Chapter 18

93.9K 1.3K 147
                                    



Jillian Fuentes





"Hoy Jill para ka nang nababaliw ngiti ka nang ngiti diyan magisa."sabi sa akin ni Jo habang nagpa-packup kami ng mga gamit.

Tapos na ang Camping.

"Tsk hindi ako nababaliw. Ang tawag dito sa ngiti ko ay love." nginitian ko siya saka kinindatan.

"Woshu ang corny mo!"

Bakit ba in love ako, eh.

"Guys tara na!" sigaw ni Frances.

Bumaba na kaming lahat ng bundok. Todo alalay pa rin ako sa babe kong masungit.
Diretso uwi na kaming lahat dahil bukas papasok na din kami.

Gabi na nong makarating kami ng Manila. Ihahatid ko pa siya sa apartment niya kaya nong maghiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan ay niyaya ko na siya papunta sa kotse ko.

Habang nagdadrive ako napapalingon ako sa kanya.

Masaya ako dahil nakasama ko siya sa camping. Hindi ko akalain na iiyak siya nong 'di ko siya pinansin. Mahal na rin kaya niya ako?

Sana nga.

"Jillian?"

"Yes, babe?"sabi ko habang nakasilip ako sa side mirror saka ako tumingin sa kanya halatang kagigising lang niya. Lagi na lang niya akong tinutulugan sa biyahe.

"Malapit na ba tayo sa apartment?"

Napapahikab siya. Ang cute niya.

"Yep lapit na tayo." sagot ko pero 'di siya sumagot pumikit ulit siya.

After 15 minutes nakarating na rin kami. Pumasok na kami rito sa loob ng apartment niya.

"Jillian?"

"Hmm?"

"Ingat sa pag-uwi."

Ingat sa paguwi?

Ganon lang?

May amnesia ba siya?

Kagabi ang sweet sweet niya sa akin tas ngayon parang pinapauwi na niya ako agad? Asar!

Hay.

Bumuntong hininga ako.

"Sige, uwi na nga ako."

"Hmm galit?"

"Hindi, ah."

"Okay, sige ingat ka."

Manhid! 'di man lang ako yayaing matulog dito sa apartment niya.

Pagod na pagod ako sa pagda-drive at pag-alalay sa kanya tas 'Ingat sa pag-uwi' yon lang ang sasabihin niya?

Humalik na lang ako sa pisngi niya saka ako umalis.

Grabe pagod ko.

Pagdating ko ng bahay pumasok agad ako ng kwarto at humiga na saka natulog.

Paggising ko bigla akong napabalikwas! Ba't ang liwanag? Tanghali na ba?

Pagtingin ko sa relo.

Hala panong ngyari? Alas onse na?!

Nanginginig pa ang katawan ko habang papuntang banyo. Ganito pakiramdam 'pag napapabalikwas, eh.

Binilisan kong maligo at nagbihis agad ako.

Pagtingin ko sa cellphone ko 40 messages at 25 missed calls. Grabeng tulog yon, ah!

Pagdating ko ng school lunch break na kaya pumunta agad ako ng canteen para hanapin si Anne. Sigurado andon siya buti na lang foundation day. Pagpasok ko ng canteen ayon nakita ko siya agad. Nasa bandang dulo.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now