa FB.



Harrison Dane Suarez: Hello, you're Francesca right?


Hindi ko inaasahan 'to. 'Di ko expect. Namumula ako at hindi alam ang i-rereply. Ano nga bang i-rereply ko? Tinatanong n'ya lang naman kung ako nga ba si Francesca.


I'm not Francesca, I'm yours. Sabi ko sa sarili. That was very cringe, really cringe.


Inayos ko ang sarili ko at nag-isip ng matinong reply.


Francesca Bianca Torres: Yes, why?


Ang OA naman, feeling good girl. Sabi ko sa isip ko matapos kong magreply sabay irap.


Harrison Dane Suarez: You're my 8th grade classmate right?


Hindi ba obvious or sayang may constant amesia ka lang talaga?


Francesca Bianca Torres: Yes, why?


Paulit-ulit ka nalang Cesca, robot kaba?


Harrison Dane Suarez: It's nice meeting you actually, pwede ba tayo maging friends.


Francesca Bianca Torres: Sure. Friends lang hindi pa pwedeng more?


'Di ko alam kung anong sumagi sa isip ko at ginawa ko iyon. Nakakahiya, sobrang nakakahiya. Pinatay ko nalang yung phone ko, alam ko na anong patutunguhan nito. Rejection.


Harrison Dane Suarez: What do you mean. Best friends ba or super best friends? AHHAHAAHHA

.

Natawa ako sa reply n'ya. Baka 'di n'ya gets. Salamat naman at di n'ya gets.


Francesca Bianca Torres: Wala

Harrison Dane Suarez: Gusto mo ba mag-coffee sa monday? libre ko.


I can't believe anything that is happening. Totoo ba 'to? 'Di ba 'to panaginip lang. If totoo 'to, man, this is sweeter than fiction.


Francesca Bianca Torres: SURE!

Harrison Dane Suarez: After class?

Francesca Bianca Toress: Yeah.


I shut my phone and went to my study desk. Tama ba 'tong ginagawa ko? Yan ang tanong na nasa utak ko.


'Di naman siguro mawawasak ng kaunting kalandian yung future ko 'no? 'Di yan, mabait naman s'ya, matalino, magiging good influence naman siguro s'ya.


Hindi pa ako nakakapagsimula magbasa ay tumunog muli ang notification ng phone ko. Dali dali ko itong tinignan.


Harrison Dane Suarez: See ya!

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now