Despite their eagerness na sundan ang mga pangarap nila, wala pa rin silang nagawa. Si papa ang nasusunod dahil siya ang nagbabayad ng tuition fee.


I always wanted to be a singer ever since. I want to bring it up to my family pero after everything I witnessed. Kung paano nila binalewala ang mga gusto ng mga kapatid ko. I never had the courage, or the chance.


"Dalawang bagsak, isang pasang-awa, isang dropped, tas walang kahit isang uno?! Anong tawag mo dito?!" Hindi tumugon si kuya at niyuko lamang ang kaniyang ulo.


"Tinatanong kita! Sagutin mo ako Austin! Anong tawag mo d'yan?" Tinuro ni papa ang laptop ni kuya.


"Grades" Mahinang sabi ni kuya.


"Grades tawag mo d'yan?! Well, ako, BASURA!" Sigaw ni papa.


Si kuya Austin ang pinakamatapang sa aming magkakapatid. Siya lang ang may tapang na sagutin si papa. However, he was still and silent. Hindi s'ya umimik. For the first time, mukhang naluluha na s'ya.


"Kain na muna, Arthur. Dito na kayo mga anakl" Tawag ni Mama kay Papa at sa amin. I knew na ito yung paraan n'ya para putulin ang sigawan at mga sermon ni Papa sa sala.


Masarap ang inihandang ulam ni Mama. Kare-kare, paborito ni Kuya at ni Papa. Habang kumakain kami ay napaka-dry ng paligid. Walang imikan. Nakayuko lamang si kuyang kumakain.


"Pano kaba namin aayusin?" Binali ni Papa ang katahimikan at tinignan ng masinsinan ni kuya Austin.


"Ayaw ko maging doctor."


"Then tell us what you want then?!"


Tumaas ng bahagya ang boses ni Papa at tinapik itk ni ate para kumalma. Mukhang magkakasermon na naman dito.


"I want to be a videogame designer. Sinabi ko na yan sa inyo bago ako mag college pero-"


"That's rubish. Videogames. Ano mapapala mo doon?"


Hindi muling umimik si kuya at napatuloy sa pagsubo. He knows that Dad will give another damn if he utters another word.


"And ngayon madadagdagan ka na naman ng isa pang taon."

Entwining our Frayed Strings (Strings #1)Where stories live. Discover now